Nitong mga nakakaraang mga linggo, ang Davao City, ang siyudad na tanyag sa Durian, ang siyudad kung saan matatanaw ang Mt. Apo, at ang siyudad na tinagurian ding "Typhoon Free" City, ay naging laman ng mga balita na umalingawngaw sa buong Pilipinas.
Una, dahil sa biglaang, malakihang pagbaha, na naganap sa dako ng Matina Pangi, at mga mga katabing lugar, na kumitil ng maraming tao, sumira ng maraming tahanan, at mga kabuhayan.
Na sinundan nga kaagad ng isang demolisyon sa Barangay Tomas Monteverde, Agdao. Dito nga naganap ang tinatawag ko na "Mayors Punch" with 3 hits or 4, ni Mayor "Inday" Sara Duterte, na sinalo lahat ni Sheriff Abe Andres, ang nanguna sa nasabing demolisyon. Umani nga ang alkalde ng mga papuri, at karamihan ay batikos, mula sa mga hindi taga Davao City, at gayon din naman sa loob ng siyudad.
Hindi nga maaaring hindi makialam ang ama ng siyudad, at ama ng alkalde na si Vice Mayor Rodrigo Duterte. The attacks on her daughter of the columnist and broadcasters infuriated him, pati ng mga pahayag ni Midas Marquez, na "missing" daw diumano si Sheriff Abe, matapos ng araw na iyon, na lumitaw din naman pagkalipas ng ilang araw na buhay, Sa galit nga niya ay bumalalas sa mga media, ang dirty finger, na tinagurian na ng iba na "Duterte Finger". Pati nga ang konsehal Paolo Duterte ay nagpakita rin noon sa mga media. Pinuna nga ito ni CHR Chairman Etta Rosales, verbal abuse daw. Ngayong araw nga na isinusulat ko ito, July 11, 2011, ay sinampahan ng disbarment case si Mayor Sara Duterte.
Ang tanong, mali ba ang aksyon ng mga Duterte? Sa mababaw na aspeto ay mali. Mali ang manuntok, mali ang mag dirty finger.
Ngunit kung titignan mo ito sa malalim na aspeto, Ang tinatawag na "Greatest Good for the Greatest Number" which is democracy, according to what Vice Mayor Rodrigo Duterte said, I quote it in his program "Gikan sa Masa, Para sa Masa(Galing sa Masa, Para sa Masa)". Mas maganda na, na ang nasuntok ay si Sheriff Abe Andres lamang, kaysa mas maraming tao ang nasaktan, sa panig ng mga dinedemolis at ng mga awtoridad, kung nagpatuloy ang demolisyon.
Ito nga rin ang isa sa problema na hindi napapansin ng mga awtoridad. Before every demolition happens against the informal settlers nowadays, ay may mga militanteng grupo, mga komunista sa madaling salita, at sa aking paniniwala, na nanunulsol sa mga nakatira doon na lumaban, tinuturuan ng pagsasanggalang laban sa mga anti riot police. Tignan nyo na lang ang nangyari sa Laperal Compound sa Makati. Hindi ba maaaring sampahan ng kaso ang mga militanteng grupong ito? hindi ba malinaw na rebellion ang ginagawa nila? Magaling lang sila pag may demolisyon, ngunit pagkatapos ng gulo, wala na sila, ni anino wala kang makita. Marami ng demolisyon nang nakaraan na hindi magulo, ngunit ang mga demolisyon ngayon ay mas magulo dahil sa mga militanteng grupong ito.
Unawain na lang natin ang kalagayan ng Mayor ng Davao. Inaasikaso niya ang problema ng mga binaha sa Matina Pangi. Humingi siya ng dalawang oras na palugid sa Sheriff ngunit hindi siya pinagbigyan. Duterte na yan, hindi mo pa pinakinggan. Ikaw man si Mayor masusuntok mo siguro.
Im proud of our Mayor "Inday" Sara Duterte, we will support you all the way.
Dumako naman tayo sa ginawa ni Vice Mayor Rodrigo Duterte, na pag-dirty finger sa mga kawani ng media at mga kolumnista. Iyon nga ay pagpapakita lamang ng galit ni Vice Mayor. Mas maganda ng ganoon.(Ito nga yung parte na natatakot kong isulat pa, ngunit isusulat ko na rin.)
Mas maganda ng ganoon ang paraan, kaysa iba, alam nyo na kung bakit, hindi ko na lilinawin, ang clue ko na lang, si Jun Pala. Sa mga hindi nakakakilala, si Jun Pala, ay malupit na kritiko ni Vice Mayor noong Mayor pa siya. Tatlo o apat na beses tinangkang patayin at napatay sa pinakahuling pagtatangka. Sino nga ang pumatay? Wala akong sinasabi, hindi ko alam, at ayaw kong alamin, kung gusto niyong alamin, tanungin niyo ang mga taga Davao City, at huwag akong isali. Hindi po ako Anti Duterte, Pro po ako.
Karapatan ni Vice Mayor na magalit, araw-arawin ka ba naman sa balita, puro negatibo ang naririnig mo, magagalit ka rin at mapupuno. Darating din ang panahon na hindi na pag-uusapan ito, ngunit nakakatatak na ito sa kasaysayan. The Fist, The Finger, The End.
i salute both of them for the strong will na pinakita nila about their governance. sana lang less violence tayo.
TumugonBurahinlike your post.