Ipinapakita ang mga post na may etiketa na superpower. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na superpower. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Enero 25, 2013

CHINA, THE NEW SUPERPOWER?

Isa nga ito sa mga claim ng China, turing, at bansag ng ibang mga bansa sa kanila, the New Superpower. Ngunit may iba akong pananaw tungkol sa bagay na ito.
Na-achieve na nga ba ng China ang kalagayang pagiging Superpower Nation?Para sa kin ay hindi pa. Bakit? Ito base lang naman sa kasaysayan din. Ang Soviet Union bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay ang noo'y World's Largest Army, ngunit hindi pa rin sila considered superpower. Only after the war that they are consider as superpower.
Ganito nga ang kalagayan ng China ngayon, ang World's Largest Army. numbering a 2 million plus soldiers. Pero may achievement na ba ang malaking army na ito? Isang digmaan na stalemate ang kinalabasan(Korean War), at sa digmaang ding iyon ay tinalo pa sila sa isang labanan ng napakaliit, batallion nga lang ng Philippine Army na ipinadala ni Pres. Quirino, at ang nakakatuwa yung kakaunting ipinadalang iyon, eh kakaunti pa ang casualty. Samantalang kalaban ay libo-libo.
Ito nga ay para sa akin ang batayan ng pagiging isang superpower na bansa. Una malaking army and well equipped, ikalawa ay powerful weaponry, ikatlo ay malakas at malaking ekonomiya, at ikaapat ay world Influence and control.
Sa akin ngang apat na batayan ng pagiging superpower, hindi pa lahat ay kuha ng China. Totoo na malakas at malaki ang ekonomiya ng China. Totoo rin na ang China ay may malaking army, pinakamalaki sa buong mundo. Ngunit hindi pa nila nakukuha ang dalawa sa essential sa aking apat na batayan. Ang powerful weaponry, na kahit kailan man sa paniwala ko ay hindi na makukuha sa Estados Unidos, dahil sa kanilang patuloy na pag-uupgrade at paglilihim din dito. Maliban na lamang kung maungusan sila ng Germany.
At ang pinaka-importante sa lahat ay ang influence at control sa mundo. Hindi nga ito mangyayari sa kalagayan ng China ngayon. Bakit? Dahil napakarami nilang kaaway. Philippines firstly, Japan, India, Vietnam. Maging sa mga nabasa ko, pati pala North Korea, na kinikilala nilang ally, binubully din nila sa teritoryo. at pati ang Russia, na isang dating superpower, at di rin naman maikakaila ang lakas militar ay inaaway nila sa teritoryo.
Ang pagkakaroon ng napakaraming kaaway ang pumigil sa Nazi Germany, at maging sa Soviet Union, upang maging tuluyang superpower ng matagal na panahon.
At kung sakali naman na marating na ng China ang kalagayang ito, ay hindi pa rin marapat silang tawagin na New Superpower, dahil dati na silang superpower, noong ancient times, they conquer almost 1/4 of the world. Ang marapat na tawag sa kanila ay the Comeback Superpower. And as of this moment, the still no. 1 undisputed superpower is the United States, although the power is deteriorating.

Miyerkules, Abril 25, 2012

MULTI TOPICS 2

MGA PUNTOS LABAN SA ABS-CBN
Ito nga ay patungkol sa teleseryeng Princess and I, wala akong masasabi sa istorya, its brilliant, pati ng casting maganda, mga primyadong aktor at aktres ang gumagaganap. From Albert Martinez to Gretchen Barretto, to the young stars, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.
Ngunit ang hindi ko maintindihan sa teleseryeng ito, ay kung bakit kailangan i-dubbed ng mga artistang gumaganap ng sarili nilang boses ang kanilang sarili, ang paliwanag sa pasimula ng bawat episode, ay nagsasalita daw sa wika ng bansang Bhutan. Kung nagsasalita nga ng salita ng Bhutan, bakit kailangan i-dubbed pa uli sa Filipino? Hindi ko lang makuha ang logic ng mga nasa likod ng programa. Bakit pa sila nagsalita sa wika ng Bhutan, kung pagdating sa atin ay i-da-dubbed naman sa Filipino, gets nyo? Filipino kasi ang audience ng programa. Bakit pa sila nagsalita ng wika ng Bhutan, kung bandang huli ay ita-translate din nila? Walang logic kasi.
Hindi po ako against sa wika ng Bhutan, in fact I want to know more about them, which is very unknown to the Filipinos. Bakit kailangang itago ang wika ng Bhutan sa ating mga Filipino? Kung mababasa ito at sana nga ay makarating sa kanila ang aking suggestion. Ang dapat nilang ginawa ay pinarinig ang wika ng taga Bhutan, tapos nilagyan ng subtitle na Filipino translation sa ibaba. Tinamad ba ang mga editor ng seryeng ito, Ayusin nyo ang serye nyo! I am not speaking for the general public, pero para sa akin, nagmumukhang tanga ang mga editor ng seryeng ito.
Isa pa napansin ko sa ABS-CBN, patungkol po sa pagpapalabas ng mga WWE shows, late na nga ng ilang araw, paatras pa, niloloko nyo ba ng audience nyo? Muli ang panawagan ko ayusin nyo ang programming nyo.
DISPUTES IN THE PHILIPPINES
I.ARA MINA VS. CRISTINE REYES
Isa nga ngayon sa pinag-uusapang away sa Philippines Showbiz ay ang awayan nila Cristine Reyes, at Ara Mina, na pawang magkapatid. Nakakalungkot isipin na umabot sa ganito ang relasyon ng dalawang ito. Si Ara Mina na napaka supportive sa kaniyang kapatid, ay paanong nagawang awayin ng kaniyang nakakabatang kapatid. Paano niyang nagawang mag-send kay Ara ng mga masasakit na text messages, na ang laman ay pawang panghahamak sa kaniyang nakatatandang kapatid.
Narinig ko pong binasa ang isang text ni Cristine sa isang radio show, sabihin na nating sa Cristy Ferminute. Hindi mo nga akalaing magagawa ng isang kapatid laban sa kapatid, sa bagay nga si Cain pinatay si Abel. Saan nagmumula ang galit na ito? Napakasagwa naman kung pera, hindi na lang ipinatawad sa kapatid, lalo pat mas nakakatanda ito, at natulungan naman siyang makarating sa kinalalagyan niya ngayon.
II.SCARBOROUGH SHOAL
Nakakatawang isipin na itinuturo pa pala nila sa kanilang mga kabataan, na ang Scarborough Shoal, ay bahagi ng Tsina, mula noon hanggang ngayon. Kung makakausap ko lang ang isang opisyal ng Tsina, sasabihin ko sa kaniyang harap na, maling pagtuturo at impertinente! Maaaring noon ay sa Tsina nga ang Panatag Shoal, Ngunit ang batas na umiiral ngayon ay ang Law of the Seas na ginawa ng U.N. na sinasabing 200 nautical miles mula sa dalampasigan ng isang bansa ay pasok sa tinatawag na exclusive economic zone ng bansang iyon. Ang layo ng Panatag Shoal sa Zambales ay 138 nautical miles lamang ibig sabihin ay pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas na pilit inaangkin ng bansang Tsina, at ginagamit ang kanilang pagiging superpower na bansa.
Ang girian nga sa teritoryo, ay umabot maging sa internet, una nga ay hinack ng mga Chinese hackers ang website ng U.P. na may sinasabing "We come from China:Huangyan Islands(Panatag Shoal)is Ours. Hindi naman ito pinalagpas ng mga Pinoy hackers, at hinack din ang sub-websites ng Chinese University Media Union.
Kung ganyan nga ang pangangatwiran nga Tsina na sa kanila na yan mula pa noon, ay papayag lang ako ako mapasakanila yan kung ang bansang Italya ay aangkinin din ang halos kalahati ng Europa, dahil kanila yun noong sila ay Imperyo Romano pa. Pero noon yun, uulitin ko sa Tsina, noon yun!
III. PNOY VS. CJ CORONA
Hindi pa nga muling nagsisimula ang impeachment trial ni Corona, ngunit kung sa boksing ay sinuntok nya ng matinding suntok si PNoy, sa pamamagitan ng desisyon na pamamahagi sa mga magsasaka ng lupain ng Hacienda Luisita. Ano kaya ang magiging katapusan ng girian ni PNoy at Corona, ito nga ang dapat nating abangan.