Biyernes, Disyembre 14, 2012

PAST TO FUTURE: PACQUIAO VS MARQUEZ

Enough na sa sisihan, kung bakit natalo si PacMan sa ikaapat nilang laban ni Juan Manuel Marquez, yung tao nga na mismong natalo, tanggap na talo siya, sino naman tayo para hindi tumanggap. Ngunit isa lang ang sigurado sa nangyari, December 8, 2012 is a date which will live in infamy for many PacMan boxing fans, eksatong 71 years ng sinabi rin naman ni Franklin D. Roosevelt, sa December 7, 1941 declaration of war to Japan sa US congress ang term na "a date which will live in infamy"
Balikan muna natin ang mahabang kasaysayan ng dalawang mandirigma ng boxing ring mula sa una hanggang sa pinakahuling laro nila sa kasalukuyan.
Ang Unang Paghaharap, May 8, 2004: Ito ang pinaka una, ngunit hindi pahuhuli sa kontrobersiya, si Pacquiao nga ang tila bugbog sarado kung mukha ang titignan, ngunit napatumba niya naman ng dalawang beses si Marquez, ngunit ang resulta ay tabla. Naging isyu pa nga noon ang medyas ni PacMan, dahil nagpaltos ang kaniyang mga paa.
Dahil nga sa tabla sila sa unang paghaharap, ay nangangailangan nga ng pangalawang laban upang matapos ang usapan.
Ikalawang Paghaharap, March 15, 2008: Nanalo nga si Pacquiao via split decision. Si Marquez nga ang may mas maraming naibatong suntok, ngunit ang tila ikinatalo ay ang pagbagsak niya sa third round. Hindi na nga pinangarap ni PacMan na magkaroon ng pangatlo pa, dahil ibig niya umakyat ng division. Subalit naganap pa rin ang ayaw niya na sana.
Ikatlong Paghaharap, November 12, 2011: Ito nga sa aking pananaw ay labang hindi na kinakailangan pa. Ngunit dahil matunog ang pangalan ni PacMan at marami ang nadidismaya, sa hindi matuloy-tuloy na fight of the millenium, Pacquiao vs. Mayweather. ay ginawa ang labang ito, para sa akin ay para kumita, ang mga kikita, partikular ang mga tao sa Vegas.
Marami na nga ang tinalo ni PacMan mula ng huli nilang laban. At ang mga tinalo niya ay mga hindi basta basta. Mula kay Diaz, De La Hoya, Hatton Cotto, Clottey, Margarito at Mosley. At si Pacquiao nga ay naging 8-division World Champion na.
At naganap ang laban, nanalo si PacMan via majority decision sa score na 114–114, 115–113 & 116–112. Ang inaasahan nga ni Marquez ay siya ang panalo. Yun ngaa ay dahil malalakas at tumatama ang mga suntok niya. At para sa akin din naman ay hindi lahat ng round noon ay kay Pacquiao, ngunit ang karamihan nito ay kay PacMan pa rin. Maging ang mga istastika ng boksing ay pumapabor sa pambansang kamao.
Marahil ay nadidismaya si Marquez noon dahil hindi niya nagawang maipaghiganti ang mga Mexicano, laban sa ating pambansang kamao, na halos lipulin na ang halos lahat ng kanilang pambato. Ngunit magkakaroon siya ng tsansa upang gawin iyon.
Ika-apat na Paghaharap, December 8, 2012: Tila at natupad na ni Marquez ang ibig niyang gawin sa huling tatlong laban nila, ang talunin si Pacquiao, knock-out nga si Pacquiao sa round 6, at di na nakatayo pa. Maluwag ngang tinanggap ni Pacquiao ang pagkatalo, ngunit bumanggit siya ng mga salitang tila may kahulugan, "We will rise again!"
Nangangahulugan ba ito ng Ikalimang Yugto sa pagitan ni Pacquiao at Marquez? Wala nga kay Pacquiao ang desisyon kundi nasa isang tao, si Bob Arum.
At ang tila hindi siguradong sagot ay oo magkakaroon. Kung maganap man ito dito na ba ito magtatapos? Kung ako ang tatanungin, ay na renew ang trilogy ng rivalry nila, at nagsimula nga ulit ito sa ikaapat nilang laban. Hindi nga maiiwasan na magkaroon pa uli ng 6. At kung magkaaberya pa muli gaya ng ikatlong laban ay tila may ikapito pa. Sana nga ay makabawi si Pacquiao sa ikalima kung magkakaroon pa.

11 komento:

  1. dati saludo ako kay pacquiao dahil sa pride na binigay nia sa Pilipinas ,, pero ngaun puro usapang pera na lang ang laban kaya simula noon di ko na sinubaybayan ang laban nia .. mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng panahon , mga kababayan nating nangangailangan ng tulong .

    TumugonBurahin
  2. If I were Paquiao, I'd retire while I still can enjoy the fruits of my endeavors. He was already at the top and there's no other way but to go down. No buts, no ifs - he lost the fight and that's reality. We should always accept that we cannot win all fights and just move on.

    TumugonBurahin
  3. Tingin mas makakabuting magretiro na sya kasi abala na din naman sya sa showbiz at pulitika so di boxing ang focus nya at higit sa lahat sa kaligtasan nya. Nakakatakot din ang masyado matagal sa boxing.

    TumugonBurahin
  4. Sa tingin ko it is not in Bob or Manny's hands that a Part 5 will materialize pa. Sa tingin ko, aayaw na rin si Marquez, kasi deep inside sa sarili nya, tanggap niyang swerte lang siya ng gabing iyon at alam niya na hindi na siya mananalo pa muli kay Manny.

    TumugonBurahin
  5. Hindi ako mahilig sa boxing, hindi tayu hayop para pag sabungin, I agree with aling Dionisia. Ayoko na lumaban pa si Pacman, I think his performance from his previous winnings are enough to show his the best. Anyway, saludo aq kay Pacquiao dahil sa tulong nya sa Davao. http://www.manilalife.info/

    TumugonBurahin
  6. this is indeed a very intersting article!! Looking back to those dates and feel the nerves of how the things been changing for the past years is amazing. xx

    TumugonBurahin
  7. This is a good compilation you made for Paquiao and Marquez. The latter did't get lucky as he was able to put up a perfect counterpunch to knock Paquiao out. If it wasn't for that punch, Paquiao may have won.

    TumugonBurahin
  8. Nakakatuwa na ang blog na ito ay isinulat sa Filipino. Mas ramdam ko ang pagpapahayag kapag binabasa sa sarili nating wika. Sa tingin ko hindi maiiwasan na magkaroon ng panglimang laban. Ang tanong lang ay kung kailan?

    TumugonBurahin
  9. Great collection of a piece of boxing history here. I particularly like how the posters documented the maturing look and obvious growth in experience just from the pictures of the boxers alone. I don't think there should be a fifth fight; there's nothing for the two of them to prove and age may be catching up to both of them.

    TumugonBurahin
  10. Isang katotohanan lang ang masasabi ko, hindi masyado matibay ang panga ni Manny...

    TumugonBurahin
  11. Manny's first love is boxing, let him do as he pleases,whether to stop or continue, nasasa kanya na yun..as long as he doesn't neglect his other responsibilities...I'm still proud of him no matter what...he gave us the reason to be proud of our race many times during his past fights...Yahweh bless.

    TumugonBurahin