Dahil nga sa mga kaganapan sa Gitnang Silangan, ang mga lider ng bansang
Masasabing ang nangyayari sa Gitnang Silangan, ay ang mga pag-aalsa laban sa mga diktador. Gaya na lamang ni Hosni Mubarak ng Egypt, na namuno ng mahigit 30 taon, at ni Muammar al-Gaddafi, na namuno ng 41 taon sa bansang Libya, at nanatili pa rin hanggang sa ngayon. Ang North Korea nga mula ng matatag noong 1948, ay mayroon pa lamang dalawang lider, na pawang mga diktador, ito nga si Kim Il-Sung at Kim Jong-Il na mag-ama.
Bakit nga dapat kabahan ang mga lider ng North Korea ? Nito nga lamang mga nakakaraang Nobyembre taong 2010, ay sinalakay ng North Korea, ang Yeonpyeong Islands, isang parte ng South Korea, na nagbunga nga ng masamang reaksyon sa South Korea at maging sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-alsa ang mga tao sa loob ng North Korea , maaari nga itong samantalahin ng South Korea at sakupin ang kanilang bansa.
Wala ring maraming kakamping bansa at may diplomatikong relasyon ang North Korea . Ang isa sa itinuturing nilang kakampi ay ang China , na kakampi rin naman ng Estados Unidos ngayon. Hindi nga maaasahan ng mga lider ng North Korea ang pagtugon ng China na gaya ng ginawa ni Mao Zedong noon. Sa tingin ko ay wala pang bansa sa ngayon na magtatangkang lumaban sa Estados Unidos sa digmaan.
Hindi nga rin sasapitin ni Kim Jong-Il ang sinapit ni Marcos, na tinanggap with open hands ng Estados Unidos matapos mapatalsik sa Pilipinas bilang pangulo. Dahil hindi kaalyadong bansa ng Estados Unidos ang North Korea , o ng kahit anomang bansa sa mundo ay hindi tatanggapin si Kim Jong-Il. Si Marcos nga ay pro-America, hindi gaya ni Kim Jong-Il, na iniaaral pa sa mga mamamayan niya ang galit laban sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-aalsa, ay uumpisahan ang mahabang pag-uusig laban kay Kim Jong-Il ng United Nations. Sa madaling salita ay walang pupuntahan si Kim Jong-Il.
Mahina na rin ang Great Leader ng North Korea , siya nga ay napabalitang may pancreatic cancer.
May posibilidad ba na mangyari din sa North Korea ang mga nagaganap sa Gitnang Silangan? Ang porsyento nga posibilidad ay napakaliit, dahil ang bansa nila ay nakasarado sa mundo, marahil ay hindi alam ng mga mamamayan nila na nagkakagulo na sa ibang bansa, ni wala nga sigurong Facebook sa North Korea na malaki ang naging tulong sa tagumpay ng mga pag-aalsa sa Egypt. Tanging ang mga nasa pamahalaan lamang ang nakakaalam ng nangyayari sa labas.
Ngunit wala pa ring makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Taon din ang binilang bago sumiklab ang pag-aalsa sa Berlin Wall, sa Germany, sa Czechoslovakia, huwag na tayong lumayo, sa Pilipinas, ilang taon ba ang agwat ng 1972 at 1986?, ang Libya, ang Egypt, dekada ang binilang bago pumutok ang mga pag-aalsa. Ilang taon na ba ang lumipas mula noong 1948 hanggang sa ngayon?
Isa nga sa mabuting idudulot nito kung sakali man ang North Korea ay magagaya sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ay ang posibilidad na maging isa muli ang dalawang Korea , gaya ng nangyari noon. Napag-isa ng Shilla, ang Baekje at Goguryeo sa ilalim nila. May history repeats itself again this time.
Bawat pagtitiis ay may hangganan, walang permanente sa mundo. The only permanent thing in this world is change. Darating at darating din yan, sana.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento