Nailibing na rin nga si DILG Secretary Jesse Robredo. Noong buhay pa nga siya noon, ay tila na naiisantabi lang siya nating mga Pilipino. Ngunit nang siya ay namatay, nalaman natin ang kaniyang mga dakilang gawa sa kaniyang bayan. Nakakapang-hinayang nga ang kaniyang maagang pagkawala.
Ang dagsa ng tao sa lamay, maging sa libing ay maikukumpara, sa libing at lamay ng mag-asawang Aquino, noong sila'y pumanaw, at inihatid sa kanilang huling hantungan. Totoong walang kapareho si Jesse Robredo, at hindi mapapantayan ang kaniyang mga nagawa sa bayan. Ngunit hanggang doon na lamang ba ang mga magiging pagkakapareho ng mga pangyayari?
Kung nakukuha niyo nga ang sinasabi ko, ay iyon nga ang ibig kong sabihin. Hindi ba't nagpahayag ang pangalawang anak ni Sec. Jesse na si Patricia, na ibig ni Jillian(ang pangatlo sa tatlong magkakapatid na Robredo), maging artista, gaya nang kung paanong si Kris Aquino ay naging artista, na may namatay ding ama noon gaya niya.
Kung si Jillian Robredo ay ibig maging gaya ni Kris, hindi ba't si Atty. Leni Robredo ay maaaring maging gaya naman ni Cory Aquino? Tignan niyo nga ang mga pangyayari. Namatay si Ninoy, at si Cory Aquino ay naging Pangulo, namatay si Tita Cory, at ang kaniyang unico hijo naman ang naging Pangulo. Tinawag nga itong "Cory Magic". Hindi kaya meron ding "Robredo Magic"?
At mayroon pang pagkakapareho sila Cory, Noynoy, at Atty. Leni, pareho nga nilang ayaw sa pasimula. Nagpahayag nga si Atty. Leni, na hindi sila papasok sa pulitika. Narinig ko naman sa balita, sa isang tao, hindi ko lang maalala kung sino, sabi niya, if their is a compelling reason maaari daw tumakbo si Atty. Leni.
Ganitong-ganito nga rin nang panahon ni Cory, sabi ni Cory kung magkakaroon ng isang million na signature na nagsasabing dapat siyang tumakbo, ay tatakbo siya. Nangyari nga at nagkaroon ng isang million na lagda. Ganoon din nga nang bago tumakbo si Noynoy, maraming nanawagan, hanggang si Mar Roxas nga ay umatras na sa pagtakbo bilang Pangulo, upang bigyang daan si Noynoy.
Ngayon nga ang tamang panahon upang magdeklara kung tatakbo o hindi. Hindi na nga mauulit pa ang ganitong pagkakataon. Ang tanong na nga lang kung saan? National o Local? Kung Local ay siguradong-sigurado ito, ngunit malaki din naman ang pag-asa sa National. Kung tatakbo siya sa National position, in which the highest sa susunod na eleksyon ay ang pagiging Senador, ay iboboto ko siya, pangako yan gaya ng ipinost ko sa Twitter.
https://twitter.com/KennFrankRave/status/238964822304231424
Wala ngang maaaring pumalit sa isang Robredo,kundi isa ring Robredo, Ito nga si Atty. Leni. ROBREDO FOR 2013!
Agreeable ako dyan, Atty. Lenie should run for office. She's the one person who could continue Jessie Robredo's legacy of good governance.
TumugonBurahin