Pati nga ang Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng isang pari na nagngangalang Catalino Arevalo, ay nasali na sa gulo nitong nakaraang linggo sa Impeachment Trial sa pagitan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago at Private Prosecutor Vitaliano Aguirre.
Sinabi nga ng pari sa kaniyang misa na pagtawag na gago sa mga kasapi ng prosekusyon ng Senadora ay worthy of hell fire. Sinagot naman ito ng Senadora, na ayon daw sa Vatican 2 conference or whatever that is, ay wala daw impyerno, kundi ito'y simbolismo lamang ng pagiging malayo sa Dios. Sinabi pa ng Senadora na handa siyang makipagdebate sa pari.
Ngunit ang tanong? Sino nga ba ang tama sa pagitan nila Senator Miriam Defensor-Santiago at Private Prosecutor Vitaliano Aguirre, at maging sa pari na si Catalino Arevalo?
Kahit nga siguro bata, alm na mali ang ginawa ni Atty. Vitaliano Aguirre. Di lang basta di pakikinig kundi pambabastos ang ginawa niyang pagtatakip ng tainga habang nagsasalita ang Senadora. Dahil nga dito ay na contempt of court siya. Wala daw siyang pinagsisisihan sa kaniyang ginawa. Lusot nga sya ngayon sa kulong. Pagsasabihan na lang daw siya ng mga Senador.
Si Senadora Miriam naman, bakit kailangang batikosin ng pagkahaba-haba ang prosekusyon? Hindi po ako abogado, ni may malalim na kaalaman sa batas. Ang alm kong trabaho ng hukom ay makinig at humatol ayon sa ebidensya. Alam ko rin na trabaho nilang harangin lang ang kamalian kung meron man. Pero para atakehin ang prosekusyon ng pagkahaba-haba, at ang prosekusyon lang ang pinagagalitan, ang depensa ba ay hindi nagkakamali. Natatakot ba ang mga Senador sa Iglesia ni Manalo dahil kay Cuevas? Bakit ganoon?
Yung pari naman masyadong malupit, impyerno kaagad, pero parang may batayan sya doon sa Mateo 5:22
"Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, na ang bawa't mapoot sa kaniyang kapatid ay mapapasa panganib sa kahatulan, at ang sinomang magsabi sa kaniyang kapatid, Raca, ay mapapasa panganib sa Sanedrin; at ang sinomang magsabi, Ulol ka ay mapapasa panganib sa impierno ng apoy."
Ito nga marahil ang batayan ng pari sa pagsabi na "worthy of fires of hell" ang ginawa ni Senator Miriam Santiago. Ang premise ng talata ay masama itong sabihin sa kapatid sa iglesia o church. Di ko nga alam kung parehong katoliko si Sen. Miriam Defensor-Santiago at Atty. Vitaliano Aguirre at ang iba pang kasapi ng prosekusyon. Pero dapat alalahanin na ang pinagsasabihan dito ng Panginoon ay ang totoong Iglesia na kaniyang itinayo ng una. Hindi nga ito ang Iglesia Katolika.
Mayroon ngang impierno. Dahil sinabi ito ng Panginoon na mayroon, ayon na rin sa ating siniping talata sa itaas. Mas maniniwala na ako dito kaysa sa Vatican 2 na ang mga sinasabi ay pawang imbensyon lamang, haka-haka, katha na napagkasunduan lamang ng mga cardinal at Papa sa Roma, na pawang walang batayan sa Biblia at madalas ay kontra pa.
KONKLUSYON:
Aguirre-Mali ang pagtatakip niya ng tenga
Defensor-Santiago-Mali ang paggamit ng salita, pati ng pagbatikos sa prosekusyon, para tuloy may pinapanigan na hindi marapat sa isang hukom habang hindi pa tapos ang paglilitis.
Arevalo-May punto, pero hindi kayo ang tunay na Iglesia
Thou shalt not judge, lest ye be judged. That's all I can say.
TumugonBurahinAng sa akin lang nagpakatotoo lang si Aguiree.
TumugonBurahinSi Defensor naman, matalino siya pero wala sa lugar. She needs to read her Bible.
To simply put that. . .“Do not judge, or you too will be judged. For in the same way you judge others, you will be judged, and with the measure you use, it will be measured to you ~ Matthew 7:1-2”
TumugonBurahinAno ang ibig mong sabihin sa pag sa quote ng verse na yan?
BurahinIs it me or Madam Senator Miriam Defensor Santiago you're referring at pls clarify
BurahinJust want to agree with Yani with the verse she posted.
TumugonBurahinOpinyon ko.. Pareho silang mali.
TumugonBurahinYung pagtakip ng tenga ni Aguirre (dahil ba ayaw na nyang makinig) it was childish. Yung pagsagot naman ni Defensor at paggamit ng word na "Gago" bilang isang hukom, it was rude!
Yun na..
Parehong mali at mas mali yung pari. Hindi na sila dapat nakikialam sa politika sa bansa. Nakikigulo lang.. nagbibigay ng opinyon na hindi naman kailangan.. Hell kaagad? di pa pwedeng purgatoryo muna? hehehe..
TumugonBurahinMagulo na nga, gumulo pa lalo! Kaya ayaw ko mag watch ng impeachment, nakaka nosebleed na may mga ganito pang eksena. hmmp. :)
TumugonBurahin..di n ako masyadong updated sa Pinas..hehehe
TumugonBurahinhot hot hot seats indeed
TumugonBurahinPareho silang may mali. Hahaha. Some priests need to read the constitution: "Separation of the Church and the State". Hay naku. Mga Damaso.
TumugonBurahineverything they did was uncalled.... No wonder our country is being laughed at
TumugonBurahinhahaha,kaaliw naman itong post .ngayon ko lang napansin may nagtakip pala ng tenga sa pagNAG ni Miriam .kaloka naman talaga ang Phil politics.
TumugonBurahinMatagal na akong wala sa Pilipinas.
TumugonBurahinPero pagbasa ko ng sitwasyong ito, parang hindi ako nawala. Parang kahapon lang na nanonood ako ng balita, at napapailing sa mga naririnig ko. Magulo pa rin at iba pa rin ang prioridad.
Maraming oras ang nasasayang, at "katalinuhang" hindi nagagamit. :(
Joanna - (FBW)
i think no one has to be judged... but we have to remember that the trial is political in nature and is not a regular trial court hearing and the judges have the final say ... respeto sa bawat isa .
TumugonBurahin