Huwebes, Abril 12, 2012

ANG SATELITE NI KIM


Hindi nga natuloy ang sinasabing satelite launch ng North Korea, dahil sa masamang panahon, ngunit sa araw ng bukas, kung bumuti ang kalagayan ng panahon, ay baka matuloy din ito.


Patuloy nga ang pagbababala ng NDRRMC Chair Benito Ramos, tungkol sa launch sa mga nakatira malapit sa maaaring bagsakan ng debris ng rocket booster, na halos kalahati ng eroplano daw ang laki.

Hindi nga ang nakakatakot ay ang pagbagsak ng anomang debris mula sa kalawakan. Ang nakakatakot nga ay ang mga pangyayari na maaaring maganap pagkatapos ng launch. Matatandaang ang Japan ay naghahanda ng kanilang mga patriot missile upang maintercept ang mga debris na maaaring mahulog sa kanilang bansa. Ganoon din naman ang South Korea at ang United States.



Ang tingin ko nga sa ginagawa ng North Korea ay isang provocation, ngayon ay gumagalaw na ang Japan, South Korea, at ang United States. Maaari ngang wala talagang lamang nukleyar ang satelite daw? at baka sadyain nilang talagang padaanin sa mga bansang nakahanda, at boom, declaration of war sa mag-iintercept ng satelite rocket nila. At malinaw naman ang pahayag ni President Obama, "their will be no reward for provocations, those days are over" noong March 25, 2012.


Nakakapagtaka naman ang katahimikan ng bansang China sa isyung ito, na nagpipilit din naman sa kanilang claim sa Scarborough Shoal na lubhang napakalapit sa Pilipinas kaysa sa kanila. Matatandaan na ang China ang isa sa mga bansang tumulong ng labis sa North Korea noong Korean War.

At kung sakaling matutuloy sa araw ng kinabukasan ang satelite launch, habang sinusulat ko ito, ay mangyayari nga ito sa Friday The 13th.

I hope it will be truly only a satelite launch!

12 komento:

  1. the launch failed.. That's good news for everyone except for North Korea i guess haha! :)

    TumugonBurahin
  2. Epic fail! Prayers of the Filipino people are indeed much stronger and powerful than any missile.:)

    TumugonBurahin
  3. it failed! yey! pero nakakatakot sa kung natuloy nakakatakot talaga, hindi kasi natin alam ano talaga dahilan ng korea na mag launch ng racket malaki talaga ang posibilidad na provocation sya.

    TumugonBurahin
  4. Ang Sumpa ng Friday the 13th ay umepekto sa NoKor, at hindi sa Pilipinas hehehehe, it fails on its own, not because by the US, SoKor or by Japan, Thanks be to God

    TumugonBurahin
  5. It may have failed but remember, there's always a next time. Here's hoping it fails next time.

    TumugonBurahin
  6. I just can't seem to comprehend why Korea has to do this? Are they trying to tell the world that they're power is above others? Foolish act!

    TumugonBurahin
  7. Pagsasayang ng pera! nasira lang walang napala ang NoKor

    TumugonBurahin
  8. Epic Fail na naman ang NoKOR! They try to make it appear na powerful sila behind the fact na maraming kumakalam ang sikmura sa kanilang bansa.

    Isa na naman ung attempt nila to build the tallest building in the world, ngayon kinakalawang na dahil walang pondo

    TumugonBurahin
  9. :) baka bumawi sila bukas pag maaliwalas na ang panahon

    http://legazpifabmoda.blogspot.com

    TumugonBurahin
  10. GOD did not permit them...
    There maybe more disadvantages if this will push through.
    I just pray nothing will harm the planet and the human race if ever.

    TumugonBurahin
  11. It's good that the missile launch failed, it would've definitely caused panic.

    TumugonBurahin