Napakaganda nga kung ang mauulit sa kasaysayan ng mundo ay ang mga mabubuting nangyari. Ngunit ang mga nabibigyang halaga sa kasaysayan ng mundo ay ang masasamang pangyayari.
Ngayon nga ay bagsak ang credit rating ng Estados Unidos. Maraming bansa nga ang apektado nito. Isa na nga ang Pilipinas. Nakakatakot nga ang mga nangyayari sa kasalukuyan kung babalikan mo ang nakaraan.
Noong nakaraan nga, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay ganitong ganito rin ang mga pangyayari. Bagsak ang ekonomiya ng maraming bansa dahil sa digmaan. Dahil dito ay lumitaw ang mga radikal na grupo, gaya ng mga Nazi, at ang komunismo ay unti-unti ring lumalaganap.
Ang ibig ko lang sabihin ay ang mga ganitong sitwasyon ang nagbigay kapangyarihan kay Hitler noon. Lubha ngang nakakatakot kung ito ay mauulit pa.
Ang pagbabalik ng mga Nazi sa kapangyarihan ay may posiblidad, dahil sa mga Neo-Nazis, pati na rin ng mga tunay na Nazi's na nakatakas sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at hindi na nahuli. Karamihan nga daw sa kanila ay nasa mga bansa ng South America.
Nang mapanood ko naman ang balita tungkol sa kaguluhan sa London, ay isang bagay lang ang naalala ko mula sa nakita ko rin sa mga aklat ng kasaysayan, ang London Blitz noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maikukumpara nga ang mga imahe ng nasusunog na gusali noong London Blitz nung 1940 at ng mga kasalukuyang kaguluhan sa London din.
Hindi ko naman sinasabi na malapit na ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Ngunit ang mga naging dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nakarating sa kapangyarihan, dahil sa mga pangyayari noon na kahawig ng mga nangyayari ngayon. Kaunti na lang ang kulang sa mga sangkap, at magaganap na ang Ikatlong Digmaang Pandaiigdig.
Matatandaan din noon, na nakabawi ang ekonomiya ng Estados Unidos noong panahon ng Pangulong Franklin D. Roosevelt, dahil sa digmaan ng Britanya at Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pamamagitan ng pagtitinda ng armas sa Britanya.
Expect the Unexpected, and Anticipate ng hindi tayo nagugulat.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento