Biyernes, Mayo 22, 2015

REMAKE NA NAMAN!

After a long hiatus, Kenneth Ravida is back on blogging world again. And back with a bang. Gusto kong magbigay ng opinyon sa ngayo'y papalabas na remake ng Pangako Sa'Yo na pinagbibidahan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
For the record. I want to say that I hate this love team. They are the only love team that don't kiss on screen. Kesyo underage pa daw kuno. For the love of Lipsy your actors. Its only acting hindi niyo pa magawa. It's not a real kiss! Eh bakit ang Jadine nag-kiss kaagad, magka-sing idad lang naman sila ng Kathniel. Kung hindi man contemporary lang sila. Oh pinaninindigan lang nila ang tawag sa kanila na artista. Maarte!
Sana naman ngayon mag-kiss na sila. Bueno hindi nga yan ang punto de vista ng aking komentaryo. Andaming remake na ginagawa ngayon. Sa TV5 Baker King, sa GMA hindi ko alam, hindi kasi ako masyado nanonood dun. Sa ABS ang rami, isa na nga itong Pangako Sa'Yo, Pasion de Amor. At marami pang iba nang nakalipas gaya na lang ng Flordeliza, Annaliza, Flor De Luna, Mula sa Puso. Ano ang susunod Esperanza? Pati nga Valiente nagawan na rin ng remake. Ultimo Mara Clara, na may bata pang umiyak dahil namatay si Mara.
Ang sa akin lang, wala na bang bago? Gaya ng Got to Believe, Forevermore, mga bagong istorya naman yan pero trend setter pa rin. Kahit pa sabihing iba ang atake, isa pa rin ang sigurado, ginaya niyo lang yun, at walang originality. Ganoon na ba katakot ang mga head ng programming na sumugal sa mga bagong storya at laging doon sa subok na storya na.
Kung ganoon, bakit yung Mula sa Puso hindi nag click, flop. Yun ang panget ng remake. Masisira ang alaala nung legendary na magandang material, kapag nag-flop itong presenteng material. Sana nga ay huwag mag-flop itong teleseryeng Pangako Sa'Yo newgen. Pero sigurado ako na magpa-flop yan, kapag hindi nagkiss sila Daniel at Kathryn pa rin, at pag hindi ginawa ni Daniel yung ginawa ni Jericho Rosales noon. Yung paghawak sa pwet ni Ynah. One of the most iconic scene for me.
I hate remakes, because it damages the reputation of the original material if mag-flop. And may ipinakilala itong panget na sitwasyon, lalo na sa mga writers ng mga network. It's either mga tamad kayo o walang kayong mga creativity or imagination. Nadadaig nga sila ng mga writers sa WattPad gaya nila Marcelo Santos. Na siya ring minsan ay pinagkukunan na lang ng mga kwento ng mga network para gawing pelikula o mini-series
Doon sa mga networks na gusto ng bagong kwento punta kayo sa WP profile ko, may mga bagong kwento doon, kung gusto niyong gawing pelikula or series. Basta bayaran niyo lang ako ng royalty fee. Hahaha Joke lang po. Pero kung gusto niyong seryosohin nandito po ang link.
At kung remake at remake lang din ang pinag-uusapan. Mayroon akong inaantay na i-remake ng mga network pero kahit isa walang gumagawa. ABS, GMA, TV5 sino ang kaya ang mauuna sa inyo?
F4