May dalawang paksa nga akong bibigyan ng opinyon ngayong araw na ito at ito nga ang una.
I. EXPOSE
Makikita nga sa dalawang larawan na ito ay magkakontra, ang sinasabi ng isa ay pumasok ang boto habang ang isa naman ay nagsasabing hindi pumasok ang boto para sa nasabing housemate ng bahay ni Kuya.
Ano kaya nag sabihin nito? totoo kaya ang mga sabi-sabi na may dayaan sa reality show na iyan? Na pinanalo lamang ang gusto nilang panalunin kahit hindi ito ang gusto ng nakakarami? Tanong lang naman.
Bakit ganoon ang nakakapagtaka kasi, dalawang beses ako nag text,yung isa bumalik sa outbox ibig sabihin hindi pumasok, nag text uli ako at pumasok na at nag text back nga ang 231 nang 11:22pm na sinabing counted ang boto. Nang 11:26pm nag text back uli na sinasbing hindi counted ang boto. Ano ba talaga ang totoo?
Sa araw ng bukas, habang isinusulat ko ito, ay magaganap ang eviction night sa bahay. Buhay at kinabukasan ng tao nag nakataya. Ang Tanong? Totoo ba na may dayaan?
II.WRONG MOVE ISKO
Nagkahiwalay nga ng landas sila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno. Ito nga ay dahil sa pagpasok ni Erap sa pulitika ng Maynila. Ang Tanong uli? Tama ba ang ginawa ni Moreno?
Kung titignan mo nga ang kasaysayan, nanalo si Moreno noong 2007 bilang vice mayor ni Lim, ganoon nga ulit noong 2010. Ngayon ay lumipat nang bakod si Moreno kay Erap still as vice mayor running mate.Ngayon paano ito naging Wrong Move.
Pangatlong Termino at huli na ni Moreno, kung papalarin siya sa 2013 elections. Mapa si Erap o si Lim ang manalo, parehong di pabor kay Moreno. Kung si Lim ay gagantihan siya sa sigurado dahil sa mga ginagawa niya ngayon. Kung si Erap naman ay, mapipigilan nito ang sana'y dapat pag-akyat sa pagka-alkade ni Moreno.Kung kakalabanin naman niya sa Erap 50/50 ang tsansa niya, at baka siya pa maging unpopular candidate sa dalawa, kung buhay pa si Erap sa 2016.