Patuloy nga ang kaguluhan ngayon sa Gaza strip, sa pagitan ng Hamas rebels, at mga Israeli forces. Marami na nga ang namamatay sa magkabilang panig. Ang kaguluhan ngang ito ay napakatagal na pinakamahaba sa kasaysayan na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos. Mula pa nga sa Bible times hanggang sa kasalukuyan. Ngunit ano nga ba talaga ang pinag-ugatan niyan?
Iyan nga ay nagsimula buhat ng matalo ang Ottoman Empire sa British Empire noong 1918, kung saan ang dating nasasakupan ng Ottoman Empire ay nalipat sa kamay ng mga Briton, isa na nga dito ay ang Palestine.
Kung saan naman through the Balfour declaration ay dineklara ang Palestine as Jewish Homeland. Ngunit ano nga kinalaman ng Nazi Germany dito?
Alam naman natin lahat na si Adolf Hitler, is an anti-semitic, ibig sabihin anti-jewish, sa takot nga ng mga Hudyo ay nag-alisan sila sa Europa, may iba na nagtungo sa Amerika, ngunit ang karamihan ay nagtungo sa Palestine. Dumami nga sila ng dumami. At di nagtagal ay na domina nila ito. At hindi nagustuhan ng mga Arabo.
Buhat noon ay dumalas na ang kaguluhan. Lalo pa itong nagatungan sa pagkalikha ng State of Israel noong 1948. At noong 1973 sumiklab nga din ang Yom kippur war. Israel vs Egypt and Syria
Ang suma, ang kaguluhang ito ay ang dahil lang ay ang lupa at paniniwala, Ang tanong kailan kaya matatapos ito? Kailan kaya?