Ipinapakita ang mga post na may etiketa na TV5. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na TV5. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Mayo 22, 2015

REMAKE NA NAMAN!

After a long hiatus, Kenneth Ravida is back on blogging world again. And back with a bang. Gusto kong magbigay ng opinyon sa ngayo'y papalabas na remake ng Pangako Sa'Yo na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
For the record. I want to say that I hate this love team. They are the only love team that don't kiss on screen. Kesyo underage pa daw kuno. For the love of Lipsy your actors. Its only acting hindi niyo pa magawa. It's not a real kiss! Eh bakit ang Jadine nag-kiss kaagad, magka-sing idad lang naman sila ng Kathniel. Kung hindi man contemporary lang sila. Oh pinaninindigan lang nila ang tawag sa kanila na artista. Maarte!
Sana naman ngayon mag-kiss na sila. Bueno hindi nga yan ang punto de vista ng aking komentaryo. Andaming remake na ginagawa ngayon. Sa TV5 Baker King, sa GMA hindi ko alam, hindi kasi ako masyado nanonood dun. Sa ABS ang rami, isa na nga itong Pangako Sa'Yo, Pasion de Amor. At marami pang iba nang nakalipas gaya na lang ng Flordeliza, Annaliza, Flor De Luna, Mula sa Puso. Ano ang susunod Esperanza? Pati nga Valiente nagawan na rin ng remake. Ultimo Mara Clara, na may bata pang umiyak dahil namatay si Mara.
Ang sa akin lang, wala na bang bago? Gaya ng Got to Believe, Forevermore, mga bagong istorya naman yan pero trend setter pa rin. Kahit pa sabihing iba ang atake, isa pa rin ang sigurado, ginaya niyo lang yun, at walang originality. Ganoon na ba katakot ang mga head ng programming na sumugal sa mga bagong storya at laging doon sa subok na storya na.
Kung ganoon, bakit yung Mula sa Puso hindi nag click, flop. Yun ang panget ng remake. Masisira ang alaala nung legendary na magandang material, kapag nag-flop itong presenteng material. Sana nga ay huwag mag-flop itong teleseryeng Pangako Sa'Yo newgen. Pero sigurado ako na magpa-flop yan, kapag hindi nagkiss sila Daniel at Kathryn pa rin, at pag hindi ginawa ni Daniel yung ginawa ni Jericho Rosales noon. Yung paghawak sa pwet ni Ynah. One of the most iconic scene for me.
I hate remakes, because it damages the reputation of the original material if mag-flop. And may ipinakilala itong panget na sitwasyon, lalo na sa mga writers ng mga network. It's either mga tamad kayo o walang kayong mga creativity or imagination. Nadadaig nga sila ng mga writers sa WattPad gaya nila Marcelo Santos. Na siya ring minsan ay pinagkukunan na lang ng mga kwento ng mga network para gawing pelikula o mini-series
Doon sa mga networks na gusto ng bagong kwento punta kayo sa WP profile ko, may mga bagong kwento doon, kung gusto niyong gawing pelikula or series. Basta bayaran niyo lang ako ng royalty fee. Hahaha Joke lang po. Pero kung gusto niyong seryosohin nandito po ang link.
At kung remake at remake lang din ang pinag-uusapan. Mayroon akong inaantay na i-remake ng mga network pero kahit isa walang gumagawa. ABS, GMA, TV5 sino ang kaya ang mauuna sa inyo?
F4

Huwebes, Oktubre 10, 2013

TELESERYE OVERLOAD

Hey I'm back from my long absence in the blogger world. I'm trying to pursue other experiments in the internet. And I will make it happen. But I will never drop this blog away. Never. Its my first love kasi eh.
Meron akong kaibigan na heart broken, dahil iniwan ng kaniyang someone, and he cries, and thinks it can be solved by just buying roses, to gain her again. Which not always work in real life. The attitude of this person, I have one thing to blame. TELESERYE OVERLOAD.
Inaakala niyo siguro na about pork barrel issues ang ipo-post ko. For someone that is so political like me. All I can say is the pork barrel issue is a hopeless case. With a hard-headed administration like this, it wouldn't go anywhere anytime.
Back to the topic. The Philippine Television is so full of Teleseryes from morning to night. Lalo na sa gabi. Pinuno na nito ang buong Primetime. Ang mga lider nga nito ay ang GMA at ABS-CBN.
Na ang mga tema ay puro pag-ibig. Pino-project nila na tila napakadali lang ng pag-ibig na hindi naman. Kaya nabubuyo ang maraming kabataan na sumugod sa maagang pag-iibigan, at humahantong nga sa pagkasira ng pag-aaral at buhay.
Hindi ko naman sinasabi na tanggalin ang mga teleserye sa balat ng telebisyon. No, I'm not for that. We need them for our entertainment. But drama is not the only form of entertainment. We have comedy, horror, action, reality as forms of entertainment. What happening in our television is imbalance.
And that imbalance makes the Philippine TV boring as hell. I would like to see comedy in TV daily, but it is only in weekends. The only nightly comedy show, which is not as perfect as others, which I like to watch, The JOJO A. Show was cancelled in TV5
The only TV station, entertainmently wise, which is not imbalance in programming is TV5. But the JOJO A cancellation makes me not wanna watch them.
Now Im stuck with the boring ABS-CBN, and the much more boring GMA, which I only watch because of Eat Bulaga. Other than that I dont watch them. I hope the imbalance will be balance.

Biyernes, Nobyembre 23, 2012

GAYA GAYA

Ok lang na tumulong ka kahit pa sabihing gaya lang kayo, pero para i claim pa ninyo na kayo ang mga una, na para bang kayo ang nag-conceptualize, eh foul na yan!
Ano ang una sa July 2010 at February 2011? Natural ang July 2010, kung saan isinilang nga ang advocacy na TULONG MUNA BAGO BALITA, ni Mr Public Service Kuya Daniel Razon ng UNTV. Tapos ang RESCUE 5 ng TV5 may gana na sabihin kayo ang UNA SA BANSA shame on you TV5, eh kabago-bago lang ng istasyon niyo, maaaring matagal na kayo dahil kayo yung dating ABC5, pero bago lang kayo, malinaw sa komersyal nyo February 2011 lang ang RESCUE5 ayon kay Paolo Bediones. Tapos kayo ang UNA SA BANSA!
Isa pa itong PASABAY ng GMA na ginaya lang din, sa Libreng Sakay ng UNTV, ano pa kaya ang susunod niyong gagayahin?
Ngunit sa lahat ng panggagaya ay ang panggagayang ito ang labis akong naiinis. Natatandaan niyo ba ang mga pangyayari noong Pebrero? Umalingawngaw nga sa media ang terminong BIBLE EXPOSITION, na ang nakakagulat na gumagamit ay ang INC. Ang termino ngang BIBLE EXPOSITION, ay nag-originate sa grupong ANG DATING DAAN, na para sa akin ang may karapatan lang gumamit, at mapaninindigan. Wala namang inexpose don sa kanilang pagtitpon noong Pebrero. Dalawang oras lang tapos na may trapik pang dinulot. Ang na expose lang doon yung hayagang pagkampi nila kay deposed CJ Corona.
Kaunting respeto lang sa mga gumagaya, wag kayong garapal!
http://www.untvweb.com/advocacy/tulong-muna-bago-balita/

Sabado, Agosto 20, 2011

FROM TWO GIANTS TO BIG THREE


Ako nga, mula pagkabata ay tuwang tuwa sa panonood ng TV, parang hindi ako mapapalagay kung hindi ako makakapanood. Kaya nga ng magkaroon ako ng cellphone TV ay lalo akong natuwa.

Dati nga ay dalawa lang ang naghahari sa Philippine Television, bagamat marami ang istasyon, ay dalawa lang ang naghahari, ito nga ang GMA, at ang ABS-CBN.

Nakakatuwa nga ang away ng dalawang istasyon na ito. Tapatan sila ng tapatan, walang nagpapatalo. Maging sa mga noontime show nila noon, lalo na ng panahon ng Wowowee ng ABS-CBN, na katapat ng Eat Bulaga ng GMA. Naging personal nga ang away ng mga host na sila Joey De Leon ng Eat Bulaga, at Willie Revillame ng Wowowee, na ngayon ay nasa TV5 na sa kaniyang show na Wiltime Bigtime.

Pati ang awayan sa ratings, lalo na ng akusahan ng ABS-CBN ang GMA ng pandaraya sa ratings. Ang akusasyon nga ay pinupuntahan ng tao ng GMA at sinusuhulan ang mga may-ari ng bahay na may AGB panels, kung saan nasusukat ang ratings ng AGB Nielsen kung anong istasyon nga ang mas malakas. Buwan din nga ang itinagal ng patutsadahan ng dalawang istasyon.

Hanggang sa dumating ang taong 2010, ang TV5, na dating ABC5, ay nagkaroon ng bagong pamunuan, mula kay Antonio "Tony Boy" Cojuangco ay nalipat ito kay Manny V. Pangilinan "MVP". Binago niya nga ang istasyon at unti-unti itong pumantay sa labanan ng ratings, from Two Giants to Big Three. Lalo ngang tumaas ang ratings ng Kapatid Network ng dumating si Willie Revillame noong October 23, 2010, at nag premiere ang kaniyang show na Willing Willie, na ngayon ay Wiltime Bigtime na.

Umangat nga nga TV5, nanatili ang ABS-CBN sa kaniyang kalagayan, at ang GMA naman ay bumagsak. At threatened na nga ang ABS-CBN sa patuloy na pag-angat ng TV5, kaya nga hindi nila tinigilan ang show na Willing Willie ng masangkot ito sa isang kontrobersiya.

Kung raranggohan ko nga ang tatlong istasyong ito, ang numero uno pa rin ay ang ABS-CBN, malapit na pangalawa ang TV5, at malayo sa una at sa pangalawa ang GMA.

Madali lang naman malaman kung anong istasyon ang sikatkahit wala pang istatistikang ipapakita. Konting analysis lang. Pagdating sa mga bagong artista, kaninong mga artista ang mas sikat at kilala, walang duda na ang mga bagong artista ng ABS-CBN, gaya nila Kim Chiu, Empress Schuck, Jessy Mendiola atbp. Ang mga bagong singkaw sa GMA ni hindi ko nga kilala, si Jewel Mische ni hindi ko nga alam na artista ng GMA, dahil hindi mo naman nabalitaan. Kung baga sa tindera, hindi magaling magbenta ang GMA, mas kilala pa ang mga bago ng TV5 kaysa sa GMA.

Pati na rin sa lipatan, mas pinupuntahan nga ang TV5 at ABS-CBN, kaysa sa GMA. Kahit ako artista hindi ako lilipat sa GMA. Tignan nyo na lang ang nangyari kay Jolina Magdangal, Claudine Barretto, Heart Evangelista, nang lumipat sa GMA, hindi ba at na laos? Sila Angel Locsin, Cristine Reyes, Sarah Geronimo at marami pang iba na dating Kapuso, noong lumipat sila sa ABS-CBN, mas sumikat pa sila, classic example na lang si Jewel Mische, nakilala ng mga tao ng lumipat sa Kapamilya Network.

Ang GMA rin ay isang istasyong napakasamang iwan. Tignan niyo na lang ang nangyari noon kay Angel Locsin nang maalamang papalipat na sya sa Kapamilya Network. Biglang kumalat ang mga pornographic videos sa mercado ni Natt Chanapa, isang Thai porn actress, ngunit ang nakalagay sa mga label nito ay "Angel Locsin Sex Scandal". Sino kaya ang nasa likod nito.

Patuloy nga ang pagbagsak ng ratings ng GMA, at magpapatuloy pa ito sa pagbulusok pababa, dahil sa pag-ulit sa isang maling hakbang. Nagdeklara nga noong August 7, 2011 sa harap ng kapatiran ang mga lider ng Members, Church of God International, na sila Bro. Eliseo F. Soriano, at Kuya Daniel S. Razon, ng boycott laban sa GMA Network. Dahil nga ito sa pagpapalabas muli, na naging dahilan na rin ng pag boycott sa GMA rin noon, ng episode ng Case Unclosed entitled Paninirang Puri sa GMA NewsTV. Hindi nga patas ang ginawa ng GMA Network laban kay Bro. Eli sa pagpapalabas ng episode ng Case Unclosed na tumatalakay sa kasong rape laban kay Bro. Eli, na isinampa ni Daniel "Puto" Veridiano, na isang miyembro ng Iglesia ni Cristo ni Manalo, dahil nasa korte nga ang merits ng kaso, at bawal pag-usapan publicly. Alam nga ito ng mga abogado.

Hindi nga biro kung maboycott ang sinoman ng Members, Church of God International. Bakit? From the word International, may mga members po kami internationally, na makikiisa sa pagboycott laban sa GMA. Idagdag mo ang mga dumarating na bagong members, sa isang regular baptism lang ng samahan, ay hindi bababa sa 100 hanggang 300 kada linggo ang nagiging bagong members, lalo na pag Mass Baptism ay umaabot sa 1000 pataas ang nagiging bagong members(lahat nga iyon ay mga nasa tamang gulang, walang bata.) Ilan nga doon ang may hawak ng remote na makikiisa sa pagboycott sa GMA. Lalo na ang mga kaanib na matatagal na at lubos ang paniniwala sa aming lider na si Bro. Eli, at Kuya Daniel, na makikiisa laban sa bias na istasyon, na halatang pumapanig sa aming kalaban na Iglesia ni Cristo ni Manalo. At naniniwala ako na ang aming bilang ay hindi kaunti kundi marami.

Hindi nga totoo ang slogan ng GMA na "Walang kinikilingan, Walang pinoprotektahan, Serbisyong Totoo lamang" dahil may kinikilingan kayo. hindi rin kayo tahanan ng katotohanan, manapa kasinungalingan. Kung hindi nga magbabago ang GMA, ay babagsak ng matindi ang ratings nyo.

Sa lahat po ng makakabasa ay samahan nyo kami sa pagboycott sa GMA, manood na kayo sa iba wag lang sa GMA, sa mga dahilang bias sila, walang kwenta ang mga teleserye nila, nandadaya sila ng ratings, at sa mga artista, hindi kayo bibigyang halaga kung hindi kayo malakas, kanino ewan ko, at hindi kayo sisikat sa kanila. At maaari ka pang siraan ng matindi, gaya ng nangyari kay Angel Locsin.

BOYCOTT GMA!

Hindi nga magtatagal maaaring bumalik tayo sa two giants, pero hindi na GMA ang isa sa dalawa. The End.