Sabado, Hunyo 2, 2012

FIN

Fin, ito nga ang kadalasang nakikita sa tuwing magtatapos ang isang Mexican telenovela. At nung May 29, 2012 ay tuluyan ng nagtapos ang Impeachment Trial laban sa dating Chief Justice, Renato Corona. Ang pagtatapos nito tragic para sa bida ng telenovela na si Renato Corona, dahil sa nahatulan siyang Guilty ng dalawampung senador, mahigit sa 16 na kinakailangan upang siya ay ma-convict.
And for the record, ito nga ang senador na humatol ng Guilty at Not Guilty sa napatalsik na Chief Justice.
GUILTY:
ANGARA, EDGARDO
CAYETANO, ALAN PETER
CAYETANO, PIA
DRILON, FRANKLIN
ESCUDERO, FRANCIS
ESTRADA, JINGGOY
GUINGONA, TEOFISTO JR.
HONASAN, GREGORIO
LACSON, PANFILO
LAPID, LITO
LEGARDA, LOREN
OSMENA III, SERGIO
PANGILINAN, FRANCIS
PIMENTEL III, AQUILINO
RECTO, RALPH
REVILLA, RAMON
SOTTO III, VICENTE
TRILLIANES IV, ANTONIO
VILLAR, MANUEL
ENRILE, JUAN PONCE
NOT GUILTY:
ARROYO, JOKER
DEFENSOR-SANTIAGO, MIRIAM
MARCOS JR., FERDINAND
Isa nga sa di malilimutan ay ang PITSA PIE ni Lito Lapid, na ang tinutukoy niya nga ay ang pie graph sa powerpoint presentation ni Rep.Farinas. Naaawa nga ako kay Serafin Cuevas, He use all his might and knowledge to win the case of his client, halos sinira nga ng depensa ang krediblidad ng mga witness ng prosecution. Ngunit sinira lamang ng kanilang kliyente mismo ang lahat ng kanilang mga pinaghirapan.
Ngayon nga at tapos na ang trial, ay sana tapos na rin ang lahat, ika nga ng mga senador move-on na tayo.Ang hatol nga na ito ay walang kaugnayan sa sikmurang gutom, sa katawang may sakit, sa bulsang walang laman. Pero salamat pa rin sa 20 senador na humatol ng guilty. At huwag naman gipitin ang mga hindi pumabor, gaya ni Sen Miriam Santiago.

5 komento:

  1. Kailangan na ngang mag move on pero mabuti at natapos na rin ito masyado ng madrama and mga kaganapan sa teleserye na to.

    TumugonBurahin
  2. Haha buti pa si sen. Lapid inaamin ndi sya marunong mag English, eh itong si CJ, ayaw pang patalo.. Mahirap din kasi mag salita, ndi din natin alam kung ano ang whole view at kung alin mga totoo. Pero mangyayari and dapay mangayari.


    -Alexis P.

    TumugonBurahin
  3. Haha I laughed about this before, thanked God It's done already. We could never point our fingers cause we'll never know :>

    TumugonBurahin
  4. Mag move on na nga lang talaga tayo. Magtrabaho na lang at ipagdasal na ang mga opisyal na nadyan sa ating pamahalaan ay may konsensya upang wag nang mangurakot pa.

    TumugonBurahin
  5. Very aggressive challenge. Very progressive post. Thumbs up !

    TumugonBurahin