Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Marcos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Marcos. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Abril 16, 2012

THE PHILIPPINES HINDRANCE TO SUCCESS


You know what is Hitler's Greatest Wrong? Its that he failed to destroy communism by the destruction of Soviet Union.



At ngayon nga, ang mga komunista na ito dahil sa bigong pag-aaklas sa panahon ni Marcos, ay wala nang ginawa kundi batikosin, bawat administrasyon Mula kay Cory, FVR, Erap, GMA, at ngayon nga kay PNoy.


Wala nga silang ginawa kundi mag rally sa kalsada, at idinadamay at nilalason ang isip ng mga kabataang mapupusok ang mga damdamin na naghahanap ng radikal na solusyon sa mga problema ng bayan.


At pagkatapos ano ang mangyayari sa mga kabataang nagsasasama sa mga rally, masisira ang kinabukasan, aakyat sa bundok upang sumapi sa NPA, mamamatay sa pakikipaglabang hindi naman sila mananalo, at walang kabuluhan.


Ngunit may solusyon na bang nagawa itong mga ito, wala naman, yung mga komunista na nasa Kongreso, na sala sa init, sala sa lamig. Nung una ang kanilang sigaw, "Panagutin ang mga Arroyo! Iimpeach si Corona!" Nang nagtatagal ang impeachment, unahin ang taumbayan, ha,ano ba talaga kuya?

Ano nga ang nangyayari sa kanilang mga pondo, hindi kaya ipinanggawa lang ng mga effigy at mga plakard na bandang huli ay susunugin lang, hindi ba itoy pag-aaksaya ng pera! saan nga galing ang mga pinanggpaggawa niyan!


And why hate the US, ano ba ang ginawa ng Estados Unidos sa kanila? Dapat tandaan din ng mga komunistang ito na kung hindi dahil sa Estados Unidos, ay wala nang Komunismo. Malaki nga ang naitulong ng Amerika sa paglagaganap ng Komunismo, bagaman hindi nila ibig, ngunit dahil kay Hitler ay nagawang tulungan ng Amerika ang Soviet Union noon.



Isa pa sa ikinagagalit ko sa mga komunistang ito ay noong kapanahunan ng dispute sa China pertaining to territory, yun ay ang pananahimik nila noong ang China ang nangbubully, Noong ang Pilipinas nga ay hihingi pa lang umano nga tulong sa Amerika, ay mabilis pa sa alas-4 ang reaksyon "Huwag daw makialam ang Amerika".


Dagdagan mo pa ng oligarkiya na binuwag ni Marcos, ngunit nagbalik pagkatapos ng People Power, tama, nagtapos ang diktadurya, nagbalik naman ang oligarkiya, dagdagan pa ng mga komunistang galit sa pag-unlad, na ang resulta ay tuloy-tuloy na kahirapan para sa bansa. Ito nga ang legacy ng People Power.

Sana nga dumating ang panahon na ang Pilipinas ay maging Communist-Free Nation, Dahil hindrance ang Komunismo sa pag-unlad ng Pilipinas.

Huwebes, Pebrero 2, 2012

IS HE ON TO SOMETHING?


Umamin na nga si President Noynoy Aquino na nagde-date sila ng isang Philippine based Korean na si Grace Lee, at ang Grace Lee naman, bagaman wala pa, ay hindi ikinahihiya na mainvolved sa Pangulo. Hindi gaya ng mga dating naugnay sa Pangulo, pagkatapos ng hiwalayan nila ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad, na asawa na ni Pasig Representative Roman Romulo.

Pagkatapos nga ng lumabas na balita, na may kinalaman sa sigalot ng Iran at Amerika, na ngayon ay tila idadamay pa ang nanahimik na bansang China, ay lalo ngang tumindi ang aking hinala.

Isa-isahin muna natin:

Ayon nga sa balitang lumabas sa RT(Russia Today) noong January 31 2012, ay plano diumano ng Administrasyong Aquino na pabalikin ang mga base militar ng Amerika, na lubhang hindi ikinatutuwa ng China. Ito nga ang unang punto.


Ikalawa ang pagmamadali ng Senado, na may malaking bilang ang partido ng Pangulo na Liberal, kasama na rin ang kaalyado nila na PMP(Puwersa ng Masang Pilipino), na matapos ang paglilitis sa Chief Justice ng Korte Suprema na si Renato Corona, na ang batayan naman ng paghatol ay hindi ang ebidensya, kundi boto ng hukom, na mga Senador.


Ikatlo, ang napakabilis na modernisasyon ng Hukbong Sandatahan, hindi ba't itoy magpapasaya sa mga kawal?

Tatlong Punto na pawang mahalaga, ako nga lang ba ang nakakapansin o baka may iba rin? Ewan ko. Ang base militar nga ng Amerika sa Pilipinas, ang ginamit ni Marcos para ma-extend sa puwesto ito nga ay sa tulong ng Amerika. Kung sakali at mapatalsik nga sa puwesto si Chief Justice Renato Corona, ay lubhang lalakas ang kapangyarihan ng Pangulo, makukulong sigurado si Gloria Arroyo. Kahalintulad lamang ito ng "The Great Purge" ni Stalin, at "Night of the Long Knives" ni Hitler. Ang kaibahan nga lang ay hindi pa pumapatay si Pangulong Aquino. Hawak niya nga ang malaking bilang sa Kamara, ito nga ang lalong nagpatibay ng aking hinala.


Sa mga makakabasa nga nito, maging mapagmatyag tayo, dati na tayong pumalpak, akala natin noon, mabait si Gloria, yun pala ay walanghiya. Baka sinasakyan lang ngayon, ng Administrasyong ito, ang kapalpakan ni Gloria para sa isang mas hindi kanais-nais na mangyayari. Totoo nga bang tinatahak natin ang daang matuwid? o PNOY's Road to Dictatorship? tanong lang naman, walang personalan.

Biyernes, Marso 4, 2011

NORTH KOREA, SUSUNOD NA?


Dahil nga sa mga kaganapan sa Gitnang Silangan, ang mga lider ng bansang North Korea ay tila kinakabahan na. Bigla nga silang pumuri sa mga kabataan sa kanilang bansa, at nagpakita ng kaisahan ng mga namamahala.


Masasabing ang nangyayari sa Gitnang Silangan, ay ang mga pag-aalsa laban sa mga diktador. Gaya na lamang ni Hosni Mubarak ng Egypt, na namuno ng mahigit 30 taon, at ni Muammar al-Gaddafi, na namuno ng 41 taon sa bansang Libya, at nanatili pa rin hanggang sa ngayon. Ang North Korea nga mula ng matatag noong 1948, ay mayroon pa lamang dalawang lider, na pawang mga diktador, ito nga si Kim Il-Sung at Kim Jong-Il na mag-ama.

Bakit nga dapat kabahan ang mga lider ng North Korea? Nito nga lamang mga nakakaraang Nobyembre taong 2010, ay sinalakay ng North Korea, ang Yeonpyeong Islands, isang parte ng South Korea, na nagbunga nga ng masamang reaksyon sa South Korea at maging sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-alsa ang mga tao sa loob ng North Korea, maaari nga itong samantalahin ng South Korea at sakupin ang kanilang bansa.

Wala ring maraming kakamping bansa at may diplomatikong relasyon ang North Korea. Ang isa sa itinuturing nilang kakampi ay ang China, na kakampi rin naman ng Estados Unidos ngayon. Hindi nga maaasahan ng mga lider ng North Korea ang pagtugon ng China na gaya ng ginawa ni Mao Zedong noon. Sa tingin ko ay wala pang bansa sa ngayon na magtatangkang lumaban sa Estados Unidos sa digmaan.

Hindi nga rin sasapitin ni Kim Jong-Il ang sinapit ni Marcos, na tinanggap with open hands ng Estados Unidos matapos mapatalsik sa Pilipinas bilang pangulo. Dahil hindi kaalyadong bansa ng Estados Unidos ang North Korea, o ng kahit anomang bansa sa mundo ay hindi tatanggapin si Kim Jong-Il. Si Marcos nga ay pro-America, hindi gaya ni Kim Jong-Il, na iniaaral pa sa mga mamamayan niya ang galit laban sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-aalsa, ay uumpisahan ang mahabang pag-uusig laban kay Kim Jong-Il ng United Nations. Sa madaling salita ay walang pupuntahan si Kim Jong-Il.

Mahina na rin ang  Great Leader ng North Korea, siya nga ay napabalitang may pancreatic cancer.

May posibilidad ba na mangyari din sa North Korea ang mga nagaganap sa Gitnang Silangan? Ang  porsyento nga posibilidad ay napakaliit, dahil ang bansa nila ay nakasarado sa mundo, marahil ay hindi alam ng mga mamamayan nila na nagkakagulo na sa ibang bansa, ni wala nga sigurong Facebook sa North Korea na malaki ang naging tulong sa tagumpay ng mga pag-aalsa sa Egypt. Tanging ang mga nasa pamahalaan lamang ang nakakaalam ng nangyayari sa labas.

Ngunit wala pa ring makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Taon din ang binilang bago sumiklab ang pag-aalsa sa Berlin Wall, sa Germany, sa Czechoslovakia, huwag na tayong lumayo, sa Pilipinas, ilang taon ba ang agwat ng 1972 at 1986?,  ang Libya, ang Egypt, dekada ang binilang bago pumutok ang mga pag-aalsa. Ilang taon na ba ang lumipas mula noong 1948 hanggang sa ngayon?

Isa nga sa mabuting idudulot nito kung sakali man ang North Korea ay magagaya sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ay ang posibilidad na maging isa muli ang dalawang Korea, gaya ng nangyari noon. Napag-isa ng Shilla, ang Baekje at Goguryeo sa ilalim nila. May history repeats itself again this time.

Bawat pagtitiis ay may hangganan, walang permanente sa mundo. The only permanent thing in this world is change. Darating at darating din yan, sana.

Miyerkules, Pebrero 23, 2011

EDSA

February 25, 1986, tuluyang bumagsak ang rehimeng Marcos, na ang idinulot sa ating bansa ay pawang pasakit. Ngunit tila baga nawawalan ng halaga ang mga ipinaglaban at kinamatay ng ating bayani na si Ninoy Aquino.

Nakabalik na nga sa pamahalaan ang pamilya Marcos, at binabalak pa naipalibing sa libingan ng mga bayani ang dating diktador. Kung mangyayari nga ito, ay dapat ipagtayo na rin natin si Hitler ng bantayog sa Alemanya.

Hindi nga totoo ang claim ng Senador Bongbong Marcos, na parang Singapore na tayo ngayon kung nanatili ang kaniyang ama, bagkus ay magiging North Korea na ang Pilipinas, dahil sa paglaganap ng Komunismo noon sa bansa.

Ang mga puwersang nilabanan noon ay nagbalik na muli: mga pagpatay, kawalan ng hustisya, kahirapan, korapsyon, at pagsikil ng kalayaan sa pamamahayag, higit nga itong nasaksihan ng bansa nitong nakaraang administrasyon.

Buti na lang at nahalal ang anak ng mga bayani, na si Presidente Noynoy Aquino. Nawa ay tahakin niya talaga ang kaniyang sinasabi na tuwid na landas. Gaya din ng ginawa ng kaniyang ina, ay ayusin niya ang linya ng kaniyang mga kalihim, gaya ng ginawa ng kaniyang ina ay pagbayarin at singilin ang mga nagpahirap sa bansa, kumain ng kabang yaman ng bansa, gamit ang lahat ng kapangyarihang mayroon siya.


Lagi nawa sanang manatili sa atin ang diwa ng EDSA.