Biyernes, Abril 19, 2013

ACT OF TERROR

Naisulat nga ang post na ito dahil sa nangyaring bagong pamomomba na nangyari sa taunang Boston Marathon sa Estados Unidos. Ngunit isa-isahin natin ang mga makasaysayang pamomomba sa kasaysayan sa mundo.
Boston Marathon Bombing (2013)- Casualties- 3
Iraq Shock and Awe(2003)- Casualties- 6,616
911 Attack Twin Towers only(2001)- Casualties- 2,753
Nagasaki and Hiroshima Bombing(1945)- Casualties: Hiroshma-90,000–166,000  
Nagasaki-60,000–80,000
Dresden Bombing(1945)- Casualties- 25,000
Pearl Harbor Attack(1941)- Casualties- 2,386
London Blitz(1941)- Casualties- 22,000
Source:Wikipedia
Ito nga ang ilan sa mga makasaysayang pamomomba na nangyari sa mundo, mapapansin na ang namatay sa bagong Boston Bombing ay 3 lamang, di gaya ng iba. May nagtanong kasi na reporter sa White House, na maikokonsider din ba na "act of terror" ang nangyari naman noon na airstrike sa Afghanistan. Ito nga ang kanilang usapan. Ang pangalan ng reporter ay si Amina Ismail journalist sa McClatchy.
REPORTER: I send my deepest condolence to the victims and families in Boston. But President Obama said that what happened in Boston was an act of terrorism. I would like to ask, Do you consider the U.S. bombing on civilians in Afghanistan earlier this month that left 11 children and a woman killed a form of terrorism? Why or why not?
JAY CARNEY: Well, I would have to know more about the incident and then obviously the Department of Defense would have answers to your questions on this matter. We have more than 60,000 U.S. troops involved in a war in Afghanistan, a war that began when the United States was attacked, in an attack that was organized on the soil of Afghanistan by al Qaeda, by Osama bin laden and others and more than 3,000 people were killed in that attack. And it has been the President’s objective once he took office to make clear what our goals are in Afghanistan and that is to disrupt, dismantle and ultimately defeat al Qaeda. And with that as our objective to provide enough assistance to Afghan National Security Forces and the Afghan government to allow them to take over security for themselves. And that process is underway and the United States has withdrawn a substantial number of troops and we are in the process of drowning down further as we hand over security lead to Afghan forces. And it is certainly the case that I refer you to the defense department for details that we take great care in the prosecution of this war and we are very mindful of what our objectives are.
Source:http://raniakhalek.com/2013/04/17/reporter-asks-white-house-if-u-s-airstrikes-that-kill-afghan-civilians-qualify-as-terrorism/
Mapapansin na iwas si Jay Carney, maligoy ang kaniyang sagot. Pero hindi yun ang punto. Ang Punto ay, Amerika man, o Al Qaeda, ang may gawa, kahit na China o North Korea o Iran, kaunti o marami man ang namatay, basta ang katahimikan ay nagulo, ikaw man ang nauna, o ikaw ang gumaganti, pareho lang yan ACT OF TERROR!

Martes, Abril 16, 2013

THE WRONG IN PHILIPPINE POLITICS

Eleksyon na mga kababayan, may iboboto ka na ba? Sino-sino sila?
Lagi namang ganoon walang nangyayari kahit sino manalo, si Tarpulano man o si Procopio. Ano ba ang dapat gawin sa sistema ng pulitika ng Pilipinas. Ito nga ang mga inaakala kong mga solusyon sa mga problemang pulitikal ng bansa.
I. DESTROY POLITICAL DYNASTIES
Isa nga sa mga mali ng political system natin ay ang napakaraming political dynasties. Ngunit may argumento sila na ibinoboto naman sila ng mga tao. Papaano silang hindi iboboto eh walang choice. Sila-sila lang rin ang nagpapalitan. Ngunit sa kasamaang palad ay walang provision sa batas na nagbabawal sa mga politika. Papaano nga masusolusyonan ito simple lang. Pagbawalan sa batas na tumakbong sabay-sabay ang mga magkakamag-anak na malapit up to the 10th degree kung maaari. At barred tumakbo ang kamag-anak matapos ang termino ng isang pultiko ng isang termino.
II. TANGGALIN ANG PONDO SA LEGISLATIVE
Isa sa dahilan ng korapsyon sa Pilipinas ay ang Priority Development Assistance Fund(PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel. Hindi nga dapat para sa akin na ang mga legislator na humawak ng pondo. Hayaan na lamang sa Executive ang pondo. Ano ngayon ang magiging trabaho ng legislative? Taga-gawa ng batas, Taga-harang at Taga-apruba ng pondo na hinihiling ng executive para sa kaniyang project. Minsan kasi may project si executive, may project din si legislator magkakontra, na minsan ay dahilan pa ng away. Ngayon kung gusto niya pa rin magpa-project ay sarili niyang pera. Hindi para pag-laanan pa siya ng pamahalaan ng pera ng pamahalaan. Bigyan lamang siya ng nauukol na sweldo. Pero pondo huwag na. Nalalaman ng lahat kung saan napupunta ang iba. Napakarami sanang pera ng Pilipnas, kaso na sa Kongreso at Senado lang, hindi pa kasali ang board member, konsehal, kagawad na may pondo rin. Dapat talaga na sa executive ang pera. Legislators should have powers but not funds.
III. PAHABAIN ANG TERMINO
Sa papaanong paraan nga pahahabain ang termino. Dati nga ay naisip ko ay ipareha sa Amerika, 2 term ang Pangulo 6 year per term. Kung incumbent naman ang tatakbo, once he runs and not able to win the elections, his/her suppose second term is already consumed if President siya. Ngunit may mas naisip akong mas maganda. Kapareho lang ng dati ngunit gagawing times two, papaano yun? Yung dating 6 years gagawing 12 years, at ang dating 3 years ng local ay gagawing 6 years. Bakit nga pahahabain? Dahil na-oobserbahan ko kauupo pa lang, iniintindi na ang sususnod na eleksyon, dahil sa ikli ng panahon. At dahil din sa kaiklian ng panahon ay mas kakaunti rin ang nagagawa kung meron man sa lokal at national. At kung mahaba rin ang termino ng pulitiko tiyak sa tagal ay mga mas bago na ang papalit. Makakita tiyak ng pagbabago.
IV. ELEKSYON
Sa eleksyon ay meron akong dalawang punto.
   POINT A. Survey
Hindi nga dapat magkaroon ng survey sa kahit anomang paraan sa panahon ng eleksyon, nagsisilbing mind conditioning sa mga tao. Hayaan na makaman ang katotohanan sa halalan na lang.
   POINT B. Privacy
Nakita ko nga sa Amerika, sa TV, tuwing eleksyon nila ay may private booth tuwing eleksyon. Sa atin walang ka-privacy-privacy. May nakita ako nung bumoto ako, nagkokopyahan. At maaari itong makita nung mga alagad nung pulitiko. Gaya nung nangyari dito sa amin. Yung isang pulitiko may scholarship program, tumakbo sa isang posisyong lokal. Nalaman na yung ibang nakikinabang sa kaniyang scholarship, ay ibinoto yung kabila, tinanggalan ng scholarship, eh college. Dapat talaga may privacy, para huwag mangyari ang gaya nito.
Ito po yung mga mali at ang mga kaakibat nitong solusyon sa pulitika ng ating bansa.