Ang litrato nga na inyong nakikita sa itaas ay mula sa graduation ng isang kaibigan. Ang paksa nga ng post na ito ay tungkol sa mga graduates
Graduate ka na nga, may trabaho ka ba pagkatapos nito? Oh magiging MASSCOM ang marami sa atin, na sa madaling salita ay mas com portable sa bahay? Iyan nga ho ang naghihintay na hinaharap sa marami sa mga ga-graduate ngayong taong ito.
Bakit nga nagkakaganoon ang marami sa atin, ako man ay matagal ding natambay matapos grumaduate sa aking kursong tinapos. Iisahin ko nga ang mga inaakala kong mga dahilan ng pagkatengga ng maraming graduates. Ito nga ang siyam:
1. Ine-enjoy ang bakasyon.
2. Mahiyain, takot sa interview rin.
3. Choosy at demanding kaya walang tumatanggap, hindi naman maganda ang credentials as student.
4. Walang backer.
5. Mali ang umpisa. Yung kursong kinuha hindi akma sa napapanahong mga trabaho. Na minsan ay kasalanan din ng mga eskwelahan at ng CHED.
6. Ang gustong kunin ay ang pinagtaposang kurso, na dahil mali nga ang umpisa, ay walang makuha.
7. Tamad din kasi.
8. Hindi kaagad naghanda bago pa man grumaduate. Meron kasi naghahanap na ng trabaho bago pa man grumaduate
9. Hindi din kasi pinag-igi, o nagpasikat nung OJT days niya, na isa sana sa maaaring kumuha sa kaniya
Hindi po siya according to rank. Iyon lang po ang pumasok sa aking isip.