Hindi ko nga napanood ng mismong araw ang laban nila Pacquiao at Marquez, dahil sa busy ako noong araw na iyon, kung saan naganap dapat ang sinasabing "conclusive fight" na, ngunit ang laban ay nabalot ng kontrobersiya.
Sa score na 114-114, 116-112 at 115-113, majority decision ay nanalo ang Pinoy Champ, ngunit marami ang hindi kumbinsido. May nagsasabing si Marquez daw ang dapat nanalo, gaya ng mga Mexicano, pati narin ng ilang Pilipinong nakapanood ng laban.
Ako rin ay nakapanood, ngunit sa replay lamang. Hindi nga ako eksperto sa pag-analyze tungkol sa boxing, ngunit ito ang aking pagtaya sa nangyaraing labanan, kada round
R1-PACQUIAO
R2-MARQUEZ
R3-PACQUIAO
R4-DRAW
R5-MARQUEZ
R6-PACQUIAO
R7-MARQUEZ
R8-PACQUIAO
R9-DRAW
R10-PACQUIAO
R11-PACQUIAO
R12-MARQUEZ
Para sa akin nanalo si Marquez sa round 12, ito siguro ang pinagmulan ng mga perception na si Marquez ang nagwagi, ngunit iyan ay ayon lamang sa aking pagtaya, hindi iyan ginamitan ng siyentipikong pamamaraan, at hindi karapatdapat na batayan. Si Pacman nga ang nanalo sa mas maraming rounds. Ayon na rin sa mga sinasabi ng mga komentarista ng boxing, si Marquez ay hidi sumusugod, kundi nag-aabang lamang, ngunit nakapagpapakawala ng magaganda rin namang suntok. Siya ang challenger, ngunit ang champion pa ang agresibo.
Para din sa akin ay tabla sila sa mga rounds ba 4 at 9, para sa akin ay magaganda ang palitan ng mga suntok ng mga rounds na yon. Kung susumahin lahat, ay 6 rounds panalo si Pacman, laban sa 4 rounds na naipanalo ni Marquez , kung ibabawas pa ang draw, ayon sa aking pagtaya.
Isa pa marahil sa perception, na pinagmulan ng mga duda sa pagkapanalo ni Pacman, bagamat tumatama ang mga suntok niya, ngunit, ito ay mahina, na hindi nakapahgdulot ng knock-out kahit isa man lang, na lubos na inaasahan ng mga fans ni Pacman,sa Pilipinas at sa buong mundo. Knock-out na dati niya rin namang nagawa kay Marquez.
Ngunit kahit anong gawin natin, kahit anong debate pa ang maganap, isa pa rin ang totoo, hindi na mababago ang pasya ng mga hurado na si Pacquaio ang nagwagi, at si Marquez ang sawi.
Ang Tanong, Dapat bang magkaroon ng ikaapat na yugto ang labang Pacquiao-Marquez? Para sa akin, Oo, dahil parehong bitin ang performance ng dalawang boksingero. Ngunit ang dapat maging kasunod na ay ang Pacquiao-Mayweather na. At ang burden ng pagpapatunay ay wala kay Pacman, kundi na kay El Dinamita.
Naiintindihan ko naman ang galit ng mga Mexicano, hindi sila masyadong nakakatikim ng panalo, kung si Pacquiao ang kalaban ng kanilang mga boksingero. Marami na rin kasing tinalong boxer na Mexicano si Pacquaio, isa nga dito si Marquez. Marahil ay lubos silang umasa sa pagkakataong iyon sa kanilang pambato, at dahil na rin sa hindi kagandahang performance ni Pacman, ay inakala nilang panalo na sila, na humantong sa kanilang pagkabigo at pagkadismaya.
Last words: To all Pinoys-Enjoy the Triumph, and to Mexicans- Accept your Defeat,Los mexicanos, aceptar su derrota
Mabuhay Manny Pacquiao!
nanood ako ng live sa pay per view sa bahay, at una, inaamin ko, si marquez ang nanalo para sa akin. Ganun din halos lahat ng nanood ng live.Sa sobrang close ng labanan, nagkaroon kmi ng ganung udgement dahil narin cguro sa commentator.
TumugonBurahinIlang bisis inapakan ni marquez ang paa ni Pacquiao...madaya
TumugonBurahinkikilabotz at waste material paki follow naman tong kaawa-awang blog ko hehehehe please
TumugonBurahin