Eleksyon na mga kababayan, may iboboto ka na ba? Sino-sino sila?
Lagi namang ganoon walang nangyayari kahit sino manalo, si Tarpulano man o si Procopio. Ano ba ang dapat gawin sa sistema ng pulitika ng Pilipinas. Ito nga ang mga inaakala kong mga solusyon sa mga problemang pulitikal ng bansa.
I. DESTROY POLITICAL DYNASTIES
Isa nga sa mga mali ng political system natin ay ang napakaraming political dynasties. Ngunit may argumento sila na ibinoboto naman sila ng mga tao. Papaano silang hindi iboboto eh walang choice. Sila-sila lang rin ang nagpapalitan. Ngunit sa kasamaang palad ay walang provision sa batas na nagbabawal sa mga politika. Papaano nga masusolusyonan ito simple lang. Pagbawalan sa batas na tumakbong sabay-sabay ang mga magkakamag-anak na malapit up to the 10th degree kung maaari. At barred tumakbo ang kamag-anak matapos ang termino ng isang pultiko ng isang termino.
II. TANGGALIN ANG PONDO SA LEGISLATIVE
Isa sa dahilan ng korapsyon sa Pilipinas ay ang Priority Development Assistance Fund(PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel. Hindi nga dapat para sa akin na ang mga legislator na humawak ng pondo. Hayaan na lamang sa Executive ang pondo. Ano ngayon ang magiging trabaho ng legislative? Taga-gawa ng batas, Taga-harang at Taga-apruba ng pondo na hinihiling ng executive para sa kaniyang project. Minsan kasi may project si executive, may project din si legislator magkakontra, na minsan ay dahilan pa ng away. Ngayon kung gusto niya pa rin magpa-project ay sarili niyang pera. Hindi para pag-laanan pa siya ng pamahalaan ng pera ng pamahalaan. Bigyan lamang siya ng nauukol na sweldo. Pero pondo huwag na. Nalalaman ng lahat kung saan napupunta ang iba. Napakarami sanang pera ng Pilipnas, kaso na sa Kongreso at Senado lang, hindi pa kasali ang board member, konsehal, kagawad na may pondo rin. Dapat talaga na sa executive ang pera. Legislators should have powers but not funds.
III. PAHABAIN ANG TERMINO
Sa papaanong paraan nga pahahabain ang termino. Dati nga ay naisip ko ay ipareha sa Amerika, 2 term ang Pangulo 6 year per term. Kung incumbent naman ang tatakbo, once he runs and not able to win the elections, his/her suppose second term is already consumed if President siya. Ngunit may mas naisip akong mas maganda. Kapareho lang ng dati ngunit gagawing times two, papaano yun? Yung dating 6 years gagawing 12 years, at ang dating 3 years ng local ay gagawing 6 years. Bakit nga pahahabain? Dahil na-oobserbahan ko kauupo pa lang, iniintindi na ang sususnod na eleksyon, dahil sa ikli ng panahon. At dahil din sa kaiklian ng panahon ay mas kakaunti rin ang nagagawa kung meron man sa lokal at national. At kung mahaba rin ang termino ng pulitiko tiyak sa tagal ay mga mas bago na ang papalit. Makakita tiyak ng pagbabago.
IV. ELEKSYON
Sa eleksyon ay meron akong dalawang punto.
POINT A. Survey
Hindi nga dapat magkaroon ng survey sa kahit anomang paraan sa panahon ng eleksyon, nagsisilbing mind conditioning sa mga tao. Hayaan na makaman ang katotohanan sa halalan na lang.
POINT B. Privacy
Nakita ko nga sa Amerika, sa TV, tuwing eleksyon nila ay may private booth tuwing eleksyon. Sa atin walang ka-privacy-privacy. May nakita ako nung bumoto ako, nagkokopyahan. At maaari itong makita nung mga alagad nung pulitiko. Gaya nung nangyari dito sa amin. Yung isang pulitiko may scholarship program, tumakbo sa isang posisyong lokal. Nalaman na yung ibang nakikinabang sa kaniyang scholarship, ay ibinoto yung kabila, tinanggalan ng scholarship, eh college. Dapat talaga may privacy, para huwag mangyari ang gaya nito.
Ito po yung mga mali at ang mga kaakibat nitong solusyon sa pulitika ng ating bansa.
The Aquino oligarchy can be probably the most noted problem we have in the country right now. We might be breaking the world record with these political dynasties next time.
TumugonBurahinHmmm, what's new? But let's focus more on the positive side. We are a free country that exercises the right of suffrage. Other countries are not as lucky as we are.
TumugonBurahinThe truth is... we can only wish for immediate resolutions regarding these political issues but I'm afraid, NOBODY has the power to make the changes instantly.
TumugonBurahinDapat wala ng pork barrel kungdi based sa budget na lang per project so if wala pera, wala din project.
TumugonBurahinAng pagbabago ay nasa atin din. Evident naman na ang mga poblema. Wala man tayong gaanong kapangyarihan para mapuksa ang mga mali sa gobyerno, but the little changes can come from us.
TumugonBurahinI am anti political dynasty but I don't the current term limit should be changed. Pork barrel has to go and legislators should focus on their making laws.
TumugonBurahinFor my own point of view. the Philippine government today isa much more better that the last 6 years of administration. ..
TumugonBurahinsuper hirap mag choose sino dapat ang i vote kasi lahat sila merong mga problems at mga hidden agenda :/
TumugonBurahinNawa'y ang susunod na eleksyon ay mas matahimik kaysa nakaraan. I also hope that people learned their lessons from the previous system of governance ng mga maling pulitikong nailuklok nila.
TumugonBurahinVoters much also be responsible during elections.. Yung politics naman, it depends din kasi sa pulitiko involved. We can't generalize things.
TumugonBurahinI totally agree with #2, the question is if it should happen meron pa kaya kakandidato especially sa mga legislators position?
TumugonBurahinYes to number #1. It's rather sick that these guys claim that having multiple family members in office is just okay when we all know where it leads to.
TumugonBurahinBetter said than done. I believe para magkaroon ng pagbabago sa political system natin. Dapat, gayahin natin ang story ng pagpasok ng mga Israelita doon sa "Promise Land".
TumugonBurahinNaging kalakaran na talaga ng Pilipino ang bumuto sa kung sino ang sikat at ini indorso ng mga sikat na tao. Kawawa ang mga tumatakbong hind connected sa Political Dynasty. Hahay, only in the Philippines!
TumugonBurahinIt all boils down to one thing: MARAMI SA ATIN WALANG PAGMAMAHAL SA SARILI NATING BAYAN, pulitiko man o ordinaryong tao.
TumugonBurahin*REPOST* I super agree with Ms. Mai. There are things that we just cannot control. Change starts with us :)
TumugonBurahin