Miyerkules, Abril 25, 2012

MULTI TOPICS 2

MGA PUNTOS LABAN SA ABS-CBN
Ito nga ay patungkol sa teleseryeng Princess and I, wala akong masasabi sa istorya, its brilliant, pati ng casting maganda, mga primyadong aktor at aktres ang gumagaganap. From Albert Martinez to Gretchen Barretto, to the young stars, Kathryn Bernardo, Enrique Gil, Khalil Ramos, at Daniel Padilla.
Ngunit ang hindi ko maintindihan sa teleseryeng ito, ay kung bakit kailangan i-dubbed ng mga artistang gumaganap ng sarili nilang boses ang kanilang sarili, ang paliwanag sa pasimula ng bawat episode, ay nagsasalita daw sa wika ng bansang Bhutan. Kung nagsasalita nga ng salita ng Bhutan, bakit kailangan i-dubbed pa uli sa Filipino? Hindi ko lang makuha ang logic ng mga nasa likod ng programa. Bakit pa sila nagsalita sa wika ng Bhutan, kung pagdating sa atin ay i-da-dubbed naman sa Filipino, gets nyo? Filipino kasi ang audience ng programa. Bakit pa sila nagsalita ng wika ng Bhutan, kung bandang huli ay ita-translate din nila? Walang logic kasi.
Hindi po ako against sa wika ng Bhutan, in fact I want to know more about them, which is very unknown to the Filipinos. Bakit kailangang itago ang wika ng Bhutan sa ating mga Filipino? Kung mababasa ito at sana nga ay makarating sa kanila ang aking suggestion. Ang dapat nilang ginawa ay pinarinig ang wika ng taga Bhutan, tapos nilagyan ng subtitle na Filipino translation sa ibaba. Tinamad ba ang mga editor ng seryeng ito, Ayusin nyo ang serye nyo! I am not speaking for the general public, pero para sa akin, nagmumukhang tanga ang mga editor ng seryeng ito.
Isa pa napansin ko sa ABS-CBN, patungkol po sa pagpapalabas ng mga WWE shows, late na nga ng ilang araw, paatras pa, niloloko nyo ba ng audience nyo? Muli ang panawagan ko ayusin nyo ang programming nyo.
DISPUTES IN THE PHILIPPINES
I.ARA MINA VS. CRISTINE REYES
Isa nga ngayon sa pinag-uusapang away sa Philippines Showbiz ay ang awayan nila Cristine Reyes, at Ara Mina, na pawang magkapatid. Nakakalungkot isipin na umabot sa ganito ang relasyon ng dalawang ito. Si Ara Mina na napaka supportive sa kaniyang kapatid, ay paanong nagawang awayin ng kaniyang nakakabatang kapatid. Paano niyang nagawang mag-send kay Ara ng mga masasakit na text messages, na ang laman ay pawang panghahamak sa kaniyang nakatatandang kapatid.
Narinig ko pong binasa ang isang text ni Cristine sa isang radio show, sabihin na nating sa Cristy Ferminute. Hindi mo nga akalaing magagawa ng isang kapatid laban sa kapatid, sa bagay nga si Cain pinatay si Abel. Saan nagmumula ang galit na ito? Napakasagwa naman kung pera, hindi na lang ipinatawad sa kapatid, lalo pat mas nakakatanda ito, at natulungan naman siyang makarating sa kinalalagyan niya ngayon.
II.SCARBOROUGH SHOAL
Nakakatawang isipin na itinuturo pa pala nila sa kanilang mga kabataan, na ang Scarborough Shoal, ay bahagi ng Tsina, mula noon hanggang ngayon. Kung makakausap ko lang ang isang opisyal ng Tsina, sasabihin ko sa kaniyang harap na, maling pagtuturo at impertinente! Maaaring noon ay sa Tsina nga ang Panatag Shoal, Ngunit ang batas na umiiral ngayon ay ang Law of the Seas na ginawa ng U.N. na sinasabing 200 nautical miles mula sa dalampasigan ng isang bansa ay pasok sa tinatawag na exclusive economic zone ng bansang iyon. Ang layo ng Panatag Shoal sa Zambales ay 138 nautical miles lamang ibig sabihin ay pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas na pilit inaangkin ng bansang Tsina, at ginagamit ang kanilang pagiging superpower na bansa.
Ang girian nga sa teritoryo, ay umabot maging sa internet, una nga ay hinack ng mga Chinese hackers ang website ng U.P. na may sinasabing "We come from China:Huangyan Islands(Panatag Shoal)is Ours. Hindi naman ito pinalagpas ng mga Pinoy hackers, at hinack din ang sub-websites ng Chinese University Media Union.
Kung ganyan nga ang pangangatwiran nga Tsina na sa kanila na yan mula pa noon, ay papayag lang ako ako mapasakanila yan kung ang bansang Italya ay aangkinin din ang halos kalahati ng Europa, dahil kanila yun noong sila ay Imperyo Romano pa. Pero noon yun, uulitin ko sa Tsina, noon yun!
III. PNOY VS. CJ CORONA
Hindi pa nga muling nagsisimula ang impeachment trial ni Corona, ngunit kung sa boksing ay sinuntok nya ng matinding suntok si PNoy, sa pamamagitan ng desisyon na pamamahagi sa mga magsasaka ng lupain ng Hacienda Luisita. Ano kaya ang magiging katapusan ng girian ni PNoy at Corona, ito nga ang dapat nating abangan.

Lunes, Abril 16, 2012

THE PHILIPPINES HINDRANCE TO SUCCESS


You know what is Hitler's Greatest Wrong? Its that he failed to destroy communism by the destruction of Soviet Union.



At ngayon nga, ang mga komunista na ito dahil sa bigong pag-aaklas sa panahon ni Marcos, ay wala nang ginawa kundi batikosin, bawat administrasyon Mula kay Cory, FVR, Erap, GMA, at ngayon nga kay PNoy.


Wala nga silang ginawa kundi mag rally sa kalsada, at idinadamay at nilalason ang isip ng mga kabataang mapupusok ang mga damdamin na naghahanap ng radikal na solusyon sa mga problema ng bayan.


At pagkatapos ano ang mangyayari sa mga kabataang nagsasasama sa mga rally, masisira ang kinabukasan, aakyat sa bundok upang sumapi sa NPA, mamamatay sa pakikipaglabang hindi naman sila mananalo, at walang kabuluhan.


Ngunit may solusyon na bang nagawa itong mga ito, wala naman, yung mga komunista na nasa Kongreso, na sala sa init, sala sa lamig. Nung una ang kanilang sigaw, "Panagutin ang mga Arroyo! Iimpeach si Corona!" Nang nagtatagal ang impeachment, unahin ang taumbayan, ha,ano ba talaga kuya?

Ano nga ang nangyayari sa kanilang mga pondo, hindi kaya ipinanggawa lang ng mga effigy at mga plakard na bandang huli ay susunugin lang, hindi ba itoy pag-aaksaya ng pera! saan nga galing ang mga pinanggpaggawa niyan!


And why hate the US, ano ba ang ginawa ng Estados Unidos sa kanila? Dapat tandaan din ng mga komunistang ito na kung hindi dahil sa Estados Unidos, ay wala nang Komunismo. Malaki nga ang naitulong ng Amerika sa paglagaganap ng Komunismo, bagaman hindi nila ibig, ngunit dahil kay Hitler ay nagawang tulungan ng Amerika ang Soviet Union noon.



Isa pa sa ikinagagalit ko sa mga komunistang ito ay noong kapanahunan ng dispute sa China pertaining to territory, yun ay ang pananahimik nila noong ang China ang nangbubully, Noong ang Pilipinas nga ay hihingi pa lang umano nga tulong sa Amerika, ay mabilis pa sa alas-4 ang reaksyon "Huwag daw makialam ang Amerika".


Dagdagan mo pa ng oligarkiya na binuwag ni Marcos, ngunit nagbalik pagkatapos ng People Power, tama, nagtapos ang diktadurya, nagbalik naman ang oligarkiya, dagdagan pa ng mga komunistang galit sa pag-unlad, na ang resulta ay tuloy-tuloy na kahirapan para sa bansa. Ito nga ang legacy ng People Power.

Sana nga dumating ang panahon na ang Pilipinas ay maging Communist-Free Nation, Dahil hindrance ang Komunismo sa pag-unlad ng Pilipinas.

Huwebes, Abril 12, 2012

ANG SATELITE NI KIM


Hindi nga natuloy ang sinasabing satelite launch ng North Korea, dahil sa masamang panahon, ngunit sa araw ng bukas, kung bumuti ang kalagayan ng panahon, ay baka matuloy din ito.


Patuloy nga ang pagbababala ng NDRRMC Chair Benito Ramos, tungkol sa launch sa mga nakatira malapit sa maaaring bagsakan ng debris ng rocket booster, na halos kalahati ng eroplano daw ang laki.

Hindi nga ang nakakatakot ay ang pagbagsak ng anomang debris mula sa kalawakan. Ang nakakatakot nga ay ang mga pangyayari na maaaring maganap pagkatapos ng launch. Matatandaang ang Japan ay naghahanda ng kanilang mga patriot missile upang maintercept ang mga debris na maaaring mahulog sa kanilang bansa. Ganoon din naman ang South Korea at ang United States.



Ang tingin ko nga sa ginagawa ng North Korea ay isang provocation, ngayon ay gumagalaw na ang Japan, South Korea, at ang United States. Maaari ngang wala talagang lamang nukleyar ang satelite daw? at baka sadyain nilang talagang padaanin sa mga bansang nakahanda, at boom, declaration of war sa mag-iintercept ng satelite rocket nila. At malinaw naman ang pahayag ni President Obama, "their will be no reward for provocations, those days are over" noong March 25, 2012.


Nakakapagtaka naman ang katahimikan ng bansang China sa isyung ito, na nagpipilit din naman sa kanilang claim sa Scarborough Shoal na lubhang napakalapit sa Pilipinas kaysa sa kanila. Matatandaan na ang China ang isa sa mga bansang tumulong ng labis sa North Korea noong Korean War.

At kung sakaling matutuloy sa araw ng kinabukasan ang satelite launch, habang sinusulat ko ito, ay mangyayari nga ito sa Friday The 13th.

I hope it will be truly only a satelite launch!