Kilusang Bagong Lipunan, Nationalsozialistiche Deutsche Arbetei Partei, ano ang pangkaraniwan sa kanila? Ito nga ang mga partido politikal ng mga diktador na si Ferdinand Marcos, at Adolf Hitler.
Dahil nga sa galit ng mga Pilipino noon sa dating Pangulong Marcos, ay naikikukumpara siya sa sinasabi ng kasaysayan na Dakilang Diktador na si Adolf Hitler.
Kapantay nga ba ni Hitler si Marcos? May pagkakaiba ba sila? Ano nga ang parehong nangyari sa kanila?
Isa nga sa parehong nangyari sa kanila, ay kapuwa sila bumagsak. Ngunit balikan muna natin ang kanilang umpisa.
Nag-umpisa nga si Hitler, na nangangaral ng galit sa pagkatalo ng Alemanya sa mga Alyadong bansa, at sa mga komunista, na mahigpit nilang kalaban sa politika. Nag umpisa nga ang mga Nazi na pitong miyembro lamang, isa nga dito ay ang dating sundalo, na si Adolf Hitler, na di naglaon ay naging pinuno nito.
Gaya ni Hitler, si Marcos ay isa ring sundalo na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang magaling na politiko, at masasabi na isa sa pinakamagaling na pangulo ng Pilipinas. Bago nga tumakbo sa pagka-pangulo, siya ay nasa Partido Liberal. Si Pangulong Diosdado nga ay nagdadalawang isip noon, kung tatakbo pa uli sa pagka-pangulo. Nang tumakbo si Marcos ay lumipat siya sa Partido Nacionalista, na katunog ng partido ni Hitler na Nationalsozialistiche, o higit na kilala bilang Nazi Party. Tinalo niya nga ang Pangulong Diosdado Macapagal.
1933, tumakbo si Hitler bilang Pangulo ng Alemanya, nakalaban niya si Paul von Hindenburg, ang incumbent na pangulo ng mga panahong iyon. Natalo nga si Hitler sa halalan. Ngunit dahil sa pakikipag-usap ng mga kaalyado ni Hitler sa mga nasa pamahalaan, ay nagkaroon ng isang pangyayari. Biglang naging Chancellor ng Alemanya si Hitler.
Habang nasa puwesto si Hitler, ay pinasunog niya ang Reichstag ng Alemanya, sinisi niya ang mga komunista, naging dahil ng pagkatanggal ng kanilang representante sa gobyerno, pati na rin ng mga sosyalista. Nakontrol ng mga Nazi ang pamahalaan, ginawa nilang diktador si Hitler, Nang mamatay nga si Hindenburg noong Agosto 2, 1934 ay napag- isa ang kapangyarihan ng Presidente at Chancellor, lalo ngang lumakas si Hitler. Natamo niya ang titulong der Fuhrer
Kahawig naman ng pangyayari sa Pilipinas noong Setyembre 21, 1972, nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar sa buong Pilipinas, sa pamamagitan ng Proclamation 1081. Ipinakulong niya lahat ng kumakalaban sa sa gobyerno. Isa na nga dito si Benigno S. Aquino Jr., o mas kilala sa tawag na "Ninoy". Siya nga ang magiging tinik sa pamamahala ni Marcos. Its Ninoy vs. Macoy
Sa ilalim ng Batas Militar, nakita ang pagka-Hitler ni Marcos. Isa nga sa pinaniniwalaan ni Marcos ay ang pananaw ni Joseph Goebells, na propagandista ni Hitler na "Kasinungalingan, kung paulit-ulit mong sabihin na katotohanan, ay magiging katotohanan" something like that. Ito nga ng ginawa niya kay Ninoy paulit-ulit niyang sinabi na si Ninoy ay isang Komunista, upang sirain siya sa mga tao.
Kinuha rin nga ni Marcos ang ideya ng concentration camps, na naging tanyag ng ginamit ito ni Hitler sa mga kumakalaban sa kaniya, lalo na sa mga Hudyo. Bagaman hindi si Hitler ang umimbento nito. Naranasan nga nila Senador Ninoy at Senador Pepe Diokno ang mala concentration camp na kulungan sa Laur, Nueva Ecija, ang Fort Magsaysay.
Marami ngang nawalang tao sa panahon ng batas militar, at nalabag ang mga karapatang pantao. Si Hitler naman ay talamak ang pagpatay sa mga kaaway nila, lalo na sa mga Hudyo, ito nga ang Holocaust.
May isa ngang pangkaraniwang kaaway itong si Hitler at Marcos, ang Komunismo, Habang pinalalakas ni Hitler ang Nazi Party, ang mga komunista ang naging pinakamatindi nilang kaaway sa loob ng Alemanya. Lalo pa ngang lumaki ang galit ng mga komunista kay Hitler ng salakayin niya ang Soviet Union.
Ang mga komunista naman sa bansa ang sinasabi na isa sa mga dahilan sa pagkakadeklara ng batas militar sa Pilipinas. Ngunit ang katotohanan nito ay para lamang pahabain at patagalin sa puwesto si Marcos. Sinakyan niya lamang ang mga pangyayari noon. Sa halip na humina, ay lalong lumakas ang mga kilusang komunista sa bansa sa ilalim ng batas militar. Mula 300 ay lumago ito sa 24,000 NPA regulars. Ginapi naman ng Soviet Union ang Nazi Germany noong 1945, sa pamumuno ni Joseph Stalin.
Maihahambing naman ang Britain sa pamumuno ni Winston Churchill, kay Benigno S. Aquino Jr. . Pinahirapan ni Hitler ang Britanya, ngunit hindi niya tuluyang tinapos, gaya rin ni Ninoy. Pinahirapan siya ni Marcos, ngunit hindi siya natalo sa lahat ng paraan. Ang kamatayan pa nga ni Ninoy ang masasabi ko, na pinakamalaking tagumpay niya sa labanan nilang dalawa. Si Ninoy at ang Britanya ay nagsilbing tinik sa mga diktador na ito, at naging instrumento sa kanilang pagbagsak.
Ang pagkakaiba naman ni Hitler at Marcos. Si Hitler ay kaaway ng Estados Unidos, habang si Marcos ay kanilang kapanalig. Marahil ay para mapanatili ang mga base militar nila sa bansa noon. Ngunit di naglaon ay bintiwan din siya ng Estados Unidos, kaya't napuwersa siyang magbitiw sa katungkulan bilang Pangulo noong Pebrero 25, 1986.
Bagaman parehong diktador, hindi pa rin masasabi na kasing-sama ni Hitler si Marcos. Ibig nga ni Fabian Ver, Chief of Staff ng AFP na i disperse ang noo'y People Power Revolution, ngunit ang bilin ni Macoy, "Disperse them, without shooting them". Ano kaya ang nangyari kung si Hitler ang Pangulo?
Si Hitler nga ay suportado ng Alemanya hanggang sa huli. Si Marcos naman ay inayawan ng mga Pilipino mula ng mapatay si Ninoy sa tarmac noong Agosto 21, 1983, na nagresulta sa People Power Revolution.
Sa kanilang mga huling araw nga sa kapangyarihan, si Hitler nang kaniyang kaarawan, Abril 20, 1945, ay lumabas at nagpakita sa huling pagkakataon. Binigyan niya ng parangal ang mga bata na lumalaban para sa kaniya at sa Alemanya. Maihahambing nga ito sa panunumpa ni Marcos bilang Pangulo noong Pebrero 25, 1986 sa Malacanang, ngunit biglang umalis din ng bansa pagkatapos noon. Both is a last bit of showmanship.
Isang aral nga sa mga diktador. Sa kasalukuyan nga ay may nagaganap na mga pag-aalsa sa Gitnang Silangan laban sa mga pamahalaang diktador. Isa nga sa mga napatalsik ay si Hosni Mubarak ng Egypt.Wala ngang diktador na nanatili, hindi nga natitiis ng tao ang authoritarianism at totalitarianism. Lahat nga sila, kung hindi man ay ang karamihan ay napunta sa pagkabagsak. Dalawa nga sa mga ito ay si Marcos at si Hitler.
ayus itong blog mo parekoy! masundan nga kita. \m/
TumugonBurahin