Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Marquez. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Marquez. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Disyembre 14, 2012

PAST TO FUTURE: PACQUIAO VS MARQUEZ

Enough na sa sisihan, kung bakit natalo si PacMan sa ikaapat nilang laban ni Juan Manuel Marquez, yung tao nga na mismong natalo, tanggap na talo siya, sino naman tayo para hindi tumanggap. Ngunit isa lang ang sigurado sa nangyari, December 8, 2012 is a date which will live in infamy for many PacMan boxing fans, eksatong 71 years ng sinabi rin naman ni Franklin D. Roosevelt, sa December 7, 1941 declaration of war to Japan sa US congress ang term na "a date which will live in infamy"
Balikan muna natin ang mahabang kasaysayan ng dalawang mandirigma ng boxing ring mula sa una hanggang sa pinakahuling laro nila sa kasalukuyan.
Ang Unang Paghaharap, May 8, 2004: Ito ang pinaka una, ngunit hindi pahuhuli sa kontrobersiya, si Pacquiao nga ang tila bugbog sarado kung mukha ang titignan, ngunit napatumba niya naman ng dalawang beses si Marquez, ngunit ang resulta ay tabla. Naging isyu pa nga noon ang medyas ni PacMan, dahil nagpaltos ang kaniyang mga paa.
Dahil nga sa tabla sila sa unang paghaharap, ay nangangailangan nga ng pangalawang laban upang matapos ang usapan.
Ikalawang Paghaharap, March 15, 2008: Nanalo nga si Pacquiao via split decision. Si Marquez nga ang may mas maraming naibatong suntok, ngunit ang tila ikinatalo ay ang pagbagsak niya sa third round. Hindi na nga pinangarap ni PacMan na magkaroon ng pangatlo pa, dahil ibig niya umakyat ng division. Subalit naganap pa rin ang ayaw niya na sana.
Ikatlong Paghaharap, November 12, 2011: Ito nga sa aking pananaw ay labang hindi na kinakailangan pa. Ngunit dahil matunog ang pangalan ni PacMan at marami ang nadidismaya, sa hindi matuloy-tuloy na fight of the millenium, Pacquiao vs. Mayweather. ay ginawa ang labang ito, para sa akin ay para kumita, ang mga kikita, partikular ang mga tao sa Vegas.
Marami na nga ang tinalo ni PacMan mula ng huli nilang laban. At ang mga tinalo niya ay mga hindi basta basta. Mula kay Diaz, De La Hoya, Hatton Cotto, Clottey, Margarito at Mosley. At si Pacquiao nga ay naging 8-division World Champion na.
At naganap ang laban, nanalo si PacMan via majority decision sa score na 114–114, 115–113 & 116–112. Ang inaasahan nga ni Marquez ay siya ang panalo. Yun ngaa ay dahil malalakas at tumatama ang mga suntok niya. At para sa akin din naman ay hindi lahat ng round noon ay kay Pacquiao, ngunit ang karamihan nito ay kay PacMan pa rin. Maging ang mga istastika ng boksing ay pumapabor sa pambansang kamao.
Marahil ay nadidismaya si Marquez noon dahil hindi niya nagawang maipaghiganti ang mga Mexicano, laban sa ating pambansang kamao, na halos lipulin na ang halos lahat ng kanilang pambato. Ngunit magkakaroon siya ng tsansa upang gawin iyon.
Ika-apat na Paghaharap, December 8, 2012: Tila at natupad na ni Marquez ang ibig niyang gawin sa huling tatlong laban nila, ang talunin si Pacquiao, knock-out nga si Pacquiao sa round 6, at di na nakatayo pa. Maluwag ngang tinanggap ni Pacquiao ang pagkatalo, ngunit bumanggit siya ng mga salitang tila may kahulugan, "We will rise again!"
Nangangahulugan ba ito ng Ikalimang Yugto sa pagitan ni Pacquiao at Marquez? Wala nga kay Pacquiao ang desisyon kundi nasa isang tao, si Bob Arum.
At ang tila hindi siguradong sagot ay oo magkakaroon. Kung maganap man ito dito na ba ito magtatapos? Kung ako ang tatanungin, ay na renew ang trilogy ng rivalry nila, at nagsimula nga ulit ito sa ikaapat nilang laban. Hindi nga maiiwasan na magkaroon pa uli ng 6. At kung magkaaberya pa muli gaya ng ikatlong laban ay tila may ikapito pa. Sana nga ay makabawi si Pacquiao sa ikalima kung magkakaroon pa.

Martes, Disyembre 11, 2012

HITLER AND ME ON PACQUIAO MARQUEZ IV

Sa mga makakabasa nga nitong blog na ito, please paki share po yung video ko para maging viral siya, isang pakiusap mula sa hamak na blogger na tulad ko, may link po sa taas, para mai-share nyo nyo sa lahat.
I always want to make a Hitler parody on a trending issue, now I got a chance.
Ang istorya nga nito, ay pumusta si Hitler kay PacMan, ngunit nadismaya ng malamang natalo si Pacquiao sa round 6. Marami nga siyang sinisisi sa pagkatalo isa na nga dito si Mitt Romney. Sinasabi niyang ito ang nagdala ng malas kay Pacquiao.
Hindi nga nalalayo ang issue sa parody na ito sa totoong buhay. Marami ngang sinisisi sa nangyari kay Pacquiao, una siyempre si Marquez.
Sinasabi ngang nandaya diumano si Marquez, sa pamamagitan ng pagtapak kay Pacquiao, saka sinuntok, gaya ng makikita sa litrato sa taas. Ngunt ayon sa mga boxing experts, ay normal lang naman ito sa mga boxers na magkaiba ang stance ang magkatapakan.
At huwag na tayong lumayo, sinisisi rin naman si Pacquiao, sinasabi nga ni Alex Ariza, na conditioning coach ni PacMan, na mas nag focus si Pacquiao sa strategy kesa sa sa conditioning.
Ngunit hindi lang sa aspetong pisikal, sinisisi ang pambansang kamao, maging sa aspetong espiritual, isinisi nga ang hindi niya pagsusuot ng rosaryo, kaya daw na natalo ito, which is too absurd, and said out of being fanatic to the Catholic Church. Hindi dapat ganoon. Una dahil ang rosaryo ay hindi naman turo ng apostol, labag pa sa nakasulat, ayon na rin sa turo samin ng aming mangangaral na si Bro Eli Soriano. Sinasabi nga ang ganito sa Mateo 6:7
"At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila."
Ngunit ang pinakamatunog na sinisisi ay ang mga pastor, na umaaligid kay Manny Pacquiao. Ito ay ayon na rin kay Mommy Dionisia, at sa isang article ng Inquirer.
Tama ang sinabi, ni Mommy D. Ngunit ang pagkasabi niya naman nito is out of fanaticism of the Catholic Church. May ganyan talaga sinasabi na yan sa Biblia. Delikado yan, pera ang habol, matatakaw pa!
MIKAS 3:11 
"Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin."
ISAIAS 56:11 
"Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila’y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila’y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa’t isa’y sa kaniyang pakinabang."
Yan nga ang iba't ibang paninisi sa kung ano-ano at kung sino-sino, na ang iba ay valido naman, ngunit ang iba naman ay invalido.
Ngunit dahil sa pangyayaring ito, lumitaw ang isang panukala. Dapat na daw magretire si Manny Pacquiao? Ang tanong dapat na nga na ba? Pakisagot na lamang po sa pamamagitan ng Poll na nasa gilid ng post na ito. Yun lang po, Salamat.

Biyernes, Nobyembre 18, 2011

ANG MASASABI KO SA PACQUIAO-MARQUEZ III FIGHT


Hindi ko nga napanood ng mismong araw ang laban nila Pacquiao at Marquez, dahil sa busy ako noong araw na iyon, kung saan naganap dapat ang sinasabing "conclusive fight" na, ngunit ang laban ay nabalot ng kontrobersiya.

Sa score na 114-114, 116-112 at 115-113, majority decision ay nanalo ang Pinoy Champ, ngunit marami ang hindi kumbinsido. May nagsasabing si Marquez daw ang dapat nanalo, gaya ng mga Mexicano, pati narin ng ilang Pilipinong nakapanood ng laban.

Ako rin ay nakapanood, ngunit sa replay lamang. Hindi nga ako eksperto sa pag-analyze tungkol sa boxing, ngunit ito ang aking pagtaya sa nangyaraing labanan, kada round

R1-PACQUIAO
R2-MARQUEZ
R3-PACQUIAO
R4-DRAW
R5-MARQUEZ
R6-PACQUIAO
R7-MARQUEZ
R8-PACQUIAO
R9-DRAW
R10-PACQUIAO
R11-PACQUIAO
R12-MARQUEZ

Para sa akin nanalo si Marquez sa round 12, ito siguro ang pinagmulan ng mga perception na si Marquez ang nagwagi, ngunit iyan ay ayon lamang sa aking pagtaya, hindi iyan ginamitan ng siyentipikong pamamaraan, at hindi karapatdapat na batayan. Si Pacman nga ang nanalo sa mas maraming rounds. Ayon na rin sa mga sinasabi ng mga komentarista ng boxing, si Marquez ay hidi sumusugod, kundi nag-aabang lamang, ngunit nakapagpapakawala ng magaganda rin namang suntok. Siya ang challenger, ngunit ang champion pa ang agresibo.

Para din sa akin ay tabla sila sa mga rounds ba 4 at 9, para sa akin ay magaganda ang palitan ng mga suntok ng mga rounds na yon. Kung susumahin lahat, ay 6 rounds panalo si Pacman, laban sa 4 rounds na naipanalo ni Marquez , kung ibabawas pa ang draw, ayon sa aking pagtaya.

Isa pa marahil sa perception, na pinagmulan ng mga duda sa pagkapanalo ni Pacman, bagamat tumatama ang mga suntok niya, ngunit, ito ay mahina, na hindi nakapahgdulot ng knock-out kahit isa man lang, na lubos na inaasahan ng mga fans ni Pacman,sa Pilipinas at sa buong mundo. Knock-out na dati niya rin namang nagawa kay Marquez.

Ngunit kahit anong gawin natin, kahit anong debate pa ang maganap, isa pa rin ang totoo, hindi na mababago ang pasya ng mga hurado na si Pacquaio ang nagwagi, at si Marquez ang sawi.

Ang Tanong, Dapat bang magkaroon ng ikaapat na yugto ang labang Pacquiao-Marquez? Para sa akin, Oo, dahil parehong bitin ang performance ng dalawang boksingero. Ngunit ang dapat maging kasunod na ay ang Pacquiao-Mayweather na. At ang burden ng pagpapatunay ay wala kay Pacman, kundi na kay El Dinamita.

Naiintindihan ko naman ang galit ng mga Mexicano, hindi sila masyadong nakakatikim ng panalo, kung si Pacquiao ang kalaban ng kanilang mga boksingero. Marami na rin kasing tinalong boxer na Mexicano si Pacquaio, isa nga dito si Marquez. Marahil ay lubos silang umasa sa pagkakataong iyon sa kanilang pambato, at dahil na rin sa hindi kagandahang performance ni Pacman, ay inakala nilang panalo na sila, na humantong sa kanilang pagkabigo at pagkadismaya.

Last words: To all Pinoys-Enjoy the Triumph, and to Mexicans- Accept your Defeat,Los mexicanos, aceptar su derrota

Mabuhay Manny Pacquiao!