Huwebes, Pebrero 2, 2012

IS HE ON TO SOMETHING?


Umamin na nga si President Noynoy Aquino na nagde-date sila ng isang Philippine based Korean na si Grace Lee, at ang Grace Lee naman, bagaman wala pa, ay hindi ikinahihiya na mainvolved sa Pangulo. Hindi gaya ng mga dating naugnay sa Pangulo, pagkatapos ng hiwalayan nila ni Valenzuela Councilor Shalani Soledad, na asawa na ni Pasig Representative Roman Romulo.

Pagkatapos nga ng lumabas na balita, na may kinalaman sa sigalot ng Iran at Amerika, na ngayon ay tila idadamay pa ang nanahimik na bansang China, ay lalo ngang tumindi ang aking hinala.

Isa-isahin muna natin:

Ayon nga sa balitang lumabas sa RT(Russia Today) noong January 31 2012, ay plano diumano ng Administrasyong Aquino na pabalikin ang mga base militar ng Amerika, na lubhang hindi ikinatutuwa ng China. Ito nga ang unang punto.


Ikalawa ang pagmamadali ng Senado, na may malaking bilang ang partido ng Pangulo na Liberal, kasama na rin ang kaalyado nila na PMP(Puwersa ng Masang Pilipino), na matapos ang paglilitis sa Chief Justice ng Korte Suprema na si Renato Corona, na ang batayan naman ng paghatol ay hindi ang ebidensya, kundi boto ng hukom, na mga Senador.


Ikatlo, ang napakabilis na modernisasyon ng Hukbong Sandatahan, hindi ba't itoy magpapasaya sa mga kawal?

Tatlong Punto na pawang mahalaga, ako nga lang ba ang nakakapansin o baka may iba rin? Ewan ko. Ang base militar nga ng Amerika sa Pilipinas, ang ginamit ni Marcos para ma-extend sa puwesto ito nga ay sa tulong ng Amerika. Kung sakali at mapatalsik nga sa puwesto si Chief Justice Renato Corona, ay lubhang lalakas ang kapangyarihan ng Pangulo, makukulong sigurado si Gloria Arroyo. Kahalintulad lamang ito ng "The Great Purge" ni Stalin, at "Night of the Long Knives" ni Hitler. Ang kaibahan nga lang ay hindi pa pumapatay si Pangulong Aquino. Hawak niya nga ang malaking bilang sa Kamara, ito nga ang lalong nagpatibay ng aking hinala.


Sa mga makakabasa nga nito, maging mapagmatyag tayo, dati na tayong pumalpak, akala natin noon, mabait si Gloria, yun pala ay walanghiya. Baka sinasakyan lang ngayon, ng Administrasyong ito, ang kapalpakan ni Gloria para sa isang mas hindi kanais-nais na mangyayari. Totoo nga bang tinatahak natin ang daang matuwid? o PNOY's Road to Dictatorship? tanong lang naman, walang personalan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento