Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Christmas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Christmas. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Disyembre 21, 2012

ANG PASKO

Hindi maitatanggi, na isang panahon ay ipananganak, ang katawang tao ng Tagapagligtas sa pamamagitan ng isang babae. Yun ay isang katotohananan.
Ngunit ang katotohanan ay siningitan ng mali. Ano ang mali? Yung petsa ang mali, December 25. Paano mapapatunayan na mali ito sa pamamagitan ng mga reperensya.
Maaring edited ito, pero galing yan sa isang tunay na referencia Yun nga ay ang Catholic Encyclopedia. Na sinasabi, na ang actual date unknown. Ano ngayon ang batayan ng December. Ini-assign lang Church in Rome, yun nga ang Roman Catholic Church.
Ngunit ang nakakabahala ay inilagay ang kapanganakan ng Panginoon sa araw rin ng kapistahan ng Sun God of Pagan Rome, iyan nga ay sinasang-ayunan ni Kuya Kim.
Bakit ipapantay ang kaarawan ng Panginoon na tunay na Dios, sa isang diosdiosan, para sa akin ay napakamali. At sino naman si Constantine o ang Church sa Rome para i-assign ang birthdate ng Panginoon. Si Cristo ang nakakasakop sa tao, hindi ang tao ang nakakasakop sa kaniya. Napakataas naman siguro ng tingin nila sa kanilang sarili para pakialaman ang bagay ng Panginoon.
Isa pang mali, sa December ay winter noong panahon na iyon. Kung babasahin ang Lucas 2:8
ANG DATING BIBLIA 
LUCAS 2:8 
At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
Sabi nga ni Bro Eli. Hindi naman tanga yung mga pastor na isosoga yung mga tupa, na puro yelo naman ang makakain dahil winter nga. Ano ang kakainin nun halo-halo. Kaya nga yung lyrics ng the First Noel eh isang stupidong lyrics
“The First Noel,
the Angels did say
Was to certain poor shepherds in fields as they lay
In fields where they lay keeping their sheep
On a cold winter’s night that was so deep
Maling-mali talaga ang December 25, para sabihing kapanganakan ng Panginoong Jesus. Una dahil ini assign lang ng tao, at hindi suma-sang-ayon sa klima ang mga pangyayaring nakasulat tungkol sa kapanganakan niya.
Ngayon ipagdiriwang mo pa ba ito sa darating na December 25, ang puno ngayon ng iglesia na naglagay nito sa Dec. 25 ay sumasang-ayon na hindi nga ito ang araw ng kapanganakan ng Panginoon.
Maraming mali dyan sa Pasko ng Katoliko. Isa na nga diyan ay ang concept ng tatlong Hari. Wala naman sinasabing tatlong hari sa Biblia, ni yung bilang na tatlo nga wala nga ang nakalagay Mga Pantas na Lalake.
ANG DATING BIBLIA 
MATEO 2:1 
Nang ipanganak nga si Jesus sa Bet-lehem ng Judea sa mga kaarawan ng haring si Herodes, narito, ang mga Pantas na lalake ay nagsidating sa Jerusalem mula sa silanganan, na nagsisipagsabi,
At saka imposible na maging tatlong hari yung pumunta sa panginoong Jesus. Ang isang hari noon, is the Caesar of the Roman Empire, yung isa naman ay ang hari ng Persia, na magkaaway pa, yung susunod na kaharian napakalayo na sa Israel, papaano mangyayari na magiging tatlong hari iyon?
Ngayon dapat pa bang ipagdiwang ang December 25, para sa kin hindi na, at saka maling mali, na karamihan sa Paskong Katoliko ay inuman, pag-iingay, at kainang maramihan na kadalasan ay humahantong sa mga masasamang pangyayari, ang ginagawa.
Ngayon masama ba na ipagdiwang ang kapanganakan ng Panginoon, hindi masama, basta hindi lang December 25, at not the worlds way of celebrating it.
Dito nga papasok ang tanong, papaano ang tamang pagdiriwang ng Pasko o kapanganakan ng Panginoon. This is the job for Bro Eli Soriano. Ask Bro Eli and the Bible will answer. You may ask him thru this twitter link.