Biyernes, Marso 4, 2011

NORTH KOREA, SUSUNOD NA?


Dahil nga sa mga kaganapan sa Gitnang Silangan, ang mga lider ng bansang North Korea ay tila kinakabahan na. Bigla nga silang pumuri sa mga kabataan sa kanilang bansa, at nagpakita ng kaisahan ng mga namamahala.


Masasabing ang nangyayari sa Gitnang Silangan, ay ang mga pag-aalsa laban sa mga diktador. Gaya na lamang ni Hosni Mubarak ng Egypt, na namuno ng mahigit 30 taon, at ni Muammar al-Gaddafi, na namuno ng 41 taon sa bansang Libya, at nanatili pa rin hanggang sa ngayon. Ang North Korea nga mula ng matatag noong 1948, ay mayroon pa lamang dalawang lider, na pawang mga diktador, ito nga si Kim Il-Sung at Kim Jong-Il na mag-ama.

Bakit nga dapat kabahan ang mga lider ng North Korea? Nito nga lamang mga nakakaraang Nobyembre taong 2010, ay sinalakay ng North Korea, ang Yeonpyeong Islands, isang parte ng South Korea, na nagbunga nga ng masamang reaksyon sa South Korea at maging sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-alsa ang mga tao sa loob ng North Korea, maaari nga itong samantalahin ng South Korea at sakupin ang kanilang bansa.

Wala ring maraming kakamping bansa at may diplomatikong relasyon ang North Korea. Ang isa sa itinuturing nilang kakampi ay ang China, na kakampi rin naman ng Estados Unidos ngayon. Hindi nga maaasahan ng mga lider ng North Korea ang pagtugon ng China na gaya ng ginawa ni Mao Zedong noon. Sa tingin ko ay wala pang bansa sa ngayon na magtatangkang lumaban sa Estados Unidos sa digmaan.

Hindi nga rin sasapitin ni Kim Jong-Il ang sinapit ni Marcos, na tinanggap with open hands ng Estados Unidos matapos mapatalsik sa Pilipinas bilang pangulo. Dahil hindi kaalyadong bansa ng Estados Unidos ang North Korea, o ng kahit anomang bansa sa mundo ay hindi tatanggapin si Kim Jong-Il. Si Marcos nga ay pro-America, hindi gaya ni Kim Jong-Il, na iniaaral pa sa mga mamamayan niya ang galit laban sa Estados Unidos. Kung sakali ngang mag-aalsa, ay uumpisahan ang mahabang pag-uusig laban kay Kim Jong-Il ng United Nations. Sa madaling salita ay walang pupuntahan si Kim Jong-Il.

Mahina na rin ang  Great Leader ng North Korea, siya nga ay napabalitang may pancreatic cancer.

May posibilidad ba na mangyari din sa North Korea ang mga nagaganap sa Gitnang Silangan? Ang  porsyento nga posibilidad ay napakaliit, dahil ang bansa nila ay nakasarado sa mundo, marahil ay hindi alam ng mga mamamayan nila na nagkakagulo na sa ibang bansa, ni wala nga sigurong Facebook sa North Korea na malaki ang naging tulong sa tagumpay ng mga pag-aalsa sa Egypt. Tanging ang mga nasa pamahalaan lamang ang nakakaalam ng nangyayari sa labas.

Ngunit wala pa ring makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Taon din ang binilang bago sumiklab ang pag-aalsa sa Berlin Wall, sa Germany, sa Czechoslovakia, huwag na tayong lumayo, sa Pilipinas, ilang taon ba ang agwat ng 1972 at 1986?,  ang Libya, ang Egypt, dekada ang binilang bago pumutok ang mga pag-aalsa. Ilang taon na ba ang lumipas mula noong 1948 hanggang sa ngayon?

Isa nga sa mabuting idudulot nito kung sakali man ang North Korea ay magagaya sa mga bansa sa Gitnang Silangan, ay ang posibilidad na maging isa muli ang dalawang Korea, gaya ng nangyari noon. Napag-isa ng Shilla, ang Baekje at Goguryeo sa ilalim nila. May history repeats itself again this time.

Bawat pagtitiis ay may hangganan, walang permanente sa mundo. The only permanent thing in this world is change. Darating at darating din yan, sana.

Martes, Marso 1, 2011

MARCOS AT HITLER


Kilusang Bagong Lipunan, Nationalsozialistiche Deutsche Arbetei Partei, ano ang pangkaraniwan sa kanila? Ito nga ang mga partido politikal ng mga diktador na si Ferdinand Marcos, at Adolf Hitler.

Dahil nga sa galit ng mga Pilipino noon sa dating Pangulong Marcos, ay naikikukumpara siya sa sinasabi ng kasaysayan na Dakilang Diktador na si Adolf Hitler.

Kapantay nga ba ni Hitler si Marcos? May pagkakaiba ba sila? Ano nga ang parehong nangyari sa kanila?

Isa nga sa parehong nangyari sa kanila, ay kapuwa sila bumagsak. Ngunit balikan muna natin ang kanilang umpisa.

Nag-umpisa nga si Hitler, na nangangaral ng galit sa pagkatalo ng Alemanya sa mga Alyadong bansa, at sa mga komunista, na mahigpit nilang kalaban sa politika. Nag umpisa nga ang mga Nazi na pitong miyembro lamang, isa nga dito ay ang dating sundalo, na si Adolf Hitler, na di naglaon ay naging pinuno nito.

Gaya ni Hitler, si Marcos ay isa ring sundalo na lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang magaling na politiko, at masasabi na isa sa pinakamagaling na pangulo ng Pilipinas. Bago nga tumakbo sa pagka-pangulo, siya ay nasa Partido Liberal. Si Pangulong Diosdado nga ay nagdadalawang isip noon, kung tatakbo pa uli sa pagka-pangulo. Nang tumakbo si Marcos ay lumipat siya sa Partido Nacionalista, na katunog ng partido ni Hitler na Nationalsozialistiche, o higit na kilala bilang Nazi Party. Tinalo niya nga ang Pangulong Diosdado Macapagal.

1933, tumakbo si Hitler bilang Pangulo ng Alemanya, nakalaban niya si Paul von Hindenburg, ang incumbent na pangulo ng mga panahong iyon. Natalo nga si Hitler sa halalan. Ngunit dahil sa pakikipag-usap ng mga kaalyado ni Hitler sa mga nasa pamahalaan, ay nagkaroon ng isang pangyayari. Biglang naging Chancellor ng Alemanya si Hitler.

Habang nasa puwesto si Hitler, ay pinasunog niya ang Reichstag ng Alemanya, sinisi niya ang mga komunista, naging dahil ng pagkatanggal ng kanilang representante sa gobyerno, pati na rin ng mga sosyalista. Nakontrol ng mga Nazi ang pamahalaan, ginawa nilang diktador si Hitler, Nang mamatay nga si Hindenburg noong Agosto 2, 1934 ay napag- isa ang kapangyarihan ng Presidente at Chancellor, lalo ngang lumakas si Hitler. Natamo niya ang titulong der Fuhrer

Kahawig naman ng pangyayari sa Pilipinas noong Setyembre 21, 1972, nang ideklara ni Marcos ang Batas Militar sa buong Pilipinas, sa pamamagitan ng Proclamation 1081. Ipinakulong niya lahat  ng kumakalaban sa sa gobyerno. Isa na nga dito si Benigno S. Aquino Jr., o mas kilala sa tawag na "Ninoy". Siya nga ang magiging tinik sa pamamahala ni Marcos. Its Ninoy vs. Macoy

Sa ilalim ng Batas Militar, nakita ang pagka-Hitler ni Marcos. Isa nga sa pinaniniwalaan ni Marcos ay ang pananaw ni Joseph Goebells, na propagandista ni Hitler na "Kasinungalingan, kung paulit-ulit mong sabihin na katotohanan, ay magiging katotohanan" something like that. Ito nga ng ginawa niya kay Ninoy paulit-ulit niyang sinabi na si Ninoy ay isang Komunista, upang sirain siya sa mga tao.

Kinuha rin nga ni Marcos ang ideya ng concentration camps, na naging tanyag ng ginamit ito ni Hitler sa mga kumakalaban sa kaniya, lalo na sa mga Hudyo. Bagaman hindi si Hitler ang umimbento nito. Naranasan nga nila Senador Ninoy at Senador Pepe Diokno ang mala concentration camp na kulungan sa Laur, Nueva Ecija, ang Fort Magsaysay.

Marami ngang nawalang tao sa panahon ng batas militar, at nalabag ang mga karapatang pantao. Si Hitler naman ay talamak ang pagpatay sa mga kaaway nila, lalo na sa mga Hudyo, ito nga ang Holocaust.

May isa ngang pangkaraniwang kaaway itong si Hitler at Marcos, ang Komunismo, Habang pinalalakas ni Hitler ang Nazi Party, ang mga komunista ang naging pinakamatindi nilang kaaway sa loob ng Alemanya. Lalo pa ngang lumaki ang galit ng mga komunista kay Hitler ng salakayin niya ang Soviet Union.
Ang mga komunista naman sa bansa ang sinasabi na isa sa mga dahilan sa pagkakadeklara ng batas militar sa Pilipinas. Ngunit ang katotohanan nito ay para lamang pahabain at patagalin sa puwesto si Marcos. Sinakyan niya lamang ang mga pangyayari noon. Sa halip na humina, ay lalong lumakas ang mga kilusang komunista sa bansa sa ilalim ng batas militar. Mula 300 ay lumago ito sa 24,000 NPA regulars. Ginapi naman ng Soviet Union ang Nazi Germany noong 1945, sa pamumuno ni Joseph Stalin.

Maihahambing naman ang Britain sa pamumuno ni Winston Churchill, kay Benigno S. Aquino Jr. . Pinahirapan ni Hitler ang Britanya, ngunit hindi niya tuluyang tinapos, gaya rin ni Ninoy. Pinahirapan siya ni Marcos, ngunit hindi siya natalo sa lahat ng paraan. Ang kamatayan pa nga ni Ninoy ang masasabi ko, na pinakamalaking tagumpay niya sa labanan nilang dalawa. Si Ninoy at ang Britanya ay nagsilbing tinik sa mga diktador na ito, at naging instrumento sa kanilang pagbagsak.

Ang pagkakaiba naman ni Hitler at Marcos. Si Hitler ay kaaway ng Estados Unidos, habang si Marcos ay kanilang kapanalig. Marahil ay para mapanatili ang mga base militar nila sa bansa noon. Ngunit di naglaon ay bintiwan din siya ng Estados Unidos, kaya't napuwersa siyang  magbitiw sa katungkulan bilang Pangulo noong Pebrero 25, 1986.

Bagaman parehong diktador, hindi pa rin masasabi na kasing-sama ni Hitler si Marcos. Ibig nga ni Fabian Ver, Chief of Staff ng AFP na i disperse ang noo'y People Power Revolution, ngunit ang bilin ni Macoy, "Disperse them, without shooting them". Ano kaya ang nangyari kung si Hitler ang Pangulo?

Si Hitler nga ay suportado ng Alemanya hanggang sa huli. Si Marcos naman ay inayawan ng mga Pilipino mula ng mapatay si Ninoy sa tarmac noong Agosto 21, 1983, na nagresulta sa People Power Revolution.

Sa kanilang mga huling araw nga sa kapangyarihan, si Hitler nang kaniyang kaarawan, Abril 20, 1945, ay lumabas at nagpakita sa huling pagkakataon. Binigyan niya ng parangal ang mga bata na lumalaban para sa kaniya at sa Alemanya. Maihahambing nga ito sa panunumpa ni Marcos bilang Pangulo noong Pebrero 25, 1986 sa Malacanang, ngunit biglang umalis din ng bansa pagkatapos noon. Both is a last bit of showmanship.

Isang aral nga sa mga diktador. Sa kasalukuyan nga ay may nagaganap na mga pag-aalsa sa Gitnang Silangan laban sa mga pamahalaang diktador. Isa nga sa mga napatalsik ay si Hosni Mubarak ng Egypt.Wala ngang diktador na nanatili, hindi nga natitiis ng tao ang authoritarianism at totalitarianism. Lahat nga sila, kung hindi man ay ang karamihan ay napunta sa pagkabagsak. Dalawa nga sa mga ito ay si Marcos at si Hitler.