May dalawang paksa nga akong bibigyan ng opinyon ngayong araw na ito at ito nga ang una.
I. EXPOSE
Makikita nga sa dalawang larawan na ito ay magkakontra, ang sinasabi ng isa ay pumasok ang boto habang ang isa naman ay nagsasabing hindi pumasok ang boto para sa nasabing housemate ng bahay ni Kuya.
Ano kaya nag sabihin nito? totoo kaya ang mga sabi-sabi na may dayaan sa reality show na iyan? Na pinanalo lamang ang gusto nilang panalunin kahit hindi ito ang gusto ng nakakarami? Tanong lang naman.
Bakit ganoon ang nakakapagtaka kasi, dalawang beses ako nag text,yung isa bumalik sa outbox ibig sabihin hindi pumasok, nag text uli ako at pumasok na at nag text back nga ang 231 nang 11:22pm na sinabing counted ang boto. Nang 11:26pm nag text back uli na sinasbing hindi counted ang boto. Ano ba talaga ang totoo?
Sa araw ng bukas, habang isinusulat ko ito, ay magaganap ang eviction night sa bahay. Buhay at kinabukasan ng tao nag nakataya. Ang Tanong? Totoo ba na may dayaan?
II.WRONG MOVE ISKO
Nagkahiwalay nga ng landas sila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno. Ito nga ay dahil sa pagpasok ni Erap sa pulitika ng Maynila. Ang Tanong uli? Tama ba ang ginawa ni Moreno?
Kung titignan mo nga ang kasaysayan, nanalo si Moreno noong 2007 bilang vice mayor ni Lim, ganoon nga ulit noong 2010. Ngayon ay lumipat nang bakod si Moreno kay Erap still as vice mayor running mate.Ngayon paano ito naging Wrong Move.
Pangatlong Termino at huli na ni Moreno, kung papalarin siya sa 2013 elections. Mapa si Erap o si Lim ang manalo, parehong di pabor kay Moreno. Kung si Lim ay gagantihan siya sa sigurado dahil sa mga ginagawa niya ngayon. Kung si Erap naman ay, mapipigilan nito ang sana'y dapat pag-akyat sa pagka-alkade ni Moreno.Kung kakalabanin naman niya sa Erap 50/50 ang tsansa niya, at baka siya pa maging unpopular candidate sa dalawa, kung buhay pa si Erap sa 2016.
Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang iyong mga katanungan, bagamat, medyo kontrobesyal nga ang botohan. Gayunpaman, bilang isang botante, marapatin natin na iboto ang karapat-dapat na ihalal. (ah, my tagalog is still good.) hehe!
TumugonBurahinwala akong alam sa pulitika, nakakahiya mang aminin dahil sa epektong emosyonal nito sa akin, nagdesisyon ako noon pa na di bale nang magmukhang tanga pag pulitika pinag-usapan kesa naman mamatay ng maaaga dahil sa depresyon dulot ng pulitika! ;)
TumugonBurahinWala naman sigurong dayaan sa PBB. Pulitiko na talaga si Isko Morena kasi alam nya mas may tsansa si Erap kaya dun sya kumapit.
TumugonBurahinWalang dayaan sa PBB but it looks scripted to me. Ang aarte ng pbb teens kaasar lang
TumugonBurahinAng alam ko...
TumugonBurahinisang beses lng maaaring bumoto
sa isang housemate. Kung 2 beses
ka nagtext at napunta sa outbox yung isa,
maaaring iyon ang automatic shot off ng
1 vote per sim pero after 24 hrs... pwede ulit.
Totoong ang pulitika dito sa Pilipinas ay madalas
di katanggap-tanggap. EWAN ko ba... paano magiging
MALINIS ang hangarin ng bawat kandidato. LAHAT
may sariling AGENDA. Hmmmmmmmm.....
Hindi ko talaga alam kung paano magreact about sa PBB pero para sa akin parang scripted nga ito pero siguro sinasabi lng sa kanila kung ano ang gagawin nila pero sila parin un. Ugali parin nila un. :)
TumugonBurahintotoong may dayaan dyan, hindi real yang mga reality shows na yan, ang totoong reality show eh di alam ng tao na may video camera na nakatutok sa kaniya...:-D
TumugonBurahin