February 28 2012, nangyari nga ang tinatawag na Grand Evangelical Mission ng Iglesia ni Manalo, na nagdulotn ng matinding trapik malapit sa pinagdausan nito. Isa nga ako sa naipit sa trapik na idinulot nito sa lugar ng Davao City. Napakaraming bus, at ang bus ng Davao city ay naubos dahil lamang dito.
Nakakainis nga ang trapik na idinulot ng pagtitipong ito. Gutom na guutom na ako noon, ngunit tila hindi gumagalaw ang mga sasakyan.
Ngunit ang lubhang nakakainis sa lahat ay ang paggamit nila sa terminong "Bible Exposition". Ang irony pa nga nito ay dahil ang terminong "Bible Exposition" ay orihinal na nagmula sa kanilang kalaban na grupo ng relihiyon, ang Members, Church of God International, o mas kilala sa katawagang "Ang Dating Daan", kung saan host ang taong lubhang galit na galit ang Iglesia ni Manalo, si Bro Eli Soriano.
Mahaba nga ang kasaysayan ng awayan ng Iglesia ni Manalo, at ng grupong Ang Dating Daan, na humantong na nga sa pagpatay. Ngunit ang pagkitil ng buhay ay di magmumula sa panig ng Ang Dating Daan. Bagkus ay mga taga Dating Daan pa ang nabuwisan ng buhay. Isa nga sa pinaka popular na biktima ay si Bro. Marcos Mataro, na binaril sa ulo.
Para nga sa akin, walng kahit na katiting na karapatan ang Iglesia ni Manalo na gamitin ang terminong "Bible Exposition". From the word "exposition", may expose, na hindi naman nila ginagawa sa kanilang Grand Evangelical Mission. At saka sa Bible Exposition, may tanungan, tinatanong si Bro. Eli ng mga tao at kaniyang sinasagot ayon sa Biblia, na hindi naman ginagawa ng Iglesia ni Manalo.
Sa mga makakabasa at magsasabing bias ito, talagang bias ito
Nakakatuwa rin na gugugulin mo ang isa hanggang dalawang araw na paghahanda, para sa isang oras na pag-uusap. Inistorbo nyo ang mga tao, pinatrapik ang mga lungsod para sa pag-uusap na wala ka namang matututuhan.
Kung mangangaral kayo mga Iglesia ni Manalo, wala akong pakialam. Ang sa akin lang magkaron kayo ng kaunting sense of dignity and originality. Huwag nyong gamitin ang terminong Bible Exposition, dahil wala kayong karapatan, kahit katiting
Ito pang isang punto.Nakakapanibugho nga ang media company karamihan. Bakit ang Iglesia ni Manalo ay masyadong glorified sa news, na para bang sila lang ang gumagawa ng impact? Samantalang ang grupong Ang Dating Daan din naman ay gumagawa ng impact na hindi mapapantayan. At tila may news black-out pag may pangyayari na malaki at taga Dating Daan ang involved.
Di naman sa paghahanap ng pansin. Kagaya na lamang ng "Kahit Isang Araw Lang" na inililigaw pa nag tao nga mga malalaking media outlets gaya ng DZMM at Bombo Radyo sa kanilang mga websites. Na sinasabing ang AFP at PNP daw ang pasimuno ng Unity Run, samatalang ang katotohanan ay nakisali lamang sila dito.
Itinama namann nila ang kanilang write-up, ngunit wala pa ring banggit kay Bro. Eli Soriano at sa Ang Dating Daan. Naniniwala ako na hindi TANGA, BOBO, at ISTUPIDO ang mga tao ng malalaking media outlets. Alam nila kung sino ang pasimuno ng Kahit Isang Araw Lang Advocacy, ito nga ay si Bro. Daniel Razon Vice Presiding Minister ng Members, Church of God International. At ang kaniyang advocacy ay sinusuportahan lahat ni Bro. Eli Soriano. I believe they all know because they are not stupid. Nakakainis nga! At iyan ang kanilang sinasbing patas na pamamahayag.
Sabi nga sa biblia, PURI, SA DAPAT PAPURIHAN.