Linggo, Disyembre 30, 2012

ANG PAGPAPAPUTOK SA BAGONG TAON

Kung papaanong may kakaibang pag-celebrate ng Pasko ang mga Pilipino, ganoon din nga sa bagong taon, naiiba ang karamihang Pinoy. Bagaman ang tradisyon ay galing sa China, ang pagpapaputok, at ginagawa rin sa iba't-ibang bahagi ng mundo, ay kakaiba pa rin ang sa Pilipnas sa aking pananaw.
Ngunit bakit nga ba nagpapaputok tuwing bagong taon? Ito daw ay para magtaboy ng malas at masamang espiritu. Ngunit kung Bibliya ang pag-uusapan totoo ba ito? Dalawang talata lang ang katapat to belie this belief. Santiago 3:16,15
SANTIAGO 3:16,15 
Sapagka’t kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama. 
Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo.
Ayon nga sa itinuro sa amin ni Bro. Eli na ang paniniwala ko ay nagtuturo ng ayon sa Biblia, ay sa bawat may kaguluhan, nandoon ang diablo, nauukol sa diablo. kaya mali na kaagad na nagtataboy ng bad spirit ang pagpapapuputok. Dahil ang baddest of all spirit, ang diablo eh nandoon. At hindi maitatanggi na magulo sa Pilipinas pag bagong taon.
Kung sa pagtataboy ng bad spirit eh mali, lalo naman sa pagtataboy ng malas. Pinatutunayan yan ng mga pangyayari sa mismo sa araw na iyon. Ito nga ang mga malas na nangyayari na ang dahil ay ang pagpapaputok.

ANG MAPUTUKAN. Hindi bat't maliwanag na malas yan pag nangyari yan sa iyo. At hindi lang iyan, yung iba bata nakakalunok ng paputok. Na minsan humahantong pa sa kamatayan yung iba.
ANG MAGING HOSPITAL STAFF SA ARAW NA IYON. Una dadami ang trabaho nila. Ikalawa, imbis kasama nila ang pamilya, nasa ospital, at ikatlo sila ang makakakita firsthand ng mga sabog na kamay. Kahit pa sabihing tungkulin naman nila iyon. Kung sana ay nag-iingat yung ibang tao, eh pwedeng wala naman sila doon at kasama ang kanilang pamilya, kung hindi man ay mas magaan sana ang kanilang trabaho.
KUNG MAY SAKIT KA SA BAGA. If there is smoke, there is fire, the after effects of fire is smoke. At sa bagong taon ay mga firecracker na nag-eemit ng smoke, na nagsisimula wala pang alas dose hanggang sa pagkalipas pa hanggang magbukang liwayway. Just like in the picture it is an aftermath of a New Year celebration in the Philippines. And smoke, thick smoke is a nightmare of people who has lung ailments.
ANG MAGING TAGA LINIS NG MGA KALAT. At pagkatapos nga ng lahat ay kakatakot na kalat ang lilinisin ng sinomang maglilinis, mapa-street-sweeper man o ordinaryong tao lang ang maglilinis nito, na may tsansa pang maputukan din.
Ang obserbasyon ko nga ay ang Pilipinas lang ang tila warzone ang atmosphere tuwing New Year. Nag-cecelebrate din naman ng New Year ang ibang bansa pero wala kang mababalitaan na gaya ng sa atin kagulo. Maging sa China na pinanggalingan nito ay hindi naman ganito kagulo ng gaya sa atin.
At ang injuries na tinatamo tuwing bagong taon, nangyayari lang sa ibang bansa sa mga sundalo na nasa giyera, na hinagisan ng granada, binomba ang kampo kinanyon. At kada taon pa mas lumalaki ang paputok. The bigger the size, the bigger its damage. May bagong labas pa na ang pangalan ay Crying Bading at Ampatuan.
Sana nga ay mabago na ang ganitong uri ng tradisyon ng pagpapaputok, na wala namang naiidulot na mabuti, gastos lang, at mas lalaki pa ang gastos pag naputukan ka. Para ka lang nagsunog ng pera. Pwede naman walang paputok. Tignan nyo ang Davao City. Na pinupuri ng national government natin dahil sa mababang injury rate tuwing bagong taon. Hindi naman totally eradicated, pero bawal na bawal dito ang paputok. Magagalit si Digong.
After all the tradition came from China, a country which most of us hate because of their incredible territorial claims.

25 komento:

  1. I agree with you I rather have a peaceful approach in welcoming new year. Plus this lessens our carbon footprint.

    TumugonBurahin
  2. Saang-ayon ako sa iyo na dapat na siguro na alisin natin ang tradisyon ng pagpapaputok sa Bagong Taon. Ito lang ang ang opinyon ko, kapag ginamit natin ang sita ng Bibliya, nawa'y unawain nating mabuti ang context nito.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. So mali bang sabihin na kung saan mayroong kaguluhan nandoon din ang diablo, ano ang ginamit ko sa biblia na wala sa context?

      Burahin
    2. https://www.facebook.com/photo.php?v=10151240046771144

      Ito ang link kaibigan panoorin mo. Diyan ko ginaya yung na quote ko na verse. Huwag kayong magpaparinig na parang ako ang wala sa context. Alam ko po ang ginagawa ko.

      At saka hindi porket pastor kayo, kayo ang magaling sa Bible. Titindigan ko sa inyo may mas magaling pa sa iyo sa Bible. Hindi ako yun, kundi yung nagtuturo sa amin ng Biblia. Marahil kilala mo na kung sino siya!

      Burahin
  3. awww! grabe di ko ma-take yung picture ng kamay... you know, the kasabihan, "old habits are hard to break" yun na kase nakagawian.. tsaka, aminin man naten o hndi, ang pinoy mahilig sa adventure at kasiyahan.. kaya yung pagpapaputok na eenjoy na ng pinoy. pero magandang ehemplo nga ang Davao. ang bayan ng aking nanay.. :D

    TumugonBurahin
  4. Isa sa dapat na tradisyon ng Pilipino na palitan ay ang pagpapaputok tuwing bagong taon. Maraming nadidisgrasya sa pagpapaputok. Agree ako doon! Medyo malabo lang sa akin iyong paglink sa PAGDIRIWANG sa KAGULUHAN? Sa opinion ko ay malaki ang kaibahan nito. Maligayang Bagong Taon!

    TumugonBurahin
  5. Kung susundin natin 'yung paniniwala ng karamihan sa pinoy na kung ano ginawa mo sa unang minuto ng taon, 'yun ang gagawin mo buong taon', sana magdasal na lang o atupagin na lang nila ang pakikipag-bonding sa pamilya nila, para sa ganoon 'yun ang gawin nila buong taon.

    TumugonBurahin
  6. i always pray na walang masasaktan sa panahon ng paputok ! lalo na ang mga bata na dapat hindi gumagamit ng paputok tuwing celebration ng new year! Maligaya at mapayapang bagong taon !

    TumugonBurahin
  7. Ayoko talaga ng paputok, nakukunsumi ako sa ingay, nakakasira pa ng kalikasan.

    http://www.describeher.info/

    TumugonBurahin
  8. Me and my dad have never attempted na magpaputok every New Year's Eve. My dad thinks it's better to spend the money to more food and give help to charities than spending it to fireworks that eats up a ten thousand pesos in less than a 10 minutes!

    TumugonBurahin
  9. My family and I content ourselves in watching fireworks displays in our neighborhood. We feel safer and happier that way.

    TumugonBurahin
  10. It's best to welcome the new year on a peaceful note and avoid firecrackers as they can be lethal

    TumugonBurahin
  11. omg! the photo looks so gross! I havent seen something like that in my entire life in person ha! But you all have to good points that all your readers shud remember! x

    TumugonBurahin
  12. MASAYA talaga kung may putukan dahil sa ingay at ganda ng mga FIREWORKS pero MALUNGKOT kung may masugatan at maputukan. Pagkatapos... BASURA sa paligid at DUMI sa hangin ang masamang epekto. Masarap lang manood.

    TumugonBurahin
  13. Thank you so much for making Davao City here as your example. I am from Davao City, at ito lang ang masasabi ko nakakamiss din ang mga paputok. Peo mainam na rin na nawala ito sa amin kasi ayaw ko ding maranasan na makakitang mga kamay na napuputol, matang nabubulag....TAKOT AKO SA MGA GANITO.

    TumugonBurahin
  14. argh this reminds me of a meat in a machine, happy new year and keep safe

    TumugonBurahin
  15. To simply put, wag magpaputok para hindi maputukan.

    TumugonBurahin
  16. I grew up in Davao City where pagpapaputok is like a crime. Makukulong ka kung magpapapputok and may fines pa. Kaya peaceful and pagsalubong ng bagong taon sa Davao City.

    Here in Sweden, 90% of the people do not do that. We simply watch fireworks from the balcony and we're satisfied.

    Happy New Year!

    TumugonBurahin
  17. Buti nalang di kami mahilig magpaputok. Last time ata na nagpaputok kami, nasa elementary pa ko. haha.. :D

    Anyway, happy new year!!!

    TumugonBurahin
  18. OMG. nagulumihanan ako sa picture nung naputukan! haha! akala ko pa organs! at kumakain pa ako ngayon! haha!
    but in other topics, never ko din nahiligan ang pagpapaputok. takot ako actually. my dad used to do it and i'd close my eyes kasi sobrang takot akong maputukan sya. at tama ung sa Davao. Kung nandun siguro ako, yayaman ako sa kakareport ng may paputok. :)

    TumugonBurahin
  19. Grabe yung photo katakot! Kaya dapat ingat sa paputok

    TumugonBurahin
  20. I guess habits are really hard to change.. especially if it's in the Philippines... sadly.

    TumugonBurahin
  21. I highly agree on the Davao stuff!

    TumugonBurahin
  22. Sorry but muntik na akong masuka sa pictures :( I'm really sad sa new year kasi marami pa ring mga victims ng paputok sa Ph.. :(

    TumugonBurahin
  23. this is the negative side of the new year... (-) indeed. davao lang ata ang positive... hahaha. happy new year. Yahweh bless.

    TumugonBurahin