Biyernes, Hulyo 13, 2012

ADIOS, TITO DOLPHY

July 10, 2012 8:34 pm, ay tuluyan na ngang pumanaw ang King of Comedy, dahil sa multi-organ failure na dulot ng kaniyang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease, 15 days short nga bago ang kaniyang birthday sa July 25.
Isang dating nagtitinda ng mani sa labas ng sinehan, na di naglaon ay siya na ring pinanood sa loob nito. Wala ngang masasabing masama sa taong ito. Ang bukang bibig nga ng napakaraming tao, ay napakabait niya. Hayag naman ang kaniyang pagiging pilyo pagdating sa babae, na nagbunga ng 18 anak.
Napaka swerte nga ng mga nakatrabaho at nakasama ng King of Comedy, kahit sa kwento ko lang nga naririnig ito, ay dama mo ang kabaitanat kababaang loob niya. Yung pantay-pantay na pagtrato, bihira lang sa artista ang ganoon. At tila nga wala na sa artista na gaya ni Dolphy.
Maging ang kaniyang pagiging komedyante ay hindi na mapapalitan. May mga paraan ng pagpapatawa na makikita mo sa mga komedyante na na kay Dolphy din. Hindi dahil hindi original si Tito Dolphy, kundi siya ang naging padron ng mga komedyanteng sumusunod na sa kaniyang mga yapak.
Ang lubhang ngang nakakainis ay ang gobyerno ng Pilipinas, na napakabagal. Na ngayon ay ubod ng dami ng mga resolution na wala nang saysay, dahil patay na yung tao. Sabi nga ni Alma Moreno, parang nonsense, hindi na madadama ni Dolphy. Hanggang National Day of Remembrance na lang ba ang magagawa ng ating Pangulo? Oo nga at naibigay niya ang pinakamataas na parangal na maaaring maibigay ng Pangulo ng Pilipinas, ngunit hanggang diyan na lang ba? Ang ibig nung tao ay ang National Artist, hindi ba't napakadali lang nito para sa Pangulo. Ang Impeachment nga ay namadali, ang pagiging holiday ng mga kamatayan ng magulang niya ay napakabilis din. Eh ito, isang tao na may malaking kontribusyon sa Sining, ang hiling lang naman ay maging National Artist, hindi pa nagawa, hanggang sa namatay na nga lang.
At sino naman tong si Nicanor Tiongson, na humarang sa pagka-National Artist ni Mang Pidol. At dahil lang na ang matandang pobre ay gumanap na bading sa kaniyang mga pelikula ay hindi na puwede sa karangalang yan. Para sabihin ko sa iyo Mang Kanor! Ang isang tao na gumanap na bading, na hindi naman bading, eh hindi madali. Kailangan nang matinding artistic skills nyan. Kayat dapat tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas ang pangalang Nicanor Tiongson-Ang taong humarang sa pagka-National Artist ni Tito Dolphy. Kabilang na siya sa linya kung saan naroroon sila Hitler, at iba pang kontrabida sa tunay na buhay sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Magkagayon pa man, si tito Dolphy ay isang National Treasure na. At sabi nga, he will be missed by most of us. Adios Tito Dolphy.

10 komento:

  1. Kahit di natanghal na national artist si Dolphy ay isa pa rin syang alamat at malaki ang naambag sa pelikula at telebisyon at maraming natulungang tao.

    TumugonBurahin
  2. Nakakalungkot isipin na isa na naman sa mga haligi ng industriya ang nawala! Nung ibinalita nga sa TV ang pagpanaw ni Mang Dolphy ay affected na affected ako. Malaki syang kawalan sa industriya at wala ng magiging Comedy King pa na kagaya nya. Nag-iisa lang ang Dolphy sa puso ng mga Filipino!

    TumugonBurahin
  3. Will be in the history of the philippines prong hero n run xa ang galling! xx

    TumugonBurahin
  4. Dolphy's deathnis a great loss in Philippine Showbiz, he will truly be missed!

    TumugonBurahin
  5. i will always remember him as kevin cosme in home along da riles :)

    xoxoandrea.com

    TumugonBurahin
  6. Dolphy will always be remembered as a good artist and a friend too.

    http://www.clairerafols.com

    TumugonBurahin
  7. Sigh.. I just read Zsa-Zsa's tweet about finally letting go of Dolphy.. It felt bittersweet at some point when she said goodbye to her lovey...Dolphy's talent in the industry will be greatly missed!

    TumugonBurahin
  8. Dolphy will remain as an icon in the Philippine entertainment industry, and of course, he will be remembered as the Comedy King, with or without the National Artist award.

    TumugonBurahin