Miyerkules, Pebrero 23, 2011

EDSA

February 25, 1986, tuluyang bumagsak ang rehimeng Marcos, na ang idinulot sa ating bansa ay pawang pasakit. Ngunit tila baga nawawalan ng halaga ang mga ipinaglaban at kinamatay ng ating bayani na si Ninoy Aquino.

Nakabalik na nga sa pamahalaan ang pamilya Marcos, at binabalak pa naipalibing sa libingan ng mga bayani ang dating diktador. Kung mangyayari nga ito, ay dapat ipagtayo na rin natin si Hitler ng bantayog sa Alemanya.

Hindi nga totoo ang claim ng Senador Bongbong Marcos, na parang Singapore na tayo ngayon kung nanatili ang kaniyang ama, bagkus ay magiging North Korea na ang Pilipinas, dahil sa paglaganap ng Komunismo noon sa bansa.

Ang mga puwersang nilabanan noon ay nagbalik na muli: mga pagpatay, kawalan ng hustisya, kahirapan, korapsyon, at pagsikil ng kalayaan sa pamamahayag, higit nga itong nasaksihan ng bansa nitong nakaraang administrasyon.

Buti na lang at nahalal ang anak ng mga bayani, na si Presidente Noynoy Aquino. Nawa ay tahakin niya talaga ang kaniyang sinasabi na tuwid na landas. Gaya din ng ginawa ng kaniyang ina, ay ayusin niya ang linya ng kaniyang mga kalihim, gaya ng ginawa ng kaniyang ina ay pagbayarin at singilin ang mga nagpahirap sa bansa, kumain ng kabang yaman ng bansa, gamit ang lahat ng kapangyarihang mayroon siya.


Lagi nawa sanang manatili sa atin ang diwa ng EDSA.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento