Martes, Setyembre 1, 2015

MY PRESIDENT IN 2016

Sila nga ang apat na matunog na pangalan na maaaring kumandidato sa pagka-Pangulo ng Bansa. Si Duterte, Si Roxas, Si Poe, at si Binay. Ang tanong na lang ay sino ang iboboto ko? Dati ay may tila manok na ako sa kung sino ang gusto kong umupo sa Malacanang. Ngunit dahil sa mga pangyayaring kasalukuyan. Ay tila nagkaroon ako ng change of heart.
Ano ba ang criteria ko sa gusto kong maupo sa Malacanang. Una ay Pro-US at Anti-China. Kailangan ngang ang susunod na Pangulo ay manatiling Pro-US. Gaya ng kasalukuyang administrasyon. Ang atin ay atin dapat. At mukhang si Roxas lang ang may ganitong stand kaysa sa lahat ng apat na ito. Si Binay naman ay tila gustong ibenta ang bansa sa mga Tsina. Sinabi niya daw na: China had the money, we need capital. Ano ang ibig sabihin noon?
Ikalawa ay yung may nagawa na. Si Binay, sabi niya kaya daw yumaman ang Makati, dahil sa kaniya. Na pinabubulaanan naman ng maraming mga kritiko. Si Roxas naman ay na-aakusahang palpak sa maraming bagay. Yolanda, MRT, Mamasapano, atbp. Si Poe bago pa lang sa pulitika, kaya wala pa masyado. Si Duterte naman ay nabago ang Davao. Mula sa murder capital ata noon, to the one of the safest city in the world.
Kung survey nga ang titignan ang posibleng manalo ay nasa pagitan lamang ng tatlong tao. Ito nga ay umiikot kay Binay, Poe, at Duterte. Hindi nga maaaring balewalain ang pangatlo sa survey dahil kadalasan unti-unti itong umaangat habang lumalapit ang botohan. Gaya na lamang noon na si Binay ang Pangatlo sa VP race, ngunit siya pang nanalo. Si Erap na pangatlo rin nang malayo pa ang eleksyon. Siya namang pumangalawa sa bilangan. At si Roxas ay tila walang kapag-a pag-asa na manalo. Dahil na sa pang-apat siya
Ngunit gaya ng laging sinasabi ng aking ina. Bago mag-eleksyon ay laging mayroong mangyayari na babago sa maaring maging landscape ng halalan. Kung papaanong noon na ang naglalaban lang sana sa Survey ay sila De Castro, Estrada, at Villar sa mga maaaring maging Pangulo noong 2008. Pero biglang pumanaw si Cory Aquino, at ipinasok si Noynoy sa naging landscape ng eleksyon, at nanalo pa bilang Pangulo. May ganoon din daw na mangyayari ngayon. At sa palagay ko ay tila naganap na ito.
                       
Nag rally nga ang mga Iglesia ni Cristo sa EDSA Shaw. Ito nga ay dahil sa pagrereklamo ni Isaias Samson, dating ministro, at editor ng Pasugo magazine ng INC sa DOJ ng illegal detention laban sa Sanggunian ng INC. Binarahan nga nila EDSA na ikina-inis ng maraming mga tao. Ngunit dahil sa sinasabing bloc voting ng mga politiko ay sumipsip nga sila Poe at Binay.
Tanging si Roxas lang ang nagsalita na may sense. May karapatan nga kayong mag-rally pero wala kayong karapatang mamerwisyo. Yun ang sinabi niya. And for that, I salute you Mr. Secretary. Si Duterte naman ay gumitna sa isyu

For as long as the public is also given equal right to the court and the terminal, if that is assured, then the members...
Posted by Rody Duterte on Sunday, August 30, 2015
Tila kasi hindi naiintindihan ng mga politikong iba ang tunay na isyu ng INC. Hindi po iyan isyu ng paniniwala. Ginagawang sanggalang ng sanggunian nila ang mga kaanib nila dahil nga sa isinampang kaso ni Isaias Samson. Which is overacting, dahil wala pa namang ginagawa si Secretary Leila De Lima kundi dinggin ang reklamo. At kung sakali na inaksyunan nga ni Sec. De Lima at may warrant of arrest talaga, bagama't hindi iyon ang tunay na pangyayari na siyang kumalat sa mga kaanib ng Iglesia ni Cristo. Hindi ba't ang ginawa nila ay maliwanag na obstruction of justice? At hindi lang obstruction of justice, road obstruction pa!
Ngayon sino nga ang aking Pangulo. Dati kasi its either Grace Poe, or Duterte. Pero dahil sa pagpanig ni Poe sa mga Iglesia ni Cristo. Natanggal na siya sa listahan. Pumalit sa kaniya si Roxas. Still undecided pa rin ako pero narrowed na ang choice ko sa pagitan ni Roxas at Duterte

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento