Biyernes, Marso 16, 2012

ANO BA TALAGA KUYA 2


Wala ngang anomang kaugnayan sa aking entry na ANO BA TALAGA KUYA? ang entry na ito. Ito nga ay dahil ang entry na ito ay tatalakay sa mga issue na may kinalaman sa pinakasikat na bahay sa buong Pilipinas, ito nga ang bahay ni Kuya.

Kanina nga habang nanonood ako ng programa, na Cristy Ferminute, kung saan dati nilang housemate itong si Bob De La Cruz, na ngayon ay isang konsehal na sa isang bayan(di ko nga matandaan), at guest din nila ng pagkakataong iyon.


Ito ngang si Bob, ay ang naging ka love team ni Kumander Nene, na siyang naging Big Winner na kauna-unahang edisyon ng Pinoy Big Brother. Nakalulungkot nga ang naging pagtatapat ni Bob kay Cristy Fermin. Sabi niya ay makakabalik naman sana siya sa bahay, after magkasakit siya at ma-admit siya sa isang hospital. Dahil nga may rules ang bahay ni Kuya, na pag hindi naka-balik sa bahay within 24 hours ay evicted. Ayon nga kay Bob, imbis idiretso siya, sa bahay, ay sa hotel siya itinuloy, naramdaman niya daw ito sa pagsakay nila sa elevator, pagadting sa kwarto ay nag-iiyak sya sa kalungkutan. Bilang kapalit nga daw diumano sa pangyayari ay pinangakuan sya ng mga proyekto, na hindi dumating.

Ngunit ang tanong ko naman, bakit ngayon lang siya nagsasalita, masyado nang matagal, ilang edisyon na ang dumaan. Kung may katotohanan man ang isyu na ito, ay hindi na nakakagulat. Natatandaan niyo ba si Trisha Santos, sunod sunod nga ang pagka-nominate sa nasabing housemate, ngunit hindi pa rin matanggal, hanggang sa ginamit nga nila ang "vote to evict" na option, kung saan vote to evict minus vote to save ang mangyayari, at kung sino ang may malaking vote to evict kung ito mas lamang, o ang may pinaka less naman na vote to save, ang siyang matatanggal sa bahay ni kuya.


Ngunit ang nakakapagtaka, pagkatapos mismo ng pagka-evict ni Tricia Santos, ay biglang tinanggal ang option na vote to evict. Dito nga nawala ang tiwala ko sa Pinoy Big Brother, maging sa ABS-CBN, lalo na't nang mabunyag pa ang pandaraya sa show na Wowowee, na naging dahilan ng away ni Willie Revillame at Joey De Leon.


Naniniwala ka rin ba na totoong si Melai Cantiveros ang nanalo sa kanilang edisyon, laban kay Paul Jake Castillo na taga Cebu, Cebu na nakakapagpanalo ng Presidente ng Pilipinas, dahil sa kanilang kaisahan, at may malaking populasyon. Porke't ba hindi lalabas na kapaki-pakinabang ang isang Housemate, para sa istasyon, ay haharangin na ang pagkapanalo? Tanong lang naman. Bakit ka pa sasali dyan?

Martes, Marso 6, 2012

WHO'S WRONG AND WHO'S RIGHT


Pati nga ang Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng isang pari na nagngangalang Catalino Arevalo, ay nasali na sa gulo nitong nakaraang linggo sa Impeachment Trial sa pagitan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago at Private Prosecutor Vitaliano Aguirre.


Sinabi nga ng pari sa kaniyang misa na pagtawag na gago sa mga kasapi ng prosekusyon ng Senadora ay worthy of hell fire. Sinagot naman ito ng Senadora, na ayon daw sa Vatican 2 conference or whatever that is, ay wala daw impyerno, kundi ito'y simbolismo lamang ng pagiging malayo sa Dios. Sinabi pa ng Senadora na handa siyang makipagdebate sa pari.


Ngunit ang tanong? Sino nga ba ang tama sa pagitan nila Senator Miriam Defensor-Santiago at Private Prosecutor Vitaliano Aguirre, at maging sa pari na si Catalino Arevalo?

Kahit nga siguro bata, alm na mali ang ginawa ni Atty. Vitaliano Aguirre. Di lang basta di pakikinig kundi pambabastos ang ginawa niyang pagtatakip ng tainga habang nagsasalita ang Senadora. Dahil nga dito ay na contempt of court siya. Wala daw siyang pinagsisisihan sa kaniyang ginawa. Lusot nga sya ngayon sa kulong. Pagsasabihan na lang daw siya ng mga Senador.


Si Senadora Miriam naman, bakit kailangang batikosin ng pagkahaba-haba ang prosekusyon? Hindi po ako abogado, ni may malalim na kaalaman sa batas. Ang alm kong trabaho ng hukom ay makinig at humatol ayon sa ebidensya. Alam ko rin na trabaho nilang harangin lang ang kamalian kung meron man. Pero para atakehin ang prosekusyon ng pagkahaba-haba, at ang prosekusyon lang ang pinagagalitan, ang depensa ba ay hindi nagkakamali. Natatakot ba ang mga Senador sa Iglesia ni Manalo dahil kay Cuevas? Bakit ganoon?


Yung pari naman masyadong malupit, impyerno kaagad, pero parang may batayan sya doon sa Mateo 5:22

"Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan, at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy."

Ito nga marahil ang batayan ng pari sa pagsabi na "worthy of fires of hell" ang ginawa ni Senator Miriam Santiago. Ang premise ng talata ay masama itong sabihin sa kapatid sa iglesia o church. Di ko nga alam kung parehong katoliko si Sen. Miriam Defensor-Santiago at Atty. Vitaliano Aguirre at ang iba pang kasapi ng prosekusyon. Pero dapat alalahanin na ang pinagsasabihan dito ng Panginoon ay ang totoong Iglesia na kaniyang itinayo ng una. Hindi nga ito ang Iglesia Katolika.


Mayroon ngang impierno. Dahil sinabi ito ng Panginoon na mayroon, ayon na rin sa ating siniping talata sa itaas. Mas maniniwala na ako dito kaysa sa Vatican 2 na ang mga sinasabi ay pawang imbensyon lamang, haka-haka, katha na napagkasunduan lamang ng mga cardinal at Papa sa Roma, na pawang walang batayan sa Biblia at madalas ay kontra pa.


KONKLUSYON:
Aguirre-Mali ang pagtatakip niya ng tenga
Defensor-Santiago-Mali ang paggamit ng salita, pati ng pagbatikos sa prosekusyon, para tuloy may pinapanigan na hindi marapat sa isang hukom habang hindi pa tapos ang paglilitis.
Arevalo-May punto, pero hindi kayo ang tunay na Iglesia