Miyerkules, Pebrero 5, 2014

THE VHONG NAVARRO STORY

Ito nga ang istorya na hindi mawala wala sa panahong ito. Sapagkat pagdating ng panahon ito ay lilipas din. Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas mula ng ibunyag ni Vhong Navarro na siya ay nagulpi sa condominium ni Deniece Cornejo nila Cedric Lee.
Ayon kay Vhong Navarro ay na set-up diumano siya nila Deniece at Cedric Lee. Pumasok na lang bigla ang grupo nila Cedric Lee,at siya'y ginulpi, kinunan ng video, na pinaaamin siya na ni rape niya si Deniece. Dinala pa siya sa presinto, at ipina-blotter for records purposes. At tinangka pa siyang i-extort ng 2 million pesos,
Kinontra naman ito nila Cedric at Deniece ang pahayag ni Vhong, sinabi nila na humihingi ng tulong si Deniece, at sumaklolo lamang sila sa noon ay diumanoy ginagahasa na na si Deniece Cornejo, lumaban diumano si Vhong, kaya siya ay napagtulungan, at sila ay nagsagawa ng citizen's arrest. At ang hinihinging pera ay sa mga diumanoy damage sa condo ni Deniece.
Naglabas nga sila ng mga kontra pahayag sa isa't isa, at ngayon nga ay lumalabas na ang katotohanan. Napasok na ng NBI ang CONDO, at wala ngang sirang mga gamit. Lumabas na rin ang CCTV na kung saan ang mga pahayag ni Vhong kay Boy Abunda ay tumutugma. Maging ang women's desk ay hindi naniniwala sa pahayag ng rape victim diumano na si Deniece. Ang Women's Desk nga sangay ng polisya, na tumatanggap ng sumbong tungkol sa mga abuso laban sa mga babae. Isa nga sa sumbong na tinatanggap nila ay ang rape. Kung sila mismo hindi na naniiwala. Mga awtoridad na ang mga ito. Sino nga ngayon ang nagsasabi ng totoo?
At sa mga bugbogan ay mayroong tinatawag na injuries. Isa nga sa na injure ng bigtime injury, liban kay Vhong Navarro, ay ang GMA 7, na sinasabing bias diumano sa paghandle ng balita sa panig nila Deniece. Nagtrending nga ang hashtag na #GMAPhilippinesWorstNetwork. Naroon pa ang pahayag nila Jessica Soho at Arnold Clavio, na kakagaling lamang sa parehong kontrobersiya sa abogando ni Napoles, ay inulit na naman sa abogado ni Navarro. In fairness naman sa GMA, bagamat hindi sila fair sa pamamahayag. Ang ABS-CBN din naman ay bias din. Lamang lang ang ABS-CBN ay nasa tamang panig ng istorya at ang GMA ay wala.
Pero dahil sa katagalan na nito ay tila baga nakakasawa na, tila pati ang ibang tao ay nabugbog na rin sa balitang na wala namang ka kina-kinalaman sa atin na mga nakakapanood. Hindi naman tayo ang nabugbog kundi si Vhong Navarro. Hindi naman tayo ang napapahiya sa social media kundi sila Deniece at Cedric. Ano nga ang kinalaman nito sa atin? Wala.
Ang relief na lang natin sa pangyayaring ito ay nagbunga ito ng ibayong ikatatawa ng madlang people, ito nga ay dahil sa magaling na kaibigan ni Vhong na si Vice Ganda narito nga ang tatlong magkakaibang patama ni Vice Ganda
Unang Bugso:
Ikalawang Bugso:
Ikatlong Bugso:
Hindi pa nga tapos ang linggo at maaari pa tayong makaring ng mga patama kay Vice Ganda. Maging ang istoryang ito ay hindi pa tapos. Nawa'y magkahustisya ang dapat magkamit nito.

Huwebes, Oktubre 10, 2013

TELESERYE OVERLOAD

Hey I'm back from my long absence in the blogger world. I'm trying to pursue other experiments in the internet. And I will make it happen. But I will never drop this blog away. Never. Its my first love kasi eh.
Meron akong kaibigan na heart broken, dahil iniwan ng kaniyang someone, and he cries, and thinks it can be solved by just buying roses, to gain her again. Which not always work in real life. The attitude of this person, I have one thing to blame. TELESERYE OVERLOAD.
Inaakala niyo siguro na about pork barrel issues ang ipo-post ko. For someone that is so political like me. All I can say is the pork barrel issue is a hopeless case. With a hard-headed administration like this, it wouldn't go anywhere anytime.
Back to the topic. The Philippine Television is so full of Teleseryes from morning to night. Lalo na sa gabi. Pinuno na nito ang buong Primetime. Ang mga lider nga nito ay ang GMA at ABS-CBN.
Na ang mga tema ay puro pag-ibig. Pino-project nila na tila napakadali lang ng pag-ibig na hindi naman. Kaya nabubuyo ang maraming kabataan na sumugod sa maagang pag-iibigan, at humahantong nga sa pagkasira ng pag-aaral at buhay.
Hindi ko naman sinasabi na tanggalin ang mga teleserye sa balat ng telebisyon. No, I'm not for that. We need them for our entertainment. But drama is not the only form of entertainment. We have comedy, horror, action, reality as forms of entertainment. What happening in our television is imbalance.
And that imbalance makes the Philippine TV boring as hell. I would like to see comedy in TV daily, but it is only in weekends. The only nightly comedy show, which is not as perfect as others, which I like to watch, The JOJO A. Show was cancelled in TV5
The only TV station, entertainmently wise, which is not imbalance in programming is TV5. But the JOJO A cancellation makes me not wanna watch them.
Now Im stuck with the boring ABS-CBN, and the much more boring GMA, which I only watch because of Eat Bulaga. Other than that I dont watch them. I hope the imbalance will be balance.