Linggo, Pebrero 10, 2013

LOLONG DEAD

The World's Largest Crocodile in captivity, Lolong, died on Sunday, February 10, 2013, 8:12 pm according to information on Yahoo.
Sinasabi rin nga sa information sa Yahoo, and I quote:
"The reason for the keepers' call to Collantes has not been given, nor has Lolong's cause of death been determined."
Bagaman hindi pa nga nalalaman ang dahilan ng pagkamatay ni Lolong, ako ay may hinala na kung bakit, at ang hinala ko nga ay makikita sa pictures na ito.
Simple lang ang dahilan sa hinala ko. Nilamig po si Lolong. Ang alam ko po sa reptiles ay sila ay cold-blooded animals, mas kailangan po nila ang init kaysa lamig. Sa laki ni Lolong ay tiyak ay mahirap mapainit ang kaniyang buong katawan ng kailangan niyang init. Una ko pa lang nakita yung pambabasa sa buwaya, ay nasabi ko na mali ito, may automatic pa pala na sprinkler. At tsaka yung init, yun din ata ay nakakatulong sa digestion ng mga buwaya. Kaya nga nabalita rin noon na si Lolong ay tumatanggi sa pagkain, ito nga ay ayon din sa GMA.
Hindi pa po ako nakakapunta sa isang crocodile park, pero nakapunta na ako ng Manila Zoo, wala po akong nakikitang pambabasa mga buwayang nandoon. Malakas talaga ang hinala ko na lamig ang kinamatay ni Lolong. Sayang at hindi ko po man din ito nakikita ng personal.