Huwebes, Hulyo 19, 2012

PBB'S FOUR MOST UNDESERVED BIG WINNERS

Siya nga si Myrtle Sarossa, ang latest big winner sa Bahay ni Kuya. Pero hindi nga siya ang uunahin ko.
Siya nga si James Reid, Big Winner ng Teen Edition noong 2010. Para sa akin nga ay hindi siya deserving, una-una ay hindi siya purong pinoy, o hindi talaga pinoy, hindi ko po alam. Ikalawa ay late comer siya, malay ba natin kung pumila sila o pinili lang sila, again hindi rin natin alam. Kung boto nga ang pag-uusapan ay maaaring si Trisha Santos ang nagwagi, ngunit dahil sa maniubra na nung laging nanonominate si Trisha, ay may vote to Evict, ngunit noong finally evicted na ay biglang tinanggal na. Taga davao po kasi ako.
Si Melai Cantiveros naman, na kaduda-duda rin ang pagkapanalo. Ipinakita nga ng ABS-CBN na si Paul Jake Castillo ang nangunguna sa botohan, na hindi naman kataka-taka dahil siya ay taga Cebu, na nakakapagpanalo nga ng Pangulo ng Pilipnas, kung magkaisa, ilang araw nga bago ang Big Night. Si Melai nga ay nasa pangatlo o pangalawa. ngunit noong Big Night ay si Melai nga ang nagwagi. Kung pagbabatayan nga ang labanan noon ni Kim Chiu at ni Gerald Anderson, ay hindi nga mananalo si Melai. Pareho ngang taga GenSan sila Gerald at Melai, at higit na mas pleasing personality naman si Gerald, if you know what I mean. At napakaliit nga lang ng Gensan kung tutuusin dahil napuntahan ko na ito personal.
Si Slater Young. Walang duda nga na siya ang Big Winner kung botohan ang pag-uusapan. Dahil siya ay taga Cebu. Pero kung yung ipinakita niya sa Bahay Ni Kuya ang pag-uusapan ay parang hindi siya karapatdapat. Kauna-unahang task ni Kuya sa kaniya di niya nagawa. Mas ok nga sa akin kung si Pamu o kaya ay si Paco.
At aking pinaka-favorite ko sa lahat si Myrtle Sarossa. Hindi naman ako all the way from the start na critic sa kaniya. Ayaw kong sabihin na hater ako dahil hindi marapat, dahil I dont have the right to hate her, dahil wala naman siyang ginawa na masama sa aking personal.
Nagsimula iyon noong ma-automatically nominated siya. Parang bigla siyang nawala sa sarili niya. Yung pagiging bossy niya. At para po sa kaalaman ng mga die hard Myrtle Fans, ang pagiging bossy ay iba sa pagiging lider. Ang lider nangunguna at kasamang gumagawa. Ang bossy pala-utos, sa mga lumang wika nga ay may PAGKA-PANGINOON SA IBA. At yung paglilihim niya ng ibang bagay sa kaniyang sarili at hindi pagpapakatotoo, na ito nga ng tema ng bahay ni Kuya, pagpapaka-totoo.
Tila alam din ito ng ABS-CBN at tinangka na huwag gawing Big Winner si Myrtle. Ginisa nga siyang maigi sa one-on-one interview kay Toni Gonzaga. At nilagay ang Vote to Evict, Ngunit huli na ang lahat, bagamat siya ang may pinakamalaking Vote to evict, ngunit mas malaki ang kaniyang vote to save. Kaya't tinanghal siya na Big Winner. Ang summary nga ng comment ko sa pagiging big winner ni Myrtle at na sa tweet ng babaeng ito:
The end.

Biyernes, Hulyo 13, 2012

ADIOS, TITO DOLPHY

July 10, 2012 8:34 pm, ay tuluyan na ngang pumanaw ang King of Comedy, dahil sa multi-organ failure na dulot ng kaniyang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease, 15 days short nga bago ang kaniyang birthday sa July 25.
Isang dating nagtitinda ng mani sa labas ng sinehan, na di naglaon ay siya na ring pinanood sa loob nito. Wala ngang masasabing masama sa taong ito. Ang bukang bibig nga ng napakaraming tao, ay napakabait niya. Hayag naman ang kaniyang pagiging pilyo pagdating sa babae, na nagbunga ng 18 anak.
Napaka swerte nga ng mga nakatrabaho at nakasama ng King of Comedy, kahit sa kwento ko lang nga naririnig ito, ay dama mo ang kabaitanat kababaang loob niya. Yung pantay-pantay na pagtrato, bihira lang sa artista ang ganoon. At tila nga wala na sa artista na gaya ni Dolphy.
Maging ang kaniyang pagiging komedyante ay hindi na mapapalitan. May mga paraan ng pagpapatawa na makikita mo sa mga komedyante na na kay Dolphy din. Hindi dahil hindi original si Tito Dolphy, kundi siya ang naging padron ng mga komedyanteng sumusunod na sa kaniyang mga yapak.
Ang lubhang ngang nakakainis ay ang gobyerno ng Pilipinas, na napakabagal. Na ngayon ay ubod ng dami ng mga resolution na wala nang saysay, dahil patay na yung tao. Sabi nga ni Alma Moreno, parang nonsense, hindi na madadama ni Dolphy. Hanggang National Day of Remembrance na lang ba ang magagawa ng ating Pangulo? Oo nga at naibigay niya ang pinakamataas na parangal na maaaring maibigay ng Pangulo ng Pilipinas, ngunit hanggang diyan na lang ba? Ang ibig nung tao ay ang National Artist, hindi ba't napakadali lang nito para sa Pangulo. Ang Impeachment nga ay namadali, ang pagiging holiday ng mga kamatayan ng magulang niya ay napakabilis din. Eh ito, isang tao na may malaking kontribusyon sa Sining, ang hiling lang naman ay maging National Artist, hindi pa nagawa, hanggang sa namatay na nga lang.
At sino naman tong si Nicanor Tiongson, na humarang sa pagka-National Artist ni Mang Pidol. At dahil lang na ang matandang pobre ay gumanap na bading sa kaniyang mga pelikula ay hindi na puwede sa karangalang yan. Para sabihin ko sa iyo Mang Kanor! Ang isang tao na gumanap na bading, na hindi naman bading, eh hindi madali. Kailangan nang matinding artistic skills nyan. Kayat dapat tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalang Nicanor Tiongson-Ang taong humarang sa pagka-National Artist ni Tito Dolphy. Kabilang na siya sa linya kung saan naroroon sila Hitler, at iba pang kontrabida sa tunay na buhay sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Magkagayon pa man, si tito Dolphy ay isang National Treasure na. At sabi nga, he will be missed by most of us. Adios Tito Dolphy.