Martes, Disyembre 11, 2012

HITLER AND ME ON PACQUIAO MARQUEZ IV

Sa mga makakabasa nga nitong blog na ito, please paki share po yung video ko para maging viral siya, isang pakiusap mula sa hamak na blogger na tulad ko, may link po sa taas, para mai-share nyo nyo sa lahat.
I always want to make a Hitler parody on a trending issue, now I got a chance.
Ang istorya nga nito, ay pumusta si Hitler kay PacMan, ngunit nadismaya ng malamang natalo si Pacquiao sa round 6. Marami nga siyang sinisisi sa pagkatalo isa na nga dito si Mitt Romney. Sinasabi niyang ito ang nagdala ng malas kay Pacquiao.
Hindi nga nalalayo ang issue sa parody na ito sa totoong buhay. Marami ngang sinisisi sa nangyari kay Pacquiao, una siyempre si Marquez.
Sinasabi ngang nandaya diumano si Marquez, sa pamamagitan ng pagtapak kay Pacquiao, saka sinuntok, gaya ng makikita sa litrato sa taas. Ngunt ayon sa mga boxing experts, ay normal lang naman ito sa mga boxers na magkaiba ang stance ang magkatapakan.
At huwag na tayong lumayo, sinisisi rin naman si Pacquiao, sinasabi nga ni Alex Ariza, na conditioning coach ni PacMan, na mas nag focus si Pacquiao sa strategy kesa sa sa conditioning.
Ngunit hindi lang sa aspetong pisikal, sinisisi ang pambansang kamao, maging sa aspetong espiritual, isinisi nga ang hindi niya pagsusuot ng rosaryo, kaya daw na natalo ito, which is too absurd, and said out of being fanatic to the Catholic Church. Hindi dapat ganoon. Una dahil ang rosaryo ay hindi naman turo ng apostol, labag pa sa nakasulat, ayon na rin sa turo samin ng aming mangangaral na si Bro Eli Soriano. Sinasabi nga ang ganito sa Mateo 6:7
"At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila."
Ngunit ang pinakamatunog na sinisisi ay ang mga pastor, na umaaligid kay Manny Pacquiao. Ito ay ayon na rin kay Mommy Dionisia, at sa isang article ng Inquirer.
Tama ang sinabi, ni Mommy D. Ngunit ang pagkasabi niya naman nito is out of fanaticism of the Catholic Church. May ganyan talaga sinasabi na yan sa Biblia. Delikado yan, pera ang habol, matatakaw pa!
MIKAS 3:11 
"Ang mga pangulo niya'y nagsisihatol dahil sa suhol, at ang mga saserdote, niya'y nangagtuturo dahil sa upa, at ang mga propeta niya'y nanganghuhula dahil sa salapi: gayon ma'y sila'y sasandal sa Panginoon, at mangagsasabi, Hindi baga ang Panginoon ay nasa gitna natin? walang kasamaang darating sa akin."
ISAIAS 56:11 
"Oo, ang mga aso ay matatakaw, sila’y kailan man ay walang kabusugan; at ang mga ito ay mga pastor na hindi nangakakaunawa: sila’y nagsilikong lahat sa kanilang sariling daan na mula sa lahat ng dako, bawa’t isa’y sa kaniyang pakinabang."
Yan nga ang iba't ibang paninisi sa kung ano-ano at kung sino-sino, na ang iba ay valido naman, ngunit ang iba naman ay invalido.
Ngunit dahil sa pangyayaring ito, lumitaw ang isang panukala. Dapat na daw magretire si Manny Pacquiao? Ang tanong dapat na nga na ba? Pakisagot na lamang po sa pamamagitan ng Poll na nasa gilid ng post na ito. Yun lang po, Salamat.

Linggo, Disyembre 2, 2012

INSANE CHINA

Nakakatawa na nakakainis na itong China, halos lahat kine-claim.
Una yung Kalayaan Islands, tapos yung Scarborough Shoal, tapos ang buong South China Sea through the nine dash line
May isa pa ngang anchor sa China, na pati ang Pilipinas diumano ay inherent part of China, ano sa inyo na lang lahat? Sa glory ng past Chinese Dynasties, walang record na tinangka man nilang sakupin ang Pilipnas. Dahil alam nila may kalalagyan sila, sa ating bansa noong unang panahon.
At yung anggulo na, since some dynasties pa ay kanila na ang Scarborough Shoal, kung ganoon rin lang ang batayan, eh dapat sa Italy na ang much of Europe and North Africa, dahil Roman Empire ang Italy noon eh. Dapat ganoon muna ang mangyari bago kayo mag-claim, China.
At hindi lang pala ang Pilipinas ang nagaganyan ng China, pati ang Vietnam, damay sa claim sa South China Sea. Nagputukan na nga nag dalawang bansang ito noon, dahil sa away sa teritoryo. Pati ang Japan nga ay inaagawan nila ng isla, yung Senkaku Islands na kung titignan naman ay talagang mas malapit ito sa pinaka-remote island ng Japan kesa sa China.
Yun nga ay humantong sa mga protesta sa China, kung saan napagtripan ang mga Japanese made na mga sasakyan. Ipinost nga ang imaheng katulad nito noon sa isang anti-China bullying page sa Facebook. Umani nga ng batikos na"ano ba yan! nagpoprotesta nang ganoon pro-government" something like that. Sa loob-loob ko naman, knowing China's little bit of its history. Hindi gagawin ng mga tsino muli ang magrally laban sa China, knowing what happen in the 80's in the Tiananmen Square, The Chinese government massacre their own people.
http://www.japancrush.com/2012/stories/clinton-reveals-china-claim-to-territorial-rights-in-hawaii.html
Ngunit ang nakakagulat sa lahat, pati Hawaii! ito nga ay ayon sa isang article ng MSN Sankei, na sinabi daw ng official ng China kay Clinton. I will quote the the title and the first paragraph.
From MSN Sankei: China ‘Could Also Insist Upon Territorial Rights in Hawai’i: US Secretary of State Reveals Part of Consultation With China.
"On November 29, it was revealed that US Secretary of State Hillary Clinton stated in a question and answer session at a speech she gave in Washington, that when the US had consulted with China about the past problems of territoriality in the South China Sea, the Chinese side had said that they could also ‘insist on (territorial rights to) Hawai’i’. To which Clinton replied, ‘Well, you’re welcome to try. Territorial rights will be settled through arbitration institutions. That is precisely the action that we want you to take’."
Para sa buong detalye nito, may link sa ilalim ng picture ni Clinton
That is too much already for China, worst than Hitler's bullying of territory in Europe before Poland. But Hitler said something in his book Mein Kampf that I would like to agree, "The Seas Belong to the United States". I dont really remember what chapter it is, but Hitler really said that. And I like it better than China.