Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mao Zedong. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mao Zedong. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Disyembre 17, 2012

BAKIT HINDI KA DAPAT MAGING ATHEISTA

After seeing this video, nalungkot ako. Such a great wise and intelligent Senator eaten by her own intelligence. Yan kasi ang hirap sa matalino. Kala natin alam natin lahat.
Hindi totoo ang sinasasabi niya na Walang Dios, merong Dios. Dapat tayong maniwala na meron, dahil pag hindi ay tanga ka, bulok! gaya ng sinasabi sa Awit 53:1
SAMBAYANANG PILIPINO
MGA SALMO 53:1
 Sinasabi ng hangal sa kanyang puso: "Walang Diyos." Bulok sila, kasuklam-suklam ang gawa nila. Wala ni isa man ang gumagawa ng mabuti.
Mas matindi nga a bisaya na version!
CEBUANO BIBLE
SALMO 53:1
Ang buang miingon sa iyang kasingkasing: Walay Dios. Mga dunot sila, ug nanagbuhat ug dulumtanang kasal-anan; Walay bisan kinsa nga nagabuhat ug maayo.
Ngayon bakit hindi ka dapat maging atheista, una dahil ay magiging tanga ka mas maniniwala ka dito kaysa sa Dios.
That is the flying spaghetti monster, I'd rather believe in God than this shit.
Yung sinasabi na, you can be good without God, its a lie, I'll show you some of the famous atheist, which can't be considered good, pinatototohanan lang ang sinasabi sa Awit na walang gumawa ng mabuti, kahit isa pag walang Dios
Joseph Stalin, Believe to had murdered 20 million people in Russia
Mao Zedong, the top mass murderer of all, believed to had murdered 70 million man.
Pol Pot murdered 1 million plus man in Kampuchea, now Cambodia.
Napapansin nyo, silang lahat ay mga Komunista, dahil bawal sa Komunismo ang relihiyon. Kaya nga hindi dapat lumaganap ang Komunismo sa Pilipinas, and the communist shouldn't be in the higher power like the Senate. You know what I mean already, don't vote those Communist that runs for a seat in Senate.
Ngunit ang isyu ng mga atheista, bakit nangyayari ang mga kasamaan dito sa mundo, at walang ginagawa ang Dios tungkol dito. As if ang Dios lang ang gumagawa ng lahat, may tao may Satanas na gumagawa ng kasamaan.
Ngayon bakit nasa Dios lahat ng sisi? Hindi lang kasi tayo marunong tumingin sa mga bagay bagay. Its injustice to blame God for all. And then if you dont get your justice. You will deny his existence. Very unfair judgement.
Ang summary lang naman, hindi ka dapat maging atheista, dahil you will become fool, by believing the flying spaghetti monster. And you will be in line with those people above.
And if you want to see a versus, between a man of God, and man without God. You better watch this.
Its a no match situation for the atheist. He goes to war without a gun, while his adversary, has a nuclear arsenal. Its my comparison for the two man debating.
Maaring sabihin ng iba, hindi naman handa yung pobre, may balak siyang pahiyain, tapos hindi siya handa. Malakas kasi ang kompyansa sa sarili nitong batang ito.
Isa pang mapapansin niyo sa pagtatapos nga ng debateng, ay walang respeto ang batang ito. Calling names. Sa bagay ano pa ba ang aasahan mo, Walang gagawa ng mabuti sa kanila. Respeto pa magkaroon.
Ngayon bakit hindi ka dapat maging atheista? Dahil merong Dios. Yung mga gawa niya ang nagpapatunay na diyan siya,
ANG DATING BIBLIA
 ROMA 1:19-20

Sapagka't ang nakikilala tungkol sa Dios ay hayag sa kanila; sapagka't ito'y ipinahayag ng Dios sa kanila. 

Sapagka't ang mga bagay niyang hindi nakikita buhat pa nang lalangin ang sanglibutan ay nakikitang maliwanag, sa pagkatanto sa pamamagitan ng mga bagay na ginawa niya, maging ang walang hanggan niyang kapangyarihan at pagka Dios; upang sila'y walang madahilan:
Gaya lang ng karpintero, makikilala mo siya sa silya na ginawa niya. O kung hindi man karpintero may manufacturer pa rin na gumawa niyan. Hindi siya lumitaw sa kaniyang sarili. Gaya rin sa mundo sa universe hindi yan lumitaw sa kaniyang sarili. Kung sa isang silya, laptop, iba't-ibang gamit ay may gumawa, lalo naman sa mundo sa tao ay may gumawa hindi tayo dapat maniwala sa evolution, I'd rather believe that our ancestors came from dust crafted by God, than caming from apes.
Ngayon may isang huling hirit na argumento ang mga atheista, To see is to believed. Simple lang ang sagot diyan!
Pakinggan niyo ang usapan ng dalawang taong ito.
TAO 1: Walang Dios!
TAO 2: Bakit naman?
TAO 1: Hindi ko naman nakikita eh.
TAO 2: Wala kang isip!
TAO 1: Meron!
TAO 2: Hindi ko naman nakikita eh!
Hindi porket hindi nakikita, ay hindi na nag-eexist! Yun lang. Lahat po ng pagpapaliwanag na ukol sa Biblia ay naituro lang po sa amin ng aming mangangaral, si Bro Eli Soriano

Biyernes, Marso 4, 2011

NORTH KOREA, SUSUNOD NA?


Dahil nga sa mga kaganapan sa Gitnang Silangan, ang mga lider ng bansang North Korea ay tila kinakabahan na. Bigla nga silang pumuri sa mga kabataan sa kanilang bansa, at nagpakita ng kaisahan ng mga namamahala.


Masasabing ang nangyayari sa Gitnang Silangan, ay ang mga pag-aalsa laban sa mga diktador. Gaya na lamang ni Hosni Mubarak ng Egypt, na namuno ng mahigit 30 taon, at ni Muammar al-Gaddafi, na namuno ng 41 taon sa bansang Libya, at nanatili pa rin hanggang sa ngayon. Ang North Korea nga mula ng matatag noong 1948, ay mayroon pa lamang dalawang lider, na pawang mga diktador, ito nga si Kim Il-Sung at Kim Jong-Il na mag-ama.

Bakit nga dapat kabahan ang mga lider ng North Korea? Nito nga lamang mga nakakaraang Nobyembre taong 2010, ay sinalakay ng North Korea, ang Yeonpyeong Islands, isang parte ng South Korea, na nagbunga nga ng masamang reaksyon sa South Korea at maging sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-alsa ang mga tao sa loob ng North Korea, maaari nga itong samantalahin ng South Korea at sakupin ang kanilang bansa.

Wala ring maraming kakamping bansa at may diplomatikong relasyon ang North Korea. Ang isa sa itinuturing nilang kakampi ay ang China, na kakampi rin naman ng Estados Unidos ngayon. Hindi nga maaasahan ng mga lider ng North Korea ang pagtugon ng China na gaya ng ginawa ni Mao Zedong noon. Sa tingin ko ay wala pang bansa sa ngayon na magtatangkang lumaban sa Estados Unidos sa digmaan.

Hindi nga rin sasapitin ni Kim Jong-Il ang sinapit ni Marcos, na tinanggap with open hands ng Estados Unidos matapos mapatalsik sa Pilipinas bilang pangulo. Dahil hindi kaalyadong bansa ng Estados Unidos ang North Korea, o ng kahit anomang bansa sa mundo ay hindi tatanggapin si Kim Jong-Il. Si Marcos nga ay pro-America, hindi gaya ni Kim Jong-Il, na iniaaral pa sa mga mamamayan niya ang galit laban sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-aalsa, ay uumpisahan ang mahabang pag-uusig laban kay Kim Jong-Il ng United Nations. Sa madaling salita ay walang pupuntahan si Kim Jong-Il.

Mahina na rin ang  Great Leader ng North Korea, siya nga ay napabalitang may pancreatic cancer.

May posibilidad ba na mangyari din sa North Korea ang mga nagaganap sa Gitnang Silangan? Ang  porsyento nga posibilidad ay napakaliit, dahil ang bansa nila ay nakasarado sa mundo, marahil ay hindi alam ng mga mamamayan nila na nagkakagulo na sa ibang bansa, ni wala nga sigurong Facebook sa North Korea na malaki ang naging tulong sa tagumpay ng mga pag-aalsa sa Egypt. Tanging ang mga nasa pamahalaan lamang ang nakakaalam ng nangyayari sa labas.

Ngunit wala pa ring makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Taon din ang binilang bago sumiklab ang pag-aalsa sa Berlin Wall, sa Germany, sa Czechoslovakia, huwag na tayong lumayo, sa Pilipinas, ilang taon ba ang agwat ng 1972 at 1986?,  ang Libya, ang Egypt, dekada ang binilang bago pumutok ang mga pag-aalsa. Ilang taon na ba ang lumipas mula noong 1948 hanggang sa ngayon?

Isa nga sa mabuting idudulot nito kung sakali man ang North Korea ay magagaya sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ay ang posibilidad na maging isa muli ang dalawang Korea, gaya ng nangyari noon. Napag-isa ng Shilla, ang Baekje at Goguryeo sa ilalim nila. May history repeats itself again this time.

Bawat pagtitiis ay may hangganan, walang permanente sa mundo. The only permanent thing in this world is change. Darating at darating din yan, sana.