Sa wakas ay nagdesisyon na rin tumakbo ang kandidatong pinakahihintay ng taong bayan. Si Mayor Rodrigo Duterte. Daan-daan nga ang dumagsa ng pormal siyang mag-file ng COC para magsubstitute kay Martin Dino bilang standard bearer ng PDP-Laban sa pagka-presidente sa 2016 Presidential elections.
Ngunit tila maraming tao na hindi natutuwa sa kaniyang pagtakbo. At ang karamihan sa mga taong ito ay kabilang sa mga elite of the society. At ang nakakatawa pa ay ang mga tinututulan nila kay Duterte ay ang personal niya. Which is mga non-issue sa pamamahala. Nito lang nakaraan ay ang kaniyang pagmumura sa Pope. Na para bagang ang mga Manilenong ibang ito ay mga hindi nagmumura. Katunayan nga ay sinasabi niyo ang salitang P.I. galit man kayo o hindi. Ekspresyon na nga sa inyo yan.
Hindi natin sinasabi na tama ang mambabae, magmura. At walang sinabi si Duterte na pag siya ang naging Presidente ay gayahin siya. Hindi niya rin sinasabi na tama yung ginagawa niya. Pero yun siya eh. Ika nga ng kasabihan, huwag mong hanapin ang sarili mo sa iba. Bakit? Hindi mo matatagpuan. Kung sa tingin mo ay mas banal ka kaysa Duterte. Manatili kang ganoon. Pero hindi isyu ng leadership yun.
At ang masakit pa ay dahil sa kamay na bakal na pamamahala niya sa Davao, ay ikinukumpara siya sa diktador ng Nazi Germany na si Adolf Hitler. Which for me is a bit foul. Duterte is not Hitler. Here is some example why he not anywhere like Hitler.
HITLER DISCRIMINATES, DUTERTE DOESN'T
We all know what the Jews had suffered, and other so called undesirables under the Nazi Regime. Hindi na kailangan ng mahabang paliwanagan doon. Samantalang si Duterte. Sa kaniyang pamamahala ay nagpasa ang Davao City Council ng anti-discrimination law. Hindi ka pwedeng i-discriminate dahil bakla ka, miyembro ka ng tribong ganito, miyembro ka ng relihiyong ganito. O ang kulay mo ang ganito ganyan.
HITLER IS A DICTATOR, DUTERTE IS A DISCIPLINARIAN
Madalas napapagkamalian ng mga tao ang kamay na bakal na pamamahala dahil na rin marahil sa karanasan ng mga Pilipino sa mga nagdaang mananakop at ng panahon ng Martial Law na ito ay diktadurya. Mabilis tayong pumapalag pag may paghihigpit. Pero pag nasa ibang bansa naman ay mabilis naman tayong sumusunod. Siguro nga ay kailangan na rin Pilipino nang isang pigurang kaniyang katatakutan. Dahil masyado nang tumitigas ang ulo natin kung minsan. Sinabi nang huwag tatawid. Tatawid pa rin.
Si Hitler ay isang diktador siya nga ang nasusunod sa bansa niya. At dahil nga doon ay bumagsak ang kaniyang bansa. Samantalang si Duterte ay isang disciplinarian. Sa kaniyang pamamahala ay nagpasa ng mga ordinansa na pang-disiplina. Gaya na lang ng speed-limit. Iyan ay bunga kasi ng mga madugong banggaan dahil sa mga driver noon na walang habas magpatakbo ng sasakyan. At sa pagpapatupad nga nito ay wala itong sinasanto. Isa nga sa nasample-an ay ang trending Senator Wannabe Alma Moreno, na noon ay konsehal.
Ilan pa nga sa mga batas pandisiplina na naipatupad sa Davao ay ang Anti-Smoking Bill. No Fireworks Bill. etc. Mga batas na nakabuti para sa mga mamamayan nito, at nagpaganda sa imahe ng lungsod.
HITLER IS A WAR MONGER, DUTERTE IS A PEACE ADVOCATE
Even before Hitler became Chancellor. He indicate that he wants to reclaim all the territories loss after World War 1. Kasama pa nga dito ang tinatawag niya na Lebensraum o Living Space na tinatawag niya. Ito nga ay ang parte ng Russia na kanilang sasakupin matapos nilang magtagumpay sa giyera. Na sa kabutihang palad ay hindi nangyari. At nung panahon nga ng isyu ng Czechoslovakia Crisis ay mas gugustuhin niya na makipag-giyera sa kabila ng hindi kahandaan pa ng Germany noon. Kung hindi lamang sa pamamagitan nila Hermann Goering at ng Punong Ministro ng Gran Britania na si Neville Chamberlain ay hindi siya mapipigil na makipagdigma. Napigil nga siyang sandali, ngunit nakipagdigma din siya, iyon na nga ang World War 2, na naging malagim ang katapusan para sa kaniya.
Samantalang si Duterte ay ayaw ng gulo. Kaya nga siya nakikipag-usap sa mga NPA, Military, MNLF, upang huwag maging magulo ang siyudad ng Davao. Even sa issue ng China he prefers diplomatic solution, instead of agitating them with America's presence in the contested regions.
Yan nga ang ilan sa mga pagkakaiba ni Duterte kay Hitler. Marami pa silang pagkakaiba. Pero ito nga mga naiisip kong importanteng pagkakaiba ng dalawa. To those who compared or likened the Mayor of Davao to the Nazi Dictator, you better learn your history, and you better visit the city of Davao to judge it for yourself
At sino ang alternative ng mga Pilipino? Si Roxas? Si Binay? Si Poe? Si Roxas na may track record ng kapalpakan? Si Binay na may bahid ng dungis ang integridad? Si Poe na walang karanasan, at kaduda-duda ang pagka-Pilipino? Gaya nga ng sinabi ko noon. Kawalan ng Pilipino pag si Duterte ay hindi naging presidente.