Hey, I am again discussing an issue many Filipino's are not interested, but the world are. Ito nga ang gulo sa Ukraine, ang pagkubkob ni Vladimir Putin sa Crimea. na kung saan lumikha ito ng malaking ingay. Ngayon nga, habang sinusulat ko ito ay nagbanta siya na sumuko na ang Ukraine kundi ay makakaranas ito ng isang miltary storm. Maraming bansa nga ang naalarma lalo na ang Estados Unidos
Nagsimula nga ang lahat ng mapatalsik ang Presidente ng Ukraine, na kaalyado ng Russia na si Viktor Yanukovych, sa isang malaki at magulong kilos protesta laban sa kaniya. Umalis ito sa bansa at ayon sa mga chismis ay nasa Russia.
Pero ang umagaw ng atensyon ko, sa gitna ng lahat ng ito ay ang komento ng isang late night comedian, na nagngangalang Craig Ferguson. Siya nga ay host ng isang late night show sa Amerika na may titulong The Late Late Show with Craig Ferguson.
Kung papanoorin mo ang video, ay tila kinukumpara niya si Vladimir Putin, kay Adolf Hitler
Ayon kay Craig ito ang mga pagkakapareho nila:
1.Si Vladimir Putin daw ay sinakop ang Crimea, dahil sa mga Russians na nandoon at kailangang maprotektahan ito ng Russia. Samanatalang si Hitler naman ay sinakop ang Poland para sa karapatan ng mga taga East Prussia na nakahiwalay sa Germany gusto niyang walain ang Danzig Corridor. Ito nga rin ang naging dahilan ni Hitler kung bakit niya sinakop ang Austria, Czechoslovakia, dahil may Germans doon noon. Actually hindi ito lahat ay sinabi ni Craig, Im just broadening the explanation. So that you may learn little things.
2.Kung papaanong inuusig naman daw ni Hitler ang mga Hudyo noon, na isang minority sa Germany, ay inuusig naman ni Putin ang mga homosexuals ngayon. Ito nga ay ng dahil sa pagpasa ng batas sa Russia na bawal ang paglaladlad ng kasarian kung nasa third sex ka, lalo at bading.
3.Kung papaanong may Olympics din ang Berlin noong 1936, 3 years bago nag World War 2, may Sochi Olympics naman ang Russia, bago nangyari ang pagkubkob sa Crimea.
Feb 23, 2014, nagtapos ang Sochi Olympics, March 1 or 2 or Feb 28, nagtake over ang Russia sa Crimea, Thats 5 to 7 days difference.
Ika nga nila, History repeats itself.