Ang pinakamalaking isyu nga ngayon ng bansa ay ang biglaang pagkambyo ng desisyon ni Mayor Rodrigo Duterte sa pagsabak sa halalan sa pagka-Pangulo ng bansa . Pero hindi nga iyon ang tatalakayin ko sa aking post ngayon. Ito nga ay ang programa sa bansang South Korea na nagngangalang Running Man
Ang Running Man nga ay isang variety show sa South Korea, na bahagi ng Good Sunday line-up ng SBS network. Isa rin nga ito sa pinakamatagal nang programa sa timeslot na iyon. May 5 years na nga sila sa ere and counting pa. Binubuo nga ito ng mga kakaibang cast. Si Yoo Jae-suk ang main host at leader ng RM. Si Kim Jong-kook, ang pinakamalakas, Si Gary, ang rapper at ang dark horse ng grupo. Si Song Ji-hyo, ang actress, ngunit itinuturing na ACE, Si Ji Suk-jin ang pinakamatanda at ang bale weakest sa grupo. Si HaHa ang minsan ay parang crazy makamit lang ang pagkapanalo. At si Lee Kwang-soo ang pinakabata, at ang traydor sa mga games.
Pero higit na nakilala ang Running Man sa kanilang original concept game. Ang nametag elimination. Ang lagi ngang pagkapanalo dito sa larong ito ang nagbigay kay Kim Jong-kook ng titulong Commander.
Bago lang nga ako na fan ng Running Man. Hindi ko lang exactly matandaan kung early 2015 ba, o late 2014. Nag-umpisa nga akong maging fan ng mapanood ko sa Youtube ang cut nang nag-guest si Han Hyo-joo. Ito nga ay yung pinatid siya ni HaHa sa kanilang laro sa paunahang makuha yung labanos. Nanalo nga si HaHa dahil ginamitan niya ng matinding pwersa si Han Hyo-joo sa kabila ng isa itong babae. Sa inis nga ni Han Hyo-joo ay sinigaw niya ang salitang AREUMDAPTA. Na ang ibig sabihin ay Beautiful in a sarcastic way. Doon nga nag-umpisa ang lahat, at buhat noon ay na hook na ako sa programa. Now I'm watching both the old and the recent episode of Running Man.
Pero nakakasad ang nangyayari ngayon sa Running Man. Nito nga lang broadcast nila ng November 15, 2015, ay nagkamit sila ng rating na 5.4%. Pinakamababa nga nila sa buong history ng Running Man. At isa pang hindi ko ma gets ay kung bakit nangunguna naman ang 2 Days and 1 Night. Nagtry akong manood pero I got bored. Hindi ko talaga maintindihan. Although Running Man have some boring episodes also. Isa nga doon ay ang episode na nagkamit ng pinakamababang rating sa RM. Ang I think I know whats the problem with the recent episodes of RM
Una nga dito ay ang mga nauunang programa sa Running Man. Domino effect lagi yan pag mababa ang nauna mahahatak pababa ang kasunod. Sinilip ko nga ang mga ratings kung saan kabilang ang RM at wala masyadong SBS na programa na makikita ka sa Top 10, at ang Running Man din ay wala sa Top 10. Isa pang problema ay ang mga bagong PD. I think they are trying to create a new Running Man. Diverting away from the traditional Running Man. Which is bad. Concept change is good, but abrupt concept change is bad. Di ba sila natuto sa nangyari sa Invincible Youth Season 2. Tatlong beses sila nagkaroon ng concept changes at hindi nga sila nagtagal sa ere. Ang isa pa ay too much games little comedy time. Hindi nga tulad ng mga dating episode, na nabibigyan ng pagkakataon ang mga members na makapagpatawa. Dapat nilang alalahanin na ang Running Man is more variety show than a game show.
At bilang fan nga ay nakaisip ng ilang maaring solusyon sa problema sa pagbaba ng ratings ng Running Man. Ito nga ang ilan:
Firstly. Kahit ano pa ang games na mauna, mapa may kinalaman sa food, mystery etc. Hindi dapat mawala ang nametag elimination sa isang episode. Diyan nga nakilala ang Running Man. Maging ilang guest ay gustong mag-guest sa Running Man para lang ma-experience ang matanggalan si Jong-kook o isa sa mga members. O di naman kaya ay makipagbuno sa isa sa mga members maprotektahan lang ang kanilang nametag. Recently nga ang mga episodes maliban sa 100 vs 100 ay walang nametag elimination. Marahil ay nadidismaya dito ang SK viewers dahil sa tingin ko ay ito ang inaabangan nila. Sa nametag elimination nga lumilitaw ang character nila Jong-kook as Commander, Jae-suk as Yoomes Bond, Yooruce Willis, and the treacherous character of Lee Kwang-soo. Upang hindi naman magsawa ang tao ay magkaroon ng isang episode break ng nametag episode tapos balik ulit.
Secondly. Maraming guest man o kaunti. Ang dapat lang relatable ang mga guest. In short ay mga in the know guest. Kung hindi man sikat na sikat ay yung nakakatawa naman dapat. As long as their relevant to the news. Not yung mga guest na never heard of. Kasi humahatak yun ng viewers yung mga fans noon manonood dahil nandoon ang mga idol nila. Preferably mga idols gaya ng SNSD(Girls Generation) etc. Or kung hindi man ay mga guest na may kalibre nila Choi Min-soo, Noh Sa Yeon at Kim Sooro. Mga ganoong klaseng guest. Yun nga marahil ang dahilan kung bakit bagsak ang ratings noong Nov 15. A bunch of unknowns ang guest nila. Plus too much dead air.
Lastly. If there is an opportunity mention her, or better yet, if there is an opportunity guest her. A month long guesting. Surely if they do that. The ratings will skyrocket.