History is an important subject of life, because those who don't learn from history, are doomed to repeat it.
Isang pagkukumapara nga ang gagawin ko ngayon sa pagitan ng bansang China, at isang fallen Empire, ang Nazi Germany. May pagkaka-pareho ba sila? ating alamin.
Germany is an old empire, defeated, at pinagtulong-tulongan ng maraming bansa noong WW1, at bumangon uli para maging Nazi Germany sa pamumuno ni Hitler. Ganoon din naman ang China, isa nga sa pinakamatandang civilization sa mundo, at naghari rin halos 1/4 ng mundo sa loob ng mahabang panahon. Pero pag-angat ng mga makapangyarihang bansa sa Europa, ay hindi ito nakasabay. Kinamkam nga nila ang ibang teritoryo ng China. Sumali pa nga ang Japan sa pagkamkam noong 1900's. Ngunit sa pagtatapos ng WW2, at sa paglaganap ng komunismo doon, at sa pamumuno ni Deng Xiaoping, ang China ay muling bumangon upang makarating sa kalagayan nito ngayon.
Sa attitude naman pagdating sa teritoryo, ay tila may pagkakapareho bagamat magkaiba. Ang Nazi Germany ay ginamit na alibi ang mga German speaking people ay kailangan i-unite sa Germany, upang makakamkam ang Austria, at Czechoslovakia. ang iba naman ay kinuha by force, gaya ng sa Rhineland, at ang France ay hindi lamang lumaban.
Ang China naman ay gumagamit din ng alibi, napakaraming alibi. Nine-dash line. Kesho parte raw ng kanilang imperyo nila noong unang panahon pa, atbp. At mayroon din silang kinuha by force. Yung awayan nila ng Vietnam sa Paracel Islands noong 1974, pinaputukan nga nila ang Vietnam noon, at kinuha ang mga isla.
Pati sa kakampi ay matulungin din kapwa ang Nazi Germany at ang China. Tinulungan nga ng Nazi Germany rin noon ang revolution ni Franco sa Espańa,(hindi nga ang sa Maynila)at naging pasistang bansa ang Espańa. Maging ang Italya ay tinulungang maigi ng Nazi Germany hanggang sa katapusan ng digmaan.
Ang China ay ganoon din, tinutulungan nga nila ngayon ang Cambodia sa pamamagitan ng pag-aarmas dito, dahil may territorial dispute ito sa Thailand. Isa rin sa tinulungan ng China ang North Korea, na nagresulta sa stalemate ng digmaan, at ang tuluyang pagkakahati ng dalawang Korea. Kaya mali na sabihin na ang US ang dahilan ng pagkakahati ng dalawang Korea, gaya ng paninisi ng mga North Korean. Dalawang bansa, ang may kasalanan diyan, ang isa ay Japan, at ang isa ay China. Ngunit ang pinakamatagumpay na tinulungan ng China ay ang North Vietnam noon, Humantong nga ito sa unification ng Vietnam into a Communist State.
Isang pagkakapareho ng dalawang bansang ito, ay ang pagpapanggap na tila api sa harap ng mundo, ngunit sa katotohanan ay hindi ganoon. Gaya ng Germany sa Poland, parang China lang sa Pilipinas, sinasabing ang Pilipinas pa ang nangbu-bully sa kanila, na isang bintang na malabo pa sa kanal na kinalaykaykay ng sampung baklang baliw na unggoy.
Ngunit may isa pang pangyayari sa Nazi Germany, na hindi pa nangyayari sa China sa kasalukuyan. That is the Poland incident. It may be the starting point of war victory of the Nazis, but it also the start of the turning of the world opinion against them, making the European powers to go against them, and America and the Soviet Union and ultimately to there defeat and demise.
And if China wont learn from history, and goes the way the Nazis go, they will meet their own Poland, and you know what will happen next.



