Nang dahil nga sa Cybercrime Law, na awa ng Dios ay na TRO ng Supreme Court, ay tila mas nakakatakot ngayon, mag-sulat sa Internet, nang mga saloobin at mga patama, sa gusto mong patamaan, at maglahad ng opinyon. Ngunit hindi pa rin ako nito mapipigilan sa pagsusulat tungkol sa aking saloobin. Lamang ay hindi na kagaya noon at mas maingat na ang pagpo-post.
Idadaan ko na lang ang aking pag-oopinyon sa pamamagitan ng BLIND ITEM.
Ano ba itong ginagawa ng isang news and current affairs show ng isang istasyon? Napapansin ko na tila ang sentro ng komentaryo, at mga patama nila ay pumapatungkol sa mga kompanya isang business tycoon sa ating bansa.
Una nga nilang tinira ay ang kompanya ng kuryente, sumunod ay ang sa mining, sumunod naman ay sa tubig, at ang kahulihulihan ay ang kompanya ng communication ng nasabing business tycoon.
May mga punto naman ang kanilang mga patama, tungkol sa mga kamalian sa kompanya ng nasabing business tycoon. Ngunit masasabi ba nating kasalanan lahat ng bagong administrasyon ang mga kamaliang kanilang pinatatamaan?
Ito nga ay dahil bagong bago lamang ang administrasyon ng nasabing business tycoon sa mga kompanyang ito, taon pa lang ang binibilang, samantalang dekada nang nasa kamay ng pamilya noon, na humawak at mga may-aring talaga ng kompanya ng kuryente at tubig, bago pa man malipat sa nasabing business tycoon ang pamamahala sa mga kompanyang ito. Pag mamay-ari din nga ng pamilya, na dating may pamamahala sa kuryente at tubig, ang istasyon kung saan umeere naman ang commentary show, kung saan ng mga nakaraang mga episodes nito ay pinatatamaan ang kompanya ng nasabing business tycoon, na kung saan ang ibang kompanya ay dating nasa pamamahala ng pamilyang ito.
Ano ba sila galit o gumaganti? Tanong ko lang naman.
Kailangan pa ba ng clue? Di na siguro. Pero bibigyan ko kayo, Kilala silang pareho ni Kuya Wil, yung programa ay parang NOW NA!
Humula sa isip, huwag nang itype sa comment at baka matumbok.
Sangayon ako sa mga saloobin mo. Kilala ko rin sila, hindi ko na lang papangalanan. Bahala na ang diyos sa kanila.
TumugonBurahinKilala ko sya. hahaha Ganyan talaga ang balita may pinapanigan.
TumugonBurahin