SONA at SINE, ano ang kanilang pagkakatulad?, sa katotohanan ay hindi ko alam, isa lang ang alam ko,pareho silang may istorya. Ang SONA, o State Of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino, ay may istorya ng kaniyang pamamalakad, at ng pamamalakad ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamahalaan. Ang SINE naman, ay may istorya na ibig ikuwento ng direktor nito. Tatalakayin ko nga ngayon sa entry na ito ang dalawang magkahiwalay na paksang ito.
Unang Paksa:SONA
Daang Matuwid. Ito nga ang ipinangakong daang tatahakin ng administrasyong Aquino. At sa pagdaan niya dito ay walang wang-wang. Ang wang-wang nga ang halos naging tema ng buong SONA ni Pangulong Noynoy Aquino nitong nakaraang linggo. Ang wang-wang ay tumutukoy sa corrupt na pamamaraan ng dating administrasyon.
Marami ngang binanggit ang Pangulo tungkol sa makawang-wang na pamamaraan noon, ngunit ang tumatak sa akin ay ang 1 billion mahigit na nagastos ng PAGCOR sa kape lamang, pumapatak nga na nasa 900 pesos kada isang cup, ito nga ay ayon sa abogadong nagtatanggol sa dating pamunuan ng PAGCOR. Mahal pa rin! Punta na lang kayo sa Starbucks, mahal ang kape doon, pero hindi naman sisiguro aabot ng 900 pesos. Grabeng overpricing. Ganoon din naman ang mga helicopter ng PNP, presyong brand new, pero second-hand pala. Malaman-laman natin ng imbestigahan sa Senado isa lang ang brand new, o fully equipped, at yung iba ay hindi.
Napakarami palang kalokohan na naganap noon na ngayon lang natin nalaman, gaya na lang ng paglalaro ng putik sa Laguna Lake, food for school, hindi pagbabayad ng tamang buwis ng pribadong sektor, at ang sobrang pag-aangkat ng bigas.
Isa naman sa ipinagmamalaki ng administrasyong ito ay ang pagbaba diumano ng hunger rate ng bansa, na hindi ako masyadong kumbinsido, pero maaari akong maniwala. Bakit? Baka kasi namatay na sa gutom yung iba, kaya kaunti na lang ang nagugutom.
Bilib ng ako sa SONA ngayon, dahil nga ito'y nasa wikang Filipino, na siyang marapat lang naman, Pilipino ang kausap mo ay dapat sa kanilang wika ka rin magsalita, di dapat Ingles, kung saan hindi lahat ay nakakaintindi.
Ito nga ang pinakagusto sa buong talumpati, ang linyang ito: "Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na rin tumapak sa Recto Avenue" at ito "Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea".
Marami ngang pagbubunyag at pagmamalaki sa SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Ngunit ang Pinakamatinding ibinunyag, ay ang bagong Ombudsman, ang dating Associate Justice Conchita Carpio-Morales. Kaya ng marahil ng maalaman ito ni Gloria, ay biglang sumakit ang leeg, at naisugod tuloy siya sa St Lukes sa Taguig. Maluwalhati namang nairaos ang operasyon ng dating Pangulo. Buti na lang at hindi namatay, para mapagdusahan niya ang kaniyang mga kasalanan sa bansang Pilipinas. Bakit ganoon ang mga politiko, kung kailan malapit, o di kaya nakakulong na, dumadami ang sakit? Samantalang noong namamayagpag pa sila, wala naman.
Ngunit kung titignan niyo, lahat ng binanggit sa SONA ay para i self-glorify ang administrasyong ito. Hindi dama ng mas nakakaraming pinoy. Paano na yung problema sa pagtaas ng presyo ng langis na napakaraming idinadamay at sinasama pag tumaas, ang Maguindanao Massacre, ano na nangyari, hindi nga ito nabanggit. At ang Freedom of Information Act, bakit hindi ito kasama sa priority bills ng administrasyon, ito nga ang sisisgurado na ang daang tatathakin ng administrasyong ito, at ng mga susunod pa ay ang Daang Matuwid. Nauna pa ang pagbili ng Porsche, at panliligaw, may Shalani na kasi, hiniwalayan pa. Ngayon nahihirapan sa paghanap ng bago. Ano ang konklusyon? mamaya na.
Ikalawang paksa: SINE
Puro nga puna ng laman nito. Tila baga nawawalan na ng kwenta ang mga pinapalabas sa sine. Gross na lang ba talaga ang batayan ng paggawa ng pelikula. Lagi na lang kapag Metro Manila Film Festival, ang mapapanood mo Enteng Kabisote, Shake Rattle & Roll, yun at yun lang nakakasawa. Kaya ng hindi dapat Film Festival ang tawag diyan, Circus.
Hindi nga katakataka, na mas mahina ang pelikulang Pilipino kaysa Foreign Films, bakit? wala ng artistic value, wala pang kuwenta ang istorya, lagi mong alam kung ano ang mangyayari sa huli. Meron naman, trailer pa lang, alam mo na walang kuwenta, gaya nalang nung pelikula ni Melai Cantiveros, yung "The Adventures of Pureza, Queen of the Riles".
Marami pang ibang pelikulang ganyan, walang kuwenta, walang art. Tatlo lang yan: Tanga ang Producer, Tanga ang Direktor, at Tanga ang audience na tumatangkilik.
Hindi ko sinisiraan ang pelikulang Pilipino, May mga pelikulang Pilipino na maganda, lalo na nung buhay pa ang Hari, si Fernando Poe Jr. Ngayon din naman ay maganda pa ring pelikula sa mainstream, gaya na lang pag sila Bea at John Lloyd ang gaganap.
May maganada pa ring pelikula, pero na o-overwhelmed ng mga pangit ang mainframe ng mga walang kuwenta. Katunayan niyan walang mainframe sa panahong ito na nakakuha ng award sa Cannes, mula pa sa indie films ang nakasungkit ng award.
Para sa akin ay daig na ng indie ang mainstream Pinoy films. Sa indie kasi, malaya ang direktor sda kaniyang istorya, hindi gaya sa mainstream na kontrolado ng producer, na kita lang ang habol sa paggawa ng pelikula. Quantity over Quality ang umiiral sa mainstream, hindi nga ganoon sa indie, yun ang maganda sa kanila.
Konklusyon:
SONA-Kung hindi dama ng marami, lalo na ng sikmura ang mga mga sinasabi sa SONA,
wala itong kuwenta.
SINE-Huwag pairalin ang Quantity over Quality, para magkaroong saysay ang pelikulang Pilipino.
THE END.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento