Hindi pa ba kayo nagsasawa?
Alam ko na hindi totoo ang wrestling, but the drama is what I'm waiting, how they run the story, bagamat nakakasawa na nagawa parin nilang mukhang kapana-panabik ang ikatlong yugto ng pagtutuos ni Triple H(The Game) at Undertaker(The Deadman, The Phenom)
Nang akto ngang sisipain na ni Triple H si John Lauriniatis, ay biglang dumating si Undertaker, hinamon niya si Triple H muli sa isang paglalaban sa Wrestlemania, ngunit tumanggi si Triple H(January 30 2012).
Sumunod namang nagsalita si Mr. Wrestlemania Shawn Michaels, kinukumbinsi niya at pine-pressure si Triple H na labanan pang muli si Undertaker, tumanggi pa nga ng pagkakataong ito si Triple H. Dahil diumano "its bad for businesss" kung mawawala si Undertaker, dahil sa tiwala si Triple H, na alam niya na ang paraan, para talunin si Undertaker. Ito nga'y dahil noong nakaraang laban nila, bagamat talo si Triple H, ay bugbog sarado niya naman si Undertaker. Tinawag naman ni Shawn Michaels na karuwagan ang pagtatago ni Triple H sa kaniyang dahilan(February 13, 2012).
Muli ay naghamon si Undertaker, at nakuha niya rin ang pagtanggap sa hamon niya kay Triple H. Ito nga ay magaganap sa pamamagitan ng "Hell in a Cell" type of match.(February 20 2012)
Pangatlong paghaharap na nga nila Undertaker at Triple H, ang unang paghaharap nila sa Wrestlemania ay naganap sa Wrestlemania 17, April 1, 2001. 11 years after, eksaktong April 1 2012, din magaganap ang ikatlo at huling paghaharap nila.
Alam naman natin kung sino ang mananalo diyan, dahil nga its bad for business, kung matatalo siya. But what excites me is, how they gonna run this story.
Noong hindi ko pa nga napanood sa Youtube yung episode kung saan mag-uusap sila Shawn Michaels at Triple H, ay natuwa ako sa suggestion ng isang comment sa video, isang Triple Threat Match sa pagitan nila Triple H, HBK, at Undertaker. Mas maganda nga ito kumpara sa ikatlong paghaharap nila Undertaker at Triple H. Its good for business believe me, hindi pa nagaganap ang Triple Threat sa 19-0 na panalo ni Undertaker sa Wrestlemania. Plus yung thrill na maaaring mawala kay Undertaker ang kaniyang undefeated streak, ng wala siyang kalaban-laban.
Sana sa mga susunod na Wrestlemania ay mangyari ang Taker Vs. Cena, o di kaya'y Taker vs Goldberg yun lang.
Wala na dapat ng mag retire si Triple H at si Undertaker! Napakagandan ng ipinakita nilang laban kitang kita mo ang mga pasa ni undertaker sa likuran nya! para saakin yun ang pinaka magandang laban nung wrestlemania 28! sweet chin music sabay pedigree! ayun naka palag pa rin si taker!
TumugonBurahin