Biyernes, Marso 16, 2012

ANO BA TALAGA KUYA 2


Wala ngang anomang kaugnayan sa aking entry na ANO BA TALAGA KUYA? ang entry na ito. Ito nga ay dahil ang entry na ito ay tatalakay sa mga issue na may kinalaman sa pinakasikat na bahay sa buong Pilipinas, ito nga ang bahay ni Kuya.

Kanina nga habang nanonood ako ng programa, na Cristy Ferminute, kung saan dati nilang housemate itong si Bob De La Cruz, na ngayon ay isang konsehal na sa isang bayan(di ko nga matandaan), at guest din nila ng pagkakataong iyon.


Ito ngang si Bob, ay ang naging ka love team ni Kumander Nene, na siyang naging Big Winner na kauna-unahang edisyon ng Pinoy Big Brother. Nakalulungkot nga ang naging pagtatapat ni Bob kay Cristy Fermin. Sabi niya ay makakabalik naman sana siya sa bahay, after magkasakit siya at ma-admit siya sa isang hospital. Dahil nga may rules ang bahay ni Kuya, na pag hindi naka-balik sa bahay within 24 hours ay evicted. Ayon nga kay Bob, imbis idiretso siya, sa bahay, ay sa hotel siya itinuloy, naramdaman niya daw ito sa pagsakay nila sa elevator, pagadting sa kwarto ay nag-iiyak sya sa kalungkutan. Bilang kapalit nga daw diumano sa pangyayari ay pinangakuan sya ng mga proyekto, na hindi dumating.

Ngunit ang tanong ko naman, bakit ngayon lang siya nagsasalita, masyado nang matagal, ilang edisyon na ang dumaan. Kung may katotohanan man ang isyu na ito, ay hindi na nakakagulat. Natatandaan niyo ba si Trisha Santos, sunod sunod nga ang pagka-nominate sa nasabing housemate, ngunit hindi pa rin matanggal, hanggang sa ginamit nga nila ang "vote to evict" na option, kung saan vote to evict minus vote to save ang mangyayari, at kung sino ang may malaking vote to evict kung ito mas lamang, o ang may pinaka less naman na vote to save, ang siyang matatanggal sa bahay ni kuya.


Ngunit ang nakakapagtaka, pagkatapos mismo ng pagka-evict ni Tricia Santos, ay biglang tinanggal ang option na vote to evict. Dito nga nawala ang tiwala ko sa Pinoy Big Brother, maging sa ABS-CBN, lalo na't nang mabunyag pa ang pandaraya sa show na Wowowee, na naging dahilan ng away ni Willie Revillame at Joey De Leon.


Naniniwala ka rin ba na totoong si Melai Cantiveros ang nanalo sa kanilang edisyon, laban kay Paul Jake Castillo na taga Cebu, Cebu na nakakapagpanalo ng Presidente ng Pilipinas, dahil sa kanilang kaisahan, at may malaking populasyon. Porke't ba hindi lalabas na kapaki-pakinabang ang isang Housemate, para sa istasyon, ay haharangin na ang pagkapanalo? Tanong lang naman. Bakit ka pa sasali dyan?

4 (na) komento:

  1. Tama nga naman no? If you consider those things above eh talagang makakapag isip ka na may daya talaga. Nakaka sad kasi they dont play fair and they dont run the program fair for all. Tnx for the post! Nakapag-isip ako dun ha! :)

    TumugonBurahin
  2. nang pumasok si Sam Pinto sa PBB parang feeling ko hindi na dumadaan daan pa sa audition audition palakasan nalng

    TumugonBurahin
  3. omg didnt know some of this, pero super bias talaga ang abs cbn kahit sang anglo ko tignan :s

    true yung kay willie, pandaraya ng production yun. host lang sya.

    sa pbb naalala nyo ba yung gown ni kim chiu sa big night at yung gown nung isang housemate?? tapos nakalabas sila, nagresthouse pa sila ni gerald. ang unfair ng laro. may favoritism ahhahaa

    TumugonBurahin
  4. Agree ako sa mga comments sa itaas and to your post. But let us see the other angle din. Siguro sa industry my mga ganyang pangyayari tlg where in mas nakakakuha sila na pursyento. Para sa kanila naman din yun though bias nga ang labas. Hehe

    TumugonBurahin