Miyerkules, Nobyembre 7, 2012

4 MORE YEARS

Humantong na rin sa katapusan ang tunggalian sa pagitan ni President Barack Obama at Governor Mitt Romney, sa halalan ng pagka-pangulo ng Estados Unidos. Sa bilang na 303 vs 206 na electoral votes, ay tinalo ng incumbent President ang Governor ng Massachusetts.
Ang paniwala ko nga, bagaman akoy tagasuporta nya, ngunit hindi naman makakaboto ay hindi nga makakabalik ang mama sa White House, Dahil sa kaniya sinisisi ang pagbagsak ng ekonomiya ng Amerika, at ang pagbabago na ipinangako apat na taon ang nakakaraan ay tila hindi natupad.
Ang tila mga nagligtas nga Pangulo mula sa kumunoy, ay ang dalawang personahe na nasa litrato, si former President Bill Clinton, at si Big Bird ng Sesame Street. Ito nga ay dahil sa paniwala ko ay yung speech ni Bill Clinton, na umatake sa mga plataporma ng kalaban. Yung "arithmetic thing" na sinasabi niya rin. Ang speech ngang ito ang siyang naging gabay ng mga sumunod na pagsasalita ni Obama sa kampanya at sa debate, na kung saan nabanggit naman ang pangalan ni Big Bird, na tatanggalin ni Mitt Romney kung sakaling manalo siya, na hindi nga nangyari.
Isa rin marahil sa dahilan sa ikinatalo ni Romney, ay ang mama mula sa Russia, si Vladimir Putin, na masyadong agressive sya laban kay Putin, na ewan ko hindi ko naman ang isyu,sa akin ay nanahimik naman yung mama, na sa aking paniwala kung si Romney ang manalo ay mabuhay uli ang Cold War. Isa pa rin ay ang anti immigrant stance ni Romney na lahat ay pauuwiin diumano.
Ang ganda ng sistema ng eleksyon sa Amerika, komplikadong maganda na sana ay ganito rin sa Pinas. At sana bago matapos ang termino ni Obama ay makabisita naman siya sa Pinas.

14 (na) komento:

  1. Hindi sapat ang apat na taon para mabago ang lahat. Lalo pa at talagang lugmok naman ang ekonomiya ng Amerika nang madatnan nya. I'm glad he's given a second chance.

    TumugonBurahin
  2. Hindi ko talaga alam kung bakit natalo si Romney ng dahil sa Sesame St. Matapos ko'ng basahin ang iyong artikulo, yun pala'y dahil kay Big Bird. hehe (awayin ba si Big Bird)? hehe

    TumugonBurahin
  3. nagulat nga din ako kung gaanu kabilis ang resulta, sana kasi sa dito sa atin dalawa lang ang kandisdato, ang greedy kasi lahat nalng gusto maging presidente kahit wala namang k

    TumugonBurahin
  4. 4 more years.. I was honestly happy when I learned that Pres Barack Obama was re-elected. Not sure why. But this is the very time I really looked forward to another country's election. I like their process of election, the results were there in a matter of 2hrs. But I im sure there are also some flaws thatt we cannot see from here. And hopefully, our present government here in the Phlippines get to learn from the US elections.

    TumugonBurahin
  5. Quite a whirlwind election this year, wasn't it? I'm curious to know also how many dual-citizens (Filipino-Americans) "swung" the vote for Obama? :) His policies are generally very RP-friendly since he's a Democrat.

    TumugonBurahin
  6. Most of my distant relatives in America voted for Obama and they're hoping that the four more years would also be more fruitful. I admire how the elections done in the states because of its efficiency.

    TumugonBurahin
  7. With many things still to do and a lot more problem to solve, I think four years are not enough to do all that. Good luck with Obama though.

    TumugonBurahin
  8. I don't know why but Romney appeared to me as not an enough challenge
    so Obama should be thankful for this chance to do better.

    TumugonBurahin
  9. i was expected that obama would win..and he just did...lol. i think the reason why he won was that he presented a plan for America. unlike Mitt who presented a plan against Obama...

    TumugonBurahin
  10. Eto din ang saloobin ng marami. Lalo na ang tungkol sa Cold War issue. Congrats OBAMA!

    TumugonBurahin
  11. Natatawa ako sa post na to :D Eto dapat ang nakapost sa yahoo section - hindi crap news. Pinasaya mo araw ko... good point on mentioning romey and comparing it to putin. :)

    TumugonBurahin
  12. ay talagang dasal kadamihan mga guro ay si Obama pa din.. at sobra lakas dasal mga non-immigrants at immigrants na si Obama nga! Salamat sa Diyos!

    TumugonBurahin
  13. I hope Obama would do better for another 4 years..:-)

    TumugonBurahin