MGA PUNTOS LABAN SA ABS-CBN
Ito nga ay patungkol sa teleseryeng Princess and I, wala akong masasabi sa istorya, its brilliant, pati ng casting maganda, mga primyadong aktor at aktres ang gumagaganap. From Albert Martinez to Gretchen Barretto, to the young stars, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.
Ngunit ang hindi ko maintindihan sa teleseryeng ito, ay kung bakit kailangan i-dubbed ng mga artistang gumaganap ng sarili nilang boses ang kanilang sarili, ang paliwanag sa pasimula ng bawat episode, ay nagsasalita daw sa wika ng bansang Bhutan. Kung nagsasalita nga ng salita ng Bhutan, bakit kailangan i-dubbed pa uli sa Filipino? Hindi ko lang makuha ang logic ng mga nasa likod ng programa. Bakit pa sila nagsalita sa wika ng Bhutan, kung pagdating sa atin ay i-da-dubbed naman sa Filipino, gets nyo? Filipino kasi ang audience ng programa. Bakit pa sila nagsalita ng wika ng Bhutan, kung bandang huli ay ita-translate din nila? Walang logic kasi.
Hindi po ako against sa wika ng Bhutan, in fact I want to know more about them, which is very unknown to the Filipinos. Bakit kailangang itago ang wika ng Bhutan sa ating mga Filipino? Kung mababasa ito at sana nga ay makarating sa kanila ang aking suggestion. Ang dapat nilang ginawa ay pinarinig ang wika ng taga Bhutan, tapos nilagyan ng subtitle na Filipino translation sa ibaba. Tinamad ba ang mga editor ng seryeng ito, Ayusin nyo ang serye nyo! I am not speaking for the general public, pero para sa akin, nagmumukhang tanga ang mga editor ng seryeng ito.
Isa pa napansin ko sa ABS-CBN, patungkol po sa pagpapalabas ng mga WWE shows, late na nga ng ilang araw, paatras pa, niloloko nyo ba ng audience nyo? Muli ang panawagan ko ayusin nyo ang programming nyo.
DISPUTES IN THE PHILIPPINES
I.ARA MINA VS. CRISTINE REYES
Isa nga ngayon sa pinag-uusapang away sa Philippines Showbiz ay ang awayan nila Cristine Reyes, at Ara Mina, na pawang magkapatid. Nakakalungkot isipin na umabot sa ganito ang relasyon ng dalawang ito. Si Ara Mina na napaka supportive sa kaniyang kapatid, ay paanong nagawang awayin ng kaniyang nakakabatang kapatid. Paano niyang nagawang mag-send kay Ara ng mga masasakit na text messages, na ang laman ay pawang panghahamak sa kaniyang nakatatandang kapatid.
Narinig ko pong binasa ang isang text ni Cristine sa isang radio show, sabihin na nating sa Cristy Ferminute. Hindi mo nga akalaing magagawa ng isang kapatid laban sa kapatid, sa bagay nga si Cain pinatay si Abel. Saan nagmumula ang galit na ito? Napakasagwa naman kung pera, hindi na lang ipinatawad sa kapatid, lalo pat mas nakakatanda ito, at natulungan naman siyang makarating sa kinalalagyan niya ngayon.
II.SCARBOROUGH SHOAL
Nakakatawang isipin na itinuturo pa pala nila sa kanilang mga kabataan, na ang Scarborough Shoal, ay bahagi ng Tsina, mula noon hanggang ngayon. Kung makakausap ko lang ang isang opisyal ng Tsina, sasabihin ko sa kaniyang harap na, maling pagtuturo at impertinente! Maaaring noon ay sa Tsina nga ang Panatag Shoal, Ngunit ang batas na umiiral ngayon ay ang Law of the Seas na ginawa ng U.N. na sinasabing 200 nautical miles mula sa dalampasigan ng isang bansa ay pasok sa tinatawag na exclusive economic zone ng bansang iyon. Ang layo ng Panatag Shoal sa Zambales ay 138 nautical miles lamang ibig sabihin ay pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas na pilit inaangkin ng bansang Tsina, at ginagamit ang kanilang pagiging superpower na bansa.
Ang girian nga sa teritoryo, ay umabot maging sa internet, una nga ay hinack ng mga Chinese hackers ang website ng U.P. na may sinasabing "We come from China:Huangyan Islands(Panatag Shoal)is Ours. Hindi naman ito pinalagpas ng mga Pinoy hackers, at hinack din ang sub-websites ng Chinese University Media Union.
Kung ganyan nga ang pangangatwiran nga Tsina na sa kanila na yan mula pa noon, ay papayag lang ako ako mapasakanila yan kung ang bansang Italya ay aangkinin din ang halos kalahati ng Europa, dahil kanila yun noong sila ay Imperyo Romano pa. Pero noon yun, uulitin ko sa Tsina, noon yun!
III. PNOY VS. CJ CORONA
Hindi pa nga muling nagsisimula ang impeachment trial ni Corona, ngunit kung sa boksing ay sinuntok nya ng matinding suntok si PNoy, sa pamamagitan ng desisyon na pamamahagi sa mga magsasaka ng lupain ng Hacienda Luisita. Ano kaya ang magiging katapusan ng girian ni PNoy at Corona, ito nga ang dapat nating abangan.
Wow, how much time did you put here to collate those infos? Abs-Cbn sure knows how to make the news!
TumugonBurahinNapakagaling ng mga paghahambing mo sa mga bagay-bayag at pagbibigay ng naaayon na komento sa mga napapanahong isyu. Good job Kenneth! Very informative.
TumugonBurahinsalamat po yani
BurahinI always try to avoid ABS CBN shows. Hehe pero yung nanny ng kids ko laging nanuod ng Princess na to. I found it so strange talaga na may dubbing. :D Yun pala sa ibang bansa daw ang setting. Ahhhh ok. :D
TumugonBurahinSiguro gusto din masabi ng mga Pinoy tv producers na kaya din nating mag-dub. Pero tama ka, walang logic. Sana nagsalita na lang nga sila ng Bhutan at naglagay na lang ng subtitles diba? Napadali pa ang trabaho. Tsk tsk.
TumugonBurahinAng tingin ko naman sa awayang magkapatid na sexy stars na yan ay front para mapag-usapan. Dahil ang rinig ko,magkakaron sila ng movie together. Publicity sake.
About Pnoy naman, wa ako ma-say! hahaha
I don't watch TV. I learned about that dubbing thingie through your blog :)
TumugonBurahinAs for the Pinas vs China conflict, I just hope it won't result in a war. My goodness!
I saw that teleserye and I thought it funny too that they were dubbing it that way. Enjoyed reading these kuro-kuro.:)
TumugonBurahinI dont watch princess and I.. and as for Christine Reyes, I hate her. She's pretty, but she lacks talent.
TumugonBurahinagree! sana may filipino subtitle nlg pag nagsasalita ng bhutan ang characters sa princess and I..weird na nka dubb pa ulit sa filipino..
TumugonBurahinDapat talaga may sub-title na lang. Sayang naman effort nung mga artista na salitain yung wika ng Bhutan kung d naman maririnig ng manonood. Para san pa yun. Or baka naman kunyare lang na nagsasalita sila ng Dzongkha, parang yung sa spoof ng Bubble Gang sa mga series na dubbed ehehehe, baka lang.
TumugonBurahinNalulungkot ako sa ginagawang pambu-bully satin ng China :|
Love the way you express your opinion. Well done, Kenneth! :)
salamat po sa appreciation
Burahintanung ko lang nakaaired din ba ito sa ibang bansa kasi napansin ko nakadubbed sya
TumugonBurahinMy daughter is watching this
TumugonBurahinPrincess and I because she likes the story of the
young love team: Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.
You have your own opinions and I respect them.
BOY ABUNDA + NOLI DE CASTRO = KENNETH :-)
TumugonBurahinSquall Leonheart parang kilala na kita, ikaw ba yung taga DMC o yung taga Ford? hehehehe
BurahinSecret Hula-an mo...hehe
TumugonBurahin