Hindi na nga mahalaga kung sino ang nauna, basta nabugbog na walang kalaban-laban ang isang tao, tiyak siya ang kaaawaan.
Dalawang tao nga nag nasangkot sa mga pagkabugbog sa kamay ng mas marami sa kanila. Noong nakaraang Sabado nang ibunyag(hindi ko lang alam kung siya ang nauna) ni Ogie Diaz, ang pambubugbog kay Albie Casino sa Fiama Bar sa Makati, kung saan nandoon din si Andi Eigenmann, na dating karelasyon ni Albie, na diumanoy ama ng anak ni Andi.
Nangyari daw ang pambubugbog matapos ng pagbuhos ng wine ni Andi kay Albie. Anim na lalake ang bumugbog sa binata. Ang hinala nga ng ina ni Albie ay planado ang mga pangyayari bilang ganti sa pagbuntis nito kay Andi.
Isa pa nga sa nabugbog ay isang sikat na komentarista, koluminsta, at mamamahayag na si Mon Tulfo, at ang bumugbog sa kaniya ay sila Raymart Santiago, Claudine Baretto, at kanilang mga kasama.
Na black eye nga si Mon Tulfo, at kitang-kita nga sa video kung paaano sinakal at sinuntok ni Raymart Santiago at ng kaniyang kasama ang komentarista.
Ngunit may lumabas na bersiyon mula sa nag-iisang saksi na nagtatago sa pangalang Anna. Si Mon Tulfo daw ang nagsimula sa pamamagitan ng pagsipa kay Claudine, kaya nagalit si Raymart at sinugod ito.
Ito namang pahayag na ito ay kinokontra ng mga crew ng Cebu Pacific na mga nakakita sa mga pangyayari ayon sa balita.
Nag-umpisa nga ang lahat dahil sa na baggage offload ang mga bagahe nila Claudine at Raymart. Nagreklamo nga si Claudine na masyado daw pinepersonal ang ground crew, na hindi nagustuhan ni Tulfo kaya't kinunan, Kinuwestiyon daw ni Raymart ang pagkuha at doon na nag-umpisa nagkatulakan, hanggang sa boom, THRILLA IN NAIA.
Mas naniniwala nga ako na hindi si Tulfo ang nagsimula ng gulo, isa laban sa marami walang logic, kung matino ang isip ng sinoman. At saka trabaho ng journalist ang kumuha ng photos na may istorya, walang karapatan sila Raymart na kuhanin yung camera ni Mon Tulfo. At saka artista sila(laos nga lang) public figure and public property, na nasa public place pa, airport. My gosh. Hindi pwedeng iinvoke dyan ang right to privacy.
Ang nakakatawa pa eh walang CCTV yung lugar na pinangyarihan ng kumusyon, at nakakatuwa pa nung sumagot yung parang airport manager sa TV tinandaan ko yung sinabi niya, " Hindi po SIRA, HINDI LANG UMAAANDAR" ano yun?
Nakakapagtaka din na hindi pinagsalita si Claudine nung press conference nila, dahil diumano sa trauma. Hindi kaya hindi pinagsalita dahil baka magmura?
Ngunit mali naman ang ginawa ng mga nakababatang mga Tulfo o T3 sa kanilang mga pagsasalita sa kanilang programa na tila naghahamon at nagbabanta naman kay Raymart.
Kung ako nga kay Raymart ay humingi na lang siya ng tawad habang maaaga pa. Media kasi ang kalaban dyan, mahirap kalaban ang media, maaari ka nitong ilagay sa pedestal, at ilagpak ka rin naman ng todo-todo. Isang magandang halimbawa ay si Erap, na inilagpak ng todo ng media, at napatalsik sa pwesto. Presidente na ng Pilipinas yan.
At saka isa pa ano, kung yun nga si Mon Tulfo na, nagawa pa nilang ganunin, ano kaya ang sasapitin ng maliliit na mamamahayag at mga ordinaryong tao sa kamay nila?
Ang pambubugbog ay laging inhustisya tandaan natin yan!