Linggo, Hulyo 31, 2011

SONA AT SINE

SONA at SINE, ano ang kanilang pagkakatulad?, sa katotohanan ay hindi ko alam, isa lang ang alam ko,pareho silang may istorya. Ang SONA, o State Of the Nation Address ni Pangulong Noynoy Aquino, ay may istorya ng kaniyang pamamalakad, at ng pamamalakad ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pamahalaan. Ang SINE naman, ay may istorya na ibig ikuwento ng direktor nito. Tatalakayin ko nga ngayon sa entry na ito ang dalawang magkahiwalay na paksang ito.

Unang Paksa:SONA

Daang Matuwid. Ito nga ang ipinangakong daang tatahakin ng administrasyong Aquino. At sa pagdaan niya dito ay walang wang-wang. Ang wang-wang nga ang halos naging tema ng buong SONA ni Pangulong Noynoy Aquino nitong nakaraang linggo. Ang wang-wang ay tumutukoy sa corrupt na pamamaraan ng dating administrasyon.

Marami ngang binanggit ang Pangulo tungkol sa makawang-wang na pamamaraan noon, ngunit ang tumatak sa akin ay ang 1 billion mahigit na nagastos ng PAGCOR sa kape lamang, pumapatak nga na nasa 900 pesos kada isang cup, ito nga ay ayon sa abogadong nagtatanggol sa dating pamunuan ng PAGCOR. Mahal pa rin! Punta na lang kayo sa Starbucks, mahal ang kape doon, pero hindi naman sisiguro aabot ng 900 pesos. Grabeng overpricing. Ganoon din naman ang mga helicopter ng PNP, presyong brand new, pero second-hand pala. Malaman-laman natin ng imbestigahan sa Senado isa lang ang brand new, o fully equipped, at yung iba ay hindi.

Napakarami palang kalokohan na naganap noon na ngayon lang natin nalaman, gaya na lang ng paglalaro ng putik sa Laguna Lake, food for school, hindi pagbabayad ng tamang buwis ng pribadong sektor, at ang sobrang pag-aangkat ng bigas.

Isa naman sa ipinagmamalaki ng administrasyong ito ay ang pagbaba diumano ng hunger rate ng bansa, na hindi ako masyadong kumbinsido, pero maaari akong maniwala. Bakit? Baka kasi namatay na sa gutom yung iba, kaya kaunti na lang ang nagugutom.

Bilib ng ako sa SONA ngayon, dahil nga ito'y nasa wikang Filipino, na siyang marapat lang naman, Pilipino ang kausap mo ay dapat sa kanilang wika ka rin magsalita, di dapat Ingles, kung saan hindi lahat ay nakakaintindi.

Ito nga ang pinakagusto sa buong talumpati, ang linyang ito: "Ang sa Pilipinas ay sa Pilipinas; kapag tumapak ka sa Recto Bank, para ka na rin tumapak sa Recto Avenue" at ito "Wala tayong balak mang-away, pero kailangan ding mabatid ng mundo na handa tayong ipagtanggol ang atin. Pinag-aaralan na rin po natin ang pag-angat ng kaso sa West Philippine Sea sa International Tribunal for the Law of the Sea".

Marami ngang pagbubunyag at pagmamalaki sa SONA ni Pangulong Noynoy Aquino. Ngunit ang Pinakamatinding ibinunyag, ay ang bagong Ombudsman, ang dating Associate Justice Conchita Carpio-Morales. Kaya ng marahil ng maalaman ito ni Gloria, ay biglang sumakit ang leeg, at naisugod tuloy siya sa St Lukes sa Taguig. Maluwalhati namang nairaos ang operasyon ng dating Pangulo. Buti na lang at hindi namatay, para mapagdusahan niya ang kaniyang mga kasalanan sa bansang Pilipinas. Bakit ganoon ang mga politiko, kung kailan malapit, o di kaya nakakulong na, dumadami ang sakit? Samantalang noong namamayagpag pa sila, wala naman.

Ngunit kung titignan niyo, lahat ng binanggit sa SONA ay para i self-glorify ang administrasyong ito. Hindi dama ng mas nakakaraming pinoy. Paano na yung problema sa pagtaas ng presyo ng langis na napakaraming idinadamay at sinasama pag tumaas, ang Maguindanao Massacre, ano na nangyari, hindi nga ito nabanggit. At ang Freedom of Information Act, bakit hindi ito kasama sa priority bills ng administrasyon, ito nga ang sisisgurado na ang daang tatathakin ng administrasyong ito, at ng mga susunod pa ay ang Daang Matuwid. Nauna pa ang pagbili ng Porsche, at panliligaw, may Shalani na kasi, hiniwalayan pa. Ngayon nahihirapan sa paghanap ng bago. Ano ang konklusyon? mamaya na.

Ikalawang paksa: SINE

Puro nga puna ng laman nito. Tila baga nawawalan na ng kwenta ang mga pinapalabas sa sine. Gross na lang ba talaga ang batayan ng paggawa ng pelikula. Lagi na lang kapag Metro Manila Film Festival, ang mapapanood mo Enteng Kabisote, Shake Rattle & Roll, yun at yun lang nakakasawa. Kaya ng hindi dapat Film Festival ang tawag diyan, Circus.

Hindi nga katakataka, na mas mahina ang pelikulang Pilipino kaysa Foreign Films, bakit? wala ng artistic value, wala pang kuwenta ang istorya, lagi mong alam kung ano ang mangyayari sa huli. Meron naman, trailer pa lang, alam mo na walang kuwenta, gaya nalang nung pelikula ni Melai Cantiveros, yung "The Adventures of Pureza, Queen of the Riles".

Marami pang ibang pelikulang ganyan, walang kuwenta, walang art. Tatlo lang yan: Tanga ang Producer, Tanga ang Direktor, at Tanga ang audience na tumatangkilik.

Hindi ko sinisiraan ang pelikulang Pilipino, May mga pelikulang Pilipino na maganda, lalo na nung buhay pa ang Hari, si Fernando Poe Jr. Ngayon din naman ay maganda pa ring pelikula sa mainstream, gaya na lang pag sila Bea at John Lloyd ang gaganap.

May maganada pa ring pelikula, pero na o-overwhelmed ng mga pangit ang mainframe ng mga walang kuwenta. Katunayan niyan walang mainframe sa panahong ito na nakakuha ng award sa Cannes, mula pa sa indie films ang nakasungkit ng award.

Para sa akin ay daig na ng indie ang mainstream Pinoy films. Sa indie kasi, malaya ang direktor sda kaniyang istorya, hindi gaya sa mainstream na kontrolado ng producer, na kita lang ang habol sa paggawa ng pelikula. Quantity over Quality ang umiiral sa mainstream, hindi nga ganoon sa indie, yun ang maganda sa kanila.

Konklusyon:
SONA-Kung hindi dama ng marami, lalo na ng sikmura ang mga mga sinasabi sa SONA,
wala itong kuwenta.
SINE-Huwag pairalin ang Quantity over Quality, para magkaroong saysay ang pelikulang Pilipino.

THE END.

Lunes, Hulyo 25, 2011

CRAB MENTALITY


Ang daming balita na naganap nitong nakaraang linggo, bombahan at massacre sa Norway, pumanaw si Amy Winehouse, naglaro sila Kobe Bryant, Derek Rose, Kevin Durant, Derek Fisher, at maraming iba pang NBA superstars ng basketball sa Araneta Coliseum, laban sa mga pambato ng mga pinoy, ang PBA All Stars at ang SMART Gilas, Sisingitan ko nga ito ng isang opinyon. Better dissolve na lang SMART Gilas, they are not worthy of carrying the flag in international games, some PBA Superstars are way off better than them.

Ayon din sa nabasa ko sa isang news network site, yung nang-massacre sa Norway, ay mahilig maglaro ng World of Warcraft, DOTA. "Killing Spree" nga ang ginawa niya, ang kaso lang hindi na mare "respawned" yung mga pinatay niya. Buti na lang na "pawned" na siya ng mga awtoridad ng Norway.

Ngunit hindi nga ito ang paksa ng entry na ito, kung hindi ang "crab mentality". Ito nga ang ating ugali na hindi ipinagmamalaki, ngunit ating ginagawa.

Karaniwang palusot ito ng mga politikong tinitira ng kalaban niya, at ng mga artistang iniintriga. ika nga nila, puno silang hitik sa bunga kayo binabato.

Normal lang sa atin ito, ngunit naiinis tayo kapag tayo ang nasa kalagayang hinihila
pababa.

Ngunit, sa lahat ng nagpractice ng crab mentality, ay nakakapang-galaiti itong si Amanda Coling, puro pahaging, ayaw pa tayo diretsohin. Nagahasa ba talaga? Ayaw naman magsalita. Ito namang isang umiinterview, "You may or you may not answer the question". Very stupid for an interviewer. At the first place, bakit niyo ba ini-interview? di ba to get answers, buti sana kung yung ini-interview ang tumanngi na sumagot.

Ang tanong nagahasa ba talaga? may abuso ba? sinu-sino ang gumahasa? Wala tayong makuhang sagot. O, hindi kaya, orgy ang naganap, na ginusto din ng babae, at ginagamit niya lang ang kasikatan ng Azkals para sumikat. Hinala lang naman yun dahil ayaw tayong sagutin ng diretso.

Ang masama lang nito kung sakaling hindi totoo, at chismis lamang ang lahat, the damage has been done to Team Azkals. Natalo sila, 3-0 laban sa Kuwait, ngayon ay maghahabol sila.

Ang sa akin lang, huwag nating siraan ang sinoman, upang gamitin sa ating pag-angat. At kung lalabas ka na rin lang para maglantad ng lihim, itodo mo na ang tapang mo at huwag bitinin ang mga tao. The end

Linggo, Hulyo 10, 2011

DUTERTE PUNCH, DUTERTE FINGER






Nitong mga nakakaraang mga linggo, ang Davao City, ang siyudad na tanyag sa Durian, ang siyudad kung saan matatanaw ang Mt. Apo, at ang siyudad na tinagurian ding "Typhoon Free" City, ay naging laman ng mga balita na umalingawngaw sa buong Pilipinas.
Una, dahil sa biglaang, malakihang pagbaha, na naganap sa dako ng Matina Pangi, at mga mga katabing lugar, na kumitil ng maraming tao, sumira ng maraming tahanan, at mga kabuhayan.

Na sinundan nga kaagad ng isang demolisyon sa Barangay Tomas Monteverde, Agdao. Dito nga naganap ang tinatawag ko na "Mayors Punch" with 3 hits or 4, ni Mayor "Inday" Sara Duterte, na sinalo lahat ni Sheriff Abe Andres, ang nanguna sa nasabing demolisyon. Umani nga ang alkalde ng mga papuri, at karamihan ay batikos, mula sa mga hindi taga Davao City, at gayon din naman sa loob ng siyudad.

Hindi nga maaaring hindi makialam ang ama ng siyudad, at ama ng alkalde na si Vice Mayor Rodrigo Duterte. The attacks on her daughter of the columnist and broadcasters infuriated him, pati ng mga pahayag ni Midas Marquez, na "missing" daw diumano si Sheriff Abe, matapos ng araw na iyon, na lumitaw din naman pagkalipas ng ilang araw na buhay, Sa galit nga niya ay bumalalas sa mga media, ang dirty finger, na tinagurian na ng iba na "Duterte Finger". Pati nga ang konsehal Paolo Duterte ay nagpakita rin noon sa mga media. Pinuna nga ito ni CHR Chairman Etta Rosales, verbal abuse daw. Ngayong araw nga na isinusulat ko ito, July 11, 2011, ay sinampahan ng disbarment case si Mayor Sara Duterte.

Ang tanong, mali ba ang aksyon ng mga Duterte? Sa mababaw na aspeto ay mali. Mali ang manuntok, mali ang mag dirty finger.

Ngunit kung titignan mo ito sa malalim na aspeto, Ang tinatawag na "Greatest Good for the Greatest Number" which is democracy, according to what Vice Mayor Rodrigo Duterte said, I quote it in his program "Gikan sa Masa, Para sa Masa(Galing sa Masa, Para sa Masa)". Mas maganda na, na ang nasuntok ay si Sheriff Abe Andres lamang, kaysa mas maraming tao ang nasaktan, sa panig ng mga dinedemolis at ng mga awtoridad, kung nagpatuloy ang demolisyon.

Ito nga rin ang isa sa problema na hindi napapansin ng mga awtoridad. Before every demolition happens against the informal settlers nowadays, ay may mga militanteng grupo, mga komunista sa madaling salita, at sa aking paniniwala, na nanunulsol sa mga nakatira doon na lumaban, tinuturuan ng pagsasanggalang laban sa mga anti riot police. Tignan nyo na lang ang nangyari sa Laperal Compound sa Makati. Hindi ba maaaring sampahan ng kaso ang mga militanteng grupong ito? hindi ba malinaw na rebellion ang ginagawa nila? Magaling lang sila pag may demolisyon, ngunit pagkatapos ng gulo, wala na sila, ni anino wala kang makita. Marami ng demolisyon nang nakaraan na hindi magulo, ngunit ang mga demolisyon ngayon ay mas magulo dahil sa mga militanteng grupong ito.

Unawain na lang natin ang kalagayan ng Mayor ng Davao. Inaasikaso niya ang problema ng mga binaha sa Matina Pangi. Humingi siya ng dalawang oras na palugid sa Sheriff ngunit hindi siya pinagbigyan. Duterte na yan, hindi mo pa pinakinggan. Ikaw man si Mayor masusuntok mo siguro.

Im proud of our Mayor "Inday" Sara Duterte, we will support you all the way.

Dumako naman tayo sa ginawa ni Vice Mayor Rodrigo Duterte, na pag-dirty finger sa mga kawani ng media at mga kolumnista. Iyon nga ay pagpapakita lamang ng galit ni Vice Mayor. Mas maganda ng ganoon.(Ito nga yung parte na natatakot kong isulat pa, ngunit isusulat ko na rin.)

Mas maganda ng ganoon ang paraan, kaysa iba, alam nyo na kung bakit, hindi ko na lilinawin, ang clue ko na lang, si Jun Pala. Sa mga hindi nakakakilala, si Jun Pala, ay malupit na kritiko ni Vice Mayor noong Mayor pa siya. Tatlo o apat na beses tinangkang patayin at napatay sa pinakahuling pagtatangka. Sino nga ang pumatay? Wala akong sinasabi, hindi ko alam, at ayaw kong alamin, kung gusto niyong alamin, tanungin niyo ang mga taga Davao City, at huwag akong isali. Hindi po ako Anti Duterte, Pro po ako.

Karapatan ni Vice Mayor na magalit, araw-arawin ka ba naman sa balita, puro negatibo ang naririnig mo, magagalit ka rin at mapupuno. Darating din ang panahon na hindi na pag-uusapan ito, ngunit nakakatatak na ito sa kasaysayan. The Fist, The Finger, The End.