Sabado, Enero 6, 2024

299

 


This is my first article of the year, for it's first week. 

Hinati nga ang bansa ng isyung ito, sa mga unang araw nang taong 2024. Ang tinutukoy ko nga ay hindi patungkol, sa biglang bawi ni BBM sa kaniyang stand sa ICC, kundi ang engagement ring na nagkakahalagang 299 pesos.


Ang take ko dito ay ganito. Una, dapat hindi na ito pinost kung sinoman si girl. Ika nga sa narinig ko sa Tiktok, na nagkomentaryo din sa isyung ito. Don't wash your dirty linen in public. Ito ay dapat between you two. Ngayon pinahiya ni girl, kapwa sarili niya pati yung boyfriend niya ng 8 taon.

Hindi ko ganap na ma-condemn si boy. Dahil hindi natin alam ang kwento niya. Pero eto kung mayaman siya, at ganoon lang binili, cheap siya. Pero baka mamaya ay breadwinner, buong angkan ang dinadala, at yung mga kaangkan naman, na hindi naman na tatay, nanay, at kapatid, ay walanghiya at nagpapapasan din. Sana naman ay maging maunawain sa girl, at hindi yung self-importance niya lang ang inisip.

Yung statement niya kasi, puro papunta sa sarili niya. Na tila ba kaapihan yung sinapit niya. Alalahanin natin, mahirap na buhay. Mahal na pamasahe, gasolina, bigas na hindi napababa ni Marcos. At baka magkagera pa, na laban sa atin, o malapit sa atin, either way, parehong hindi maganda iyon. Tapos yun pa ang iniintindi?

Hindi ba sapat na minahal ka ng 8 taon? At nangangako na mamahalin ka pa niya sa mga susunod na taon, bilang kaniyang asawa. Naiirita lang ako, na ginagawang isyu yang singsing. Eto baka ko lang ito. Paano kung inuna niya yung magiging bahay niyo, yung washing machine mo. Wala kasi akong nakitang babae, na may asawa doon sa mga may tamang kinikita lang. Hindi kasali yung mga alta se ciudad, na binigyan ng washing machine, at hindi natuwa. Paaano kung inuna yung ref? To make it short, paano kung may inuna lang na mas mahalaga, kesa doon. But that's only my hypothetical scenarios.

Pag may karelasyon tayo, eto cut both sides to. Hindi na pwedeng si ako, si ako. Dapat si siya, o si tayo. Para sagutin si ate girl. Oo immature ka pa, iignore mo, kung gusto mong magtuloy pa kayo. At bakit ka naninilip ng cellphone? Kahit pa may relasyon kayo, dapat may privacy pa rin. At mag-sorry ka sa boyfriend mo. Ipinahiya mo siya sa buong sangka-Facebookan, buong mundo. Kahit pa hindi ka nagpakilala, makakarating at makakarating to sa kaniya. Mabuti nang ikaw ang magsabi, kesa malaman niya sa iba. 

Girl, hindi ko lang maiwasang mairita, naka-eight years kayo, tapos gumawa ka ng isyu, na maari kayong hindi makarating sa nine. Magalit na yung iba, o magalit ka na rin. Singsing lang yan. May ibang bagay na mas mahalaga, within sa relasyon niyo. Sabi nga sa My Little Prince: Here is my secret, a very simple secret: It is only with the heart that one can see rightly; what is essential is invisible to the eye. Ano yung essential na minsan hindi kita ng mata, pero alam mo sa puso na nandoon. Love, Pag-ibig, Amor, Sarang. Alam mo iyon, kung gaano ka niya kamahal. Yun ang pahalagahan mo.

Bilang closing, eto pag-isipan mo ate. Naniniwala ako si Song Joong Ki, binigyan din ng engagement ring si Song Hye-kyo. Naniniwala akong hindi yun 299 pesos. At saka may shipping fee pa yun ate. 130 plus kung shoppee. Balik tayo kay Song Hye Kyo. Nabigyan yun, at pinakasalan. Nasaan na siya ngayon? May career pa rin naman, pero kahit anong ngiti niya, yung aura niya malungkot siya. Hindi singsing ang pinakabatayan. Yun lang.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento