Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nazi. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nazi. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Enero 18, 2013

DO THEY HAVE THE RIGHT?

The post intention is not to uplift the actions done by the Nazis.
The Nazis are condemn worldwide for their actions, particularly the Holocaust. They kill of what they believe anyone who is inferior to the Germanic-Aryan race, most particularly the Jews.
One of those who condemn the Nazis is the Catholic Church, on the notion that they suffer on the persecutions perpetrated by the Nazis. The question is, Is the Catholic Church, have the moral ascendancy to condemn the Nazis about the Holocaust?
The picture above shows, that the late Catholic Pope, Pope John Paul II begs forgiveness, for the sins of the Church, and for the 300,000 people burned at stake in the Inquisition.
Inquisition, rhymes with the term, The Final Solution. They are not different because it is mass systematic liquidation of people, that dont agree with them. With the Catholic Church, their faith.
One of the similarities of both the Final Solution and Inquisition, is they are both anti-semitic. One of the targets of both Spanish and Portuguese Inquisition are the Jews.
The figures 300,000, I believe is what the Pope only can recall, and the burned ones. What about the ones who died of tortures, to extract confessions from them. And others, killed by other means. And because long scope of time by the Inquisition, I believe that the mass murders commited by Hitler, Stalin, and Mao Zedong combined, cannot surpassed the real numbers of the victims of the Inquisition.
I said it because the scope of time of the Inquisition is very long, whereas the Nazis, Stalin and Mao's reign are only decades. And they are four kinds Inquisition. The Medieval, Spanish, Portuguese, and the Roman Inquisition which counts centuries in reign.
Kaya ang mga Katoliko ngayon, na nagsasabi pag naaatake ang kanilang maling paniniwala ay walang pakialaman. Kayo ang unang nakialam sa pananampalataya ng iba, wala kayong karapatan magsabi niyan. Buti nga kami sinasabi lang namin ang aming pinaniniwalaan na mali sa inyo. Kayong mga Katoliko, yung mga pinaniniwalaan niyong mali, inuusig niyo sinusunog niyo sa apoy.
Ang relihiyon ay hindi ipinipilit sa tao, ang tanging magagawa lang natin. Kung nakikita nating mali ang isa ay I-warn, I-inform. Pero ang pasya ay nasa tao. Huwag nating pilitin kung ayaw, huwag ring patayin.

Miyerkules, Agosto 10, 2011

REPEAT OF HISTORY?


Napakaganda nga kung ang mauulit sa kasaysayan ng mundo ay ang mga mabubuting nangyari. Ngunit ang mga nabibigyang halaga sa kasaysayan ng mundo ay ang masasamang pangyayari.

Ngayon nga ay bagsak ang credit rating ng Estados Unidos. Maraming bansa nga ang apektado nito. Isa na nga ang Pilipinas. Nakakatakot nga ang mga nangyayari sa kasalukuyan kung babalikan mo ang nakaraan.

Noong nakaraan nga, pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay ganitong ganito rin ang mga pangyayari. Bagsak ang ekonomiya ng maraming bansa dahil sa digmaan. Dahil dito ay lumitaw ang mga radikal na grupo, gaya ng mga Nazi, at ang komunismo ay unti-unti ring lumalaganap.

Ang ibig ko lang sabihin ay ang mga ganitong sitwasyon ang nagbigay kapangyarihan kay Hitler noon. Lubha ngang nakakatakot kung ito ay mauulit pa.

Ang pagbabalik ng mga Nazi sa kapangyarihan ay may posiblidad, dahil sa mga Neo-Nazis, pati na rin ng mga tunay na Nazi's na nakatakas sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at hindi na nahuli. Karamihan nga daw sa kanila ay nasa mga bansa ng South America.

Nang mapanood ko naman ang balita tungkol sa kaguluhan sa London, ay isang bagay lang ang naalala ko mula sa nakita ko rin sa mga aklat ng kasaysayan, ang London Blitz noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maikukumpara nga ang mga imahe ng nasusunog na gusali noong London Blitz nung 1940 at ng mga kasalukuyang kaguluhan sa London din.


Hindi ko naman sinasabi na malapit na ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Ngunit ang mga naging dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay nakarating sa kapangyarihan, dahil sa mga pangyayari noon na kahawig ng mga nangyayari ngayon. Kaunti na lang ang kulang sa mga sangkap, at magaganap na ang Ikatlong Digmaang Pandaiigdig.

Matatandaan din noon, na nakabawi ang ekonomiya ng Estados Unidos noong panahon ng Pangulong Franklin D. Roosevelt, dahil sa digmaan ng Britanya at Alemanya noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa pamamagitan ng pagtitinda ng armas sa Britanya.
Expect the Unexpected, and Anticipate ng hindi tayo nagugulat.